Ang sumunod na araw ay pagsubok para sa aming lahat. Hindi lang kami nag-i-struggle ngayon kung paano namin maitatawid ang duty namin ngayong araw. Hindi lang ako naperwisyo dahil sa isang pagkakamali na nagawa ko, nagkaroon ng domino effect at maging ang mga kasamahan ay nadamay. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko pinairal ang pagiging childish at immature ko kagabi. Wala sanang nangyaring aksidente - at higit sa lahat hindi ko sana mahahalikan sa labi ang koreanang bisita namin kagabi. What a night of unforgettable and embarrassing moments.
Until now, I can't shake off the train of thoughts that happened last night. It keeps on boggling my mind especially the main cause why the accident occurred in the first place. My conscience is taking over me, so I told them the truth before it became worse.
Inamin ko sa kanila na ako may kagagawan kung bakit may tubig na nakakalat sa floor kaya naaksidente ang koreanang snorlax nung pagkatapos namin mabigyan ng atensyong medical sa emergency ward ng isang hospital. Nang malaman nila, hindi sila halos makapaniwala na nagawa iyon. Gusto man nilang magalit sa akin, hindi na nila nagawa pa dahil nangyari ang nangyari at dahil siguro sa kalagayan ko rin.
"Swerte pa din tayo dahil ganito lang nangyari sa atin at wala naman naging major damage or injuries base sa mga X-Ray results natin. Kaya na-discharge din agad tayo sa ospital kagabi." Hindi mapigilan magkomento ni Angela na hanggang ngayon ay iniinda pa rin ang pilay niya sa isang braso nung mahulog siya mula sa folding stairs. Mabuti na lang at naging alerto ang kasama niyang si Kang Min kung kayang nasalo niya ito ayon sa pagkakakwento ni Winston sa akin.
"Angela-ssi is right." sabat ni Mister Jeong na hindi pa rin nawala ang pag-aalala niya sa amin simula nang isugod niya kami sa ospital sa tulong ng mga kasamahan naming waiter na si Aaron at Paulo. "That's why you need to get recovered first before you guys go back to work." dugtong pa niya na ikinagulat ko nang marinig namin sa anunsyo niya pagkatapos namin mag-breakfast. Anong ibig niyang sabihin?
Bago ko pa kinumpirma sa kanya kung tama ang nasa isip ko, inunahan na ko ni Winston na na-injured naman sa magkabilang braso nang harangin niya ang tumumbang hagdanan. "Mister Jeong, are you saying that we will not open the restaurant today?" tanong niya.
"Exactly. How can you work with that condition? Health and safety of the employees are the first priority. Likewise, Manager Joco was still on leave because he was in the province with his girlfriend. He called me last night and informed me that he can't come back yet in Manila because of a family emergency situation. So as a co-owner and a boss, I'm instructing everyone to take their days off until you're ready to come back to work." He told us in full authoritative tone.
Oo nga pala, nag-request ng emergency leave si Manager Joco nung isang araw pa dahil kinailangan niyang sumama sa girlfriend niya pauwi sa probinsya nito sa Marinduque para dalawin daw ang amang may sakit, kaya wala siya kagabi. Kung hindi, isa rin siya sa mga naka-witness ng kahihiyan ko. "How about that, Isagani? Is it okay with you? We will not operate for several days." Nabaling naman ang atensyon niya sa akin at hiningi ang opinyon ko sa naging desisyon niya.
Nung una, hindi ako makasagot pero sino ba ako para kumontra sa magandang intensyon niya para sa amin. Iyon nga lang hindi ko maiwasang manghinayang at ma-guilty sa naging hatol niya. Nanghihinayang - dahil walang papasok na profit sa Hang-Noy Restaurant ng ilang araw sa pagsara namin. Nagi-guilty naman - dahil hindi ko lubos maisip na aabot sa ganito ang magiging consequences ng ginawa kong pagkakamali - pati ang daily operation ng restaurant ay nadamay pa tuloy.
"I don't see any problem with that, Executive Chef Jeong." walang sigla kong tugon sa kanya, saka ako napayuko sa harapan nila. "I'm really sorry, guys. It's my fault, kaya nangyari ang lahat ng ito." paghingi ko ng tawad sa kanila nang biglang tumahimik ang buong paligid. Wala akong mukhang maiharap sa kanila lalo na sa matandang Koreano dahil nadamay din ang kanyang anak sa nangyari.
BINABASA MO ANG
OUR TIMELINE (우리의타임라인)
RomanceIn the intertwining fates of Isagani Manansala and Ha Yoon Jeong, two individuals from different cultures, they meet in South Korea amidst a misunderstanding that sets their journey in motion. Years later, their paths cross again in the Philippines...