19장: The Food Tasting Event

8 1 0
                                    



Ilang araw matapos ang paghahanda at pag-aasikasong ginawa namin para sa nalalapit na grand opening day ng Hang-Noy Restaurant, dumating naman ang nakatakdang araw para sa food tasting event. Nag-imbita sila ng mga participant na kakilala nila dito sa Manila para maging kritiko o judge ng mga pagkain sa listahan ng aming menu.

Kung ako lang ang masusunod, ayoko ng magkaroon pa ng ganitong pakulo. Pero syempre hindi lang ako ang pwedeng magdesisyon hinggil sa bagay na ito at napag-meeting-an na namin nina Mister Jeong at ng tatlong bagong hired employees na kailangan naming isagawa ang food tasting event dahil malaking tulong ito para malaman namin kung alin sa mga pagkain ang ihahain namin ang magiging patok sa panlasa ng mga pinoy at ng mga koreano - lalo pa't naka-sentro ang concept ng Hang-Noy Restaurant sa food fusion ng dalawang bansa.

At higit sa lahat, through this event - maaari din kaming mahanap ng mga potential investors para kung sakaling mag-expand o maka-other branch pa ang restaurant in the future. Pero syempre one step at a time muna at bonus na lang iyon. Ang mahalaga sa akin sa ngayon ay mairaos namin ang event na ito nang matagumpay at makamit namin ang aming pinaka-goal - at iyon ay makapag-iwan sa mga dumalong guest ng magandang impresyon pagdating sa aming customer service experience at higit sa lahat ay maipalasap namin sa kanila ang sarap ng lasa ng aming mga pagkain dito sa Hang-Noy Restaurant na kung saan ay magugustuhan ng kanilang panlasa.

Alas-tres palang ng madaling araw ay nakapamalengke na kami ni Mister Jeong at Winston sa Central Town Market at nakabalik kami sa restaurant mag-a-alas singko na. Enough na iyon para maihanda at mailuto namin ang mga putahe na kasali sa menu na ipapatikim namin sa mga invited guest mamayang bago magtanghalian. Kaming tatlo muna ang naka-assigned sa kitchen at backdoor operation since medyo nagamay na namin ang routine nang dahil sa ilang araw na dry-run at practice.

Pagdating ng alas-ocho, naisalang na ang mga karneng matagal ipinapakuluan, naka-marinate na lahat ng dapat na naka-marinate na karne at nakahiwa na rin ang mga gulay na unang iluluto. Dumating na din ang dalawa pa naming kasama na hinihintay namin para tumulong sa aming paghahanda. Si Angela ang nakatoka sa pagde-designate ng mga tasks and responsibilities sa dalawang lobby person o waiter, katuwang niya ang isa pang bagong hired na Operations Manager na si Joseph Conrado Gonzales o Manager Joco na nasa late 30's ang edad.

Sila ang bahala sa presentation ng mga pagakain sa menu at sasagot sa mga katanungan ng mga panauhin kung sakaling may mga tanong sila. At kung may Koreanong guest na hindi gaano makapagsalita ng English o tagalog, naka-back-up naman kami ni Mister Jeong sa kanila. So far, so good as I observe them working on their own. I think nakatulong ang two consecutive days na paghahanda namin na kasama ang mga bagong empleyado bago ang food tasting event na ito.

Sa tingin ko naman, hindi kami nagkamali ni Mister Jeong sa pag-hire kay Manager Joco. Bukod sa may enough years of working experience siya sa posisyon na inaplayan niya base sa resume niya, nakikita ko naman ang determinasyon at pagpupursigi niya sa ginagawa niya. Pansin ko naman since the day of our meeting. I can say na nakikita ko ang sarili ko sa kanya na seryoso pagdating sa trabaho. Ume-effort talaga siya para matutunan ang dapat matutunan sa pagpapatakbo ng restaurant na ito. Higit sa lahat - he treated me with respect and seniority like a boss, knowing na mas matanda siya sa akin ng sampung taon na agwat.

I guess he's the best candidate for the job position among all those who applied during recruitment day. Kaya confident naman akong maipu-pull off niya itong food presentation dahil nakita ko sa ilang araw niyang effort para kabisaduhin ang mga menu when it comes to technicality. Magaling siya sa magsalita at magpresenta kaya nagkasundo kaming ibigay sa kanya ang task.

OUR TIMELINE (우리의타임라인)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon