47장: My Koreanang Snorlax

5 1 2
                                    



Ang sumunod na araw sa Hang-Noy Restaurant, hindi ko magawang makapagpokus sa trabaho simula nang magbukas kami. Iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi. I'm still worried about her swollen ankle. And it's my fault why she wasn't able to come to work today. Bakit ko pa kasi siya niyayang maglakad-lakad kagabi pagkatapos naming kumain? Hindi sana namin makakasalubong ang mga hinayupak na iyon. Hindi sana kami kakaripas ng takbo at hindi siya matatapilok.

"Ang lalim ng iniisip mo. Wag kang mag-aalala, makakabalik din siya sa trabaho." Narinig ko ang boses ni Winston na sumulpot sa tabi ko habang nakatanaw ako sa counter area. "Pero tol, saan ka ba nanggaling kagabi? Hindi ka na namin nadatnan pag-uwi namin sa condo kahapon." Dugtong pa niya. Tila hindi pa rin siya sumusuko sa pangungulit niya sa akin kung saan ako nagpunta.

I turned my head to him and slightly arched my right brow. "I already told you! Nag-unwind lang ako at namasyal mag-isa sa mall para makapag-relax man lang ng kaunti. Because I badly need one!" mariing saad ko na tila hindi pa rin siya kumbinsido.

"Hmmn... kilala na kita tol. Hindi ka magaling magsinungaling. Kaya umamin ka na." asar pa niya na may kasamang pilyong kurba na nakaukit sa kanyang mga labi.

"Whatever tol! Mabuti pa bumalik ka na doon sa mga tine-train mong bagong assistant chef natin." I retorted. Then, he followed my order and disappeared in my sight.

Hindi ko inamin sa mga kasama ko sa bahay ang ginawa naming date ng koreanang snorlax. Nagdahilan na lang ako na nilibang ko lang sa mall ang sarili ko. Iwas intriga na rin. Kapag kase nalaman nilang niyaya kong nag-date ang koreana, paniguradong hindi nila ako titigilan sa pang-aasar, lalo na si Mister Jeong. Although, alam kong hindi namin malilihim ang nangyari kagabi dahil sa social media at sa internet.

Napako ang tingin ko sa ginagawang pagte-train ni Angela sa dalawang bagong cashier na dagdag din sa team nila. Few days ago, my business partner and I came up with a decision to hire additional manpower on each areas of our restaurant. And today is the start of their training. Hindi ko maiwasang maisip ang koreanang snorlax nang magawi ang tingin ko sa madalas niyang workstation. Bigla kong na-imagine na siya ang nakikita kong nakatayo doon.

Then my mind started to drift away and brought me in the scene of last night after we managed to outrun the bad guys who were chasing after us. Thanks to the Police who came just right in time at the scene. Iyon nga lang, dahil doon ay nasaktan ang kasama ko at muntik nang hindi makalakad...

The moment I noticed that there's something wrong on her foot. Halos umupo na ako sa semento habang ang isang tuhod ay nakaluhod para tignan kung anong masakit sa kanya. Until I found out it was her swelling ankle after I tried to remove one of her shoes.

"Oh crap! Masama ito! Kaya mo pa bang maglakad?" Matapos kong suriin ang isang paa niya at tumingala para tingnan siya. Muntik pa siyang ma-out of balance nang magtama ang mga mata namin. Kung hindi pa siya napahawak sa isang balikat ko ay baka tuluyan na siyang bumagsak sa semento.

Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Ginawa ko na agad kung ano ang unang pumasok sa isip ko. Pinaling ko patalikod ang pagkakaupo ko nang saglit siyang nakabalik sa pagkakatayo. I shouldn't ask the obvious. She's in pain and couldn't walk properly because of me. Therefore, she needs my immediate assistance right now.

"Get in my back. I'll give you a piggyback ride." sambit ko saka inihanda ang sarili ko sa pagsampa niya.

"Ah? No, I-I'm good. I can still walk. Thanks for your concern though." Nahihiyang pagprotesta niya sa alok ko.

My temple slightly pulsated when she started to become a stubborn head lady. "I insist. Besides, it's my fault why your foot got hurt. Kung pipilitin mong maglakad baka lalong mamaga iyan at lalong hindi ka na makalakad bukas. Sige ka, gusto mo ba iyon?" pananakot ko pa na tila umubra naman dahil sumakay din siya sa likod ko pagkatapos ng ilang segundo kong paghihintay.

OUR TIMELINE (우리의타임라인)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon