30장: Father-And-Daughter Reunion

14 1 3
                                    


Pagbalik ko sa kusina, hinanap ko agad si Mister Jeong para abisuhan na nandito na ang anak na hihintay niya. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay may naamoy na kong nilulutong isang putahe na pamilyar sa pang-amoy ko. Tinanggal ko agad ang dalawang nakabara sa dalawang butas ng ilong ko at tinapon sa trash bin. This time nakita ko ang preparation na ginagawa ng dalawang co-chefs ko sa kusina. I'm sure Chef Jeong cooked a pork donkkaseu steak that I smelled all around the kitchen. Sa amoy palang, katakam-takam na.

"Oh, that's explained why Chef Jeong took so long to go outside the kitchen." Komento ko nang makalapit ako sa kanila.

Ngumiti lang ang matandang Koreano at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawang paghahanda ng meal prep para sa kanyang espesyal na panauhin. I can't help but to smile too upon seeing his precious reaction.

"Tol, mabuti pa tumulong ka na rin para madali namin matapos ito." suhestiyon ni Winston na tila napasabak sa gera dahil sa kanyang itsura at halatang na-pressure kay Mister Jeong bilang kanyang assistant. "Bakit naman kase unexpected ang pagbisita niya? Akala ko ba naka-schedule? Hindi sana tayo nangangarag ngayon." dugtong pa niya habang nagpe-plating. Nakuha pang magreklamo ngayong patapos na nga sila sa kanilang ginagawa. Ito talagang kaibigan ko o.

"Ako na dyan sa mga side-dishes." pagprisinta ko nang lumapit na ako. Baka ano pang masabi ng kolokoy na hindi niya dapat masabi at masaktan pa ang abalang matandang koreano.

"O thank you Chef Gani." Saad ni Mister Jeong na tila hindi nagpa-distract sa side comment ng kasama niya at tuloy lang sa kanyang ginagawa. "We're almost done, Chef Winston. You're such a big help in the kitchen!" Pagpuri naman niya sa kasama habang nakangiti. Napatulala naman si Winston sa sinabi ng matanda at may sumilay na ring ngiti sa kanyang mga labi. Sa tingin ko, sinabi niya iyon para pawiin ang pag-alboroto niya.

Pagkalipas ng ilang minuto, sa wakas na-satisfied na rin si Chef Jeong sa makailang ulit na pag-aayos sa mga pagkain inihanda namin sa serving tray. Talagang ibinuhos niya ang buong effort at oras niya para dito. Kung sabagay, ito ang pinaka-unang pagkain na niluto niya para sa kanyang anak na babae pagkatapos ng mahabang panahon. Here we go! She will be able to taste her favorite food again made by her chef father after ages.

But anyway, alam mo ba kung bakit ikaw ang napili ko, kahit pa-mystery effect yang account mo?

Because one of my favorite foods is donkkaseu when I was in Korea. Bigla ko lang na-miss itong food na ito out of the blue...

Hindi ko maiwasang maalala ang araw na nag-join request ako sa livestream session niya sa IG nung mapili niya ako dahil sa gamit kong username sa account na MrDonkkaseu07. This food became my instant favorite food as well when I was in Korea back then. At that time when I'm creating my dummy account, wala akong maisip na username na matino habang kumakain ako sa maliit akong restaurant sa isang Mall sa Gimhae na ang pinaka-main dish nila ay puro donkkaseu na may iba't-ibang twist flavor. Thanks to the name of this food, I came up a better idea. At kung hindi rin sa username ko na ito - hindi ko makakausap ang koreanang snorlax na para mag-reconnect kaming muli pagkatapos ng mahigit apat na taon.

Personal naming sinerve ni Winston sa mesa ng koreana ang tig isang tray na dala namin. Nag-ala-waiter muna kami sa pagkakataong ito. Pagkakita nila sa amin, agad naman tumayo sina Angela at Kang-Min para bumalik sa kanilang mga trabaho. Tila nataranta pa sila nung kumilos sila nung tinaasan ko sila ng kilay. Malamang naalala nila ang sinabi ko kanina nung iniwan ko sila dito para bumalik sa loob ng kusina.

Pagbalik ko sa lobby area, wala akong nakikitang pumepetiks...

Napatayo din bigla ang koreana nang pagmasdan niya kami inilapag ang mga serving tray na may mga pagkain. Her reaction might be mixed emotions now. She seemed surprised and at the same time she didn't expect what she's seeing right now. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya habang nakababa ang kang baba na unti-unti niyang tinakpan sa kanyang dalawang kamay.

OUR TIMELINE (우리의타임라인)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon