Nang sumapit ang sumunod na araw, habang nakapwesto sa workstation ko ay biglang lumipad ang mga tingin ko sa babaeng nakatalikod na abala sa kanya trabaho. Napalunok ako ng laway at pasamantalang natigilan sa aking ginagawa. Iaabot ko na sana ang food order sa mga counter, pero nawala ako sa pokus. Na-distract nang wala sa oras.
Crap! Bigla ko kasing naalala ang nangyari kagabi sa pagitan namin ng koreanang snorlax. Ang eksenang hindi mawala-wala sa isipan ko pagkatapos naming magkapag-usap.
Kahapon, sinunod ko ang payo sa akin ni Jericho. Ginawa ko ang sinabi niya. Pinuntahan ko sa condo unit si Hazel Jeong sa oras ng hapunan. Nagbakasaling maabutan ko siyang nasa kusina o sa sala nang mga oras na iyon.
"I already gave her an ample time to cool down. Siguro naman sapat na ang ilang oras na hinayaan ko siya na mag-isa. Kailangan ko siyang makapag-usap bago matapos ang araw na ito. According to my younger brother, hindi pwedeng lumipas ang araw na hindi kami nagkakausap o nagkaka-ayos kung mayroon man kaming hindi pagkakaunawaan."
Ang ginagawa ko kapag ganon, hindi ko sinasabayan ang topak niya. Hinahayaan ko muna siya lumamig ang mainit niyang ulo. Pinakikiramdaman ko siya. Kapag medyo okay na siya, saka ko siya tatanungin kung anong problema o anong nagawa kong kasalanan. Hindi ko hahayaan na matapos ang araw na hindi kami nakakapag-usap at nagkakaayos.
Naalala ko ang eksaktong sinabi sa akin ni Jericho sa phone. Wala naman sigurong mawawala kung subukan kong gawin ito. Applicable din naman ang payo niya sa case ko kahit papaano.
Hindi na ko kumatok o nag-doorbell sa pintuan nang dumating ako sa unit niya. Itinapat ko agad ang key card at in-unlock ang pintuan. Pumasok ako agad na may baon pang kaba sa dibdib ko. Naisip ko kasi kung kakatok ako ay baka bigla siyang magkulong muli sa silid niya. Hindi na naman niya ako haharapin at kakausapin.
Pagpasok ko sa loob, bumugad agad sa akin ang koreanang snorlax sa may sala at nakasalampak sa carpet ng sahig habang may hawak na beer-in-can sa harap ng mesa. Hindi siya agad lumingon sa akin nang makalapit ako sa kanya. Napansin kong marami na ang mga nakataob na walang laman na latang alak sa paanan niya. Obviously, she was already drunk by this time.
"Ya! (hey!) Boss-Chef, you're here. C'mon, take a seat. Join with me here. You're just right in time. Because I need a drinking buddy." She said in a singsong tone.
Para siyang lutang sa itsura niya ngayon. Pulang-pula ang magkabilang pisngi. Magulo ang buhok. Malayong-malayo kanina sa itsura niyang presentable. Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa paanyaya niya. Napaawang na lang ang bibig ko habang pinapanood ko siyang inaalok ang beer sa akin.
Then after a few seconds, I decided to join her at the table. Umupo din ako sa carpet na tumapat sa kanyang pwesto. Napabuntong-hingina ako sa pagkadismaya. Saka napakamot na lang sa gilid ng aking leeg.
"Ya! (hey!) What are you doing now?" tanong ko nang kunin ko ang sa kamay niya ang beer-in-can. "I thought you're taking a rest. Pero bakit ka nag-iinom sa oras ng hapunan?" I added while trying to hold my temper.
Tinawanan lang ako na parang may nakakatawa sa mga sinabi ko. "B-boss-Chef, can't you see? I'm having fun right now. Don't be a KJ. Oh c'mon!"
"I'm not a KJ! You're already drunk. Kumahae! (Stop from here!)" singhal ko na parang nanenermon ng empleyado.
Bigla siyang tumayo at nag-po-pose na parang modelo sa photoshoot. "No, I'm not. Look. Isn't it, I'm like a model? I can do sexy poses as well. Look at this. Like this."
Pansamantala akong nahumaling sa mga sunod-sunod na ginawa niyang mga sexy pose kuno. Imbes na mapikon na ko sa pinagagawa niya ay parang matatawa ako sa mga nakita ko. I know she's drunk why she did those awkward poses in front of me. But – why do I really find her cute and attractive at this moment? Aisshhh! This girl really knows how to flutter my heart.
BINABASA MO ANG
OUR TIMELINE (우리의타임라인)
Storie d'amoreIn the intertwining fates of Isagani Manansala and Ha Yoon Jeong, two individuals from different cultures, they meet in South Korea amidst a misunderstanding that sets their journey in motion. Years later, their paths cross again in the Philippines...