The following day, I woke up in our bed with heaviness in my inside. I felt like less motivated to face the new day. Hindi ako halos makabangon at sobrang antok pa din dahil hindi ako agad nakatulog kagabi. Siguro dahil nasobrahan sa caffeine. O mas swak sabihin na hindi nakatulog dahil sa overthinking. Sinisi pa talaga ang kape eh.
"Bakit kasi nagkape ka pa kagabi? Ayan tuloy, ang laki ng mga eyebags mo." biro ng kolokoy habang naglilipit ng pinaghigaan namin. Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar niya. I'm busy yawning at the moment. At wala din ako sa mood makipagbiruan ngayong umaga.
Tumatawa naman ang matandang koreano na nakikinig din pala sa usapan. "I think... he slept very late last night because of excessive usage of his cellphone? He was checking on it from time to time." pagnunukso naman niya sa akin.
Kunwari wala na lang akong naririnig. Kunwari wala pa ako sa wisyo at hindi pa gising ang diwa. Bahala sila dyan.
Sinikap ko pa din magawa ang sous chef duties ko nang araw na iyon. Hindi ko na lang muna pinagtutuunan ng pansin ang personal na problema ko. I have to be professional and it's my responsibilities to do my job anyway.
Nang hapon na iyon, habang wala pang masyadong customer dahil kakatapos lang ng lunch hour, naisipan ko ng mag-lunch break na din at nakasabay ko si Kang Min. Sa gitna ng aming tahimik na tanghalian, bigla siyang nagbukas ng paksa para matauhan ako. Hindi ko talaga inaasahan ang maririnig ko sa kanya.
"Boss-Chef, I'm happy that you and noona (big sister) are getting along well now. Our efforts finally paid off." Sambit niya habang nakangiti. "Opps!" pahabol niya pagkalipas ng ilang segundo. Napatakip pa siya ng bibig na parang may nasabi na hindi dapat.
"Ah? What are you saying, Kang Min?" napatanong ako pagkatapos kong ngumuya. Anong efforts ang sinasabi niya? Ganyan din ang narinig ko mula kay Angela nung isang araw ah? So kasama din pala sa kalokohan nila itong binatang Koreano na ito.
Napainom siya ng tubig at iniwasan agad ang mga tingin ko. Agad siyang tumayo at mabilisang niligpit ang pinagkainan na halatang hindi niya na inubos. "Oh excuse me, boss-chef. I will go back first. I forgot that I have to do something." huling pahayag niya bago sumibat.
"Aisshhh!" nasambit ko na lang nang makalayo na siya at dumiretso na sa back sink area. Fine, they don't want to tell me about what they did – but I'm grateful for having them. Salamat sa ginawa nila para magkaayos kami ng koreana.
Walang anu-ano, natigilan ang pagmumuni-muni ko nang biglang dumating si Angela sa pantry. Mukhang tsinempuhan niya talaga na wala akong kasama dito. Iniwan niya ang workstation niya para lang may mai-tsismis sa akin tungkol sa Koreanang Snorlar. Aigoo!
She was almost panting upon approaching me discreetly. "K-kuya, alam ko na kung bakit simula kahapon parang may bumabagabag na sa isipan ni Ate Hazel." direktang ibinahagi niya sa akin na wala ng paligoy-ligoy pa habang ang atensyon ko ay nasa kanya.
"Ah? Anong pinagsasabi mo?" nalilitong tanong ko sa kanya.
She gulped before clarifying her statement. "Wala ka ng panahon. Kailangan mo ng umaksyon bago ka pa maunahan."
My forehead wrinkled. Instead I will be enlightened to what she was talking about, I became more confused. My brain cells are not cooperating with me now. Nasobrahan sa overthinking kagabi siguro.
Pinakalma muna niya ang kanyang sarili at hinintay makabalik sa normal ang kanyang paghinga bago niya kinlaro nang mabuti ang pahayag niya. "Nasa restaurant kanina ang ex-boyfriend ni Ate Hazel na isang certified oppa ng bayan. Take note, he's not just an oppa. Pang K-drama ang kagwapuhan nito, kuya. Balita ko nga... balak niyang diskartehan si Ate Hazel para masungkit muli ang kanyang puso."
BINABASA MO ANG
OUR TIMELINE (우리의타임라인)
RomanceIn the intertwining fates of Isagani Manansala and Ha Yoon Jeong, two individuals from different cultures, they meet in South Korea amidst a misunderstanding that sets their journey in motion. Years later, their paths cross again in the Philippines...