"Tol, anong naganap kanina bago ang closing time natin? Balita ko may eksena ka daw sa lobby area. Magkwento ka naman dyan." pangungulit ng kolokoy na si Winston nang makauwi na kami sa condo. Hindi ko naman siya pansin sa mga oras na ito at abala pa ako sa paglalagay ng mga pulutan sa plato.
Hindi ko alam kung anong naisipan ni Mister Jeong ngayong gabi at bigla na lang nagyaya na uminom dito sa sala kasama kaming tatlo. As usual, hindi naman ako maka-hindi sa kanya at tatangi pa ba ako ngayong all set na ang inuman session nila. Nakahapag na sa tempered glass table ang mga beer-in-can na binili nila sa malapit na convenience store.
Pabagsak akong umupo sa sofa pagkatapos kong makahanap ng kumportableng pwesto. Napansin ko na ako lang ang hindi naka-indian sit sa aming apat. Nakasalampak lahat sila sa sahig na may carpet. Kung sa bagay, sanay na ang dalawang koreano sa ganitong istilong upo. Pero iyang si Winston, ewan ko na lang sa kanya kung matagalan niya ang ganyang klase ng pagkakaupo. Paniguradong sasakit ang mga binti niya mamaya.
Dati naman kasi sa may dining area kami umiinom, at hindi dito sa mismong sala. Mas okay kaya doon, may kanya-kanyang upuan. Buti dito naisipan ng matandang Koreano na magwalwal? Bakit dito pa kung saan din kami natutulog?
"Hoy tol, bakit dyan ka umupo? Ang layo mo kaya sa amin. Umupo ka kaya dito sa sahig." utos ng kolokoy sa akin nang mapansin niya ako.
Sabay naman napalingon sa akin sina Kang Min at Mister Jeong at waring hinihintay ako na kumilos. Pero hindi ako nagpatinag sa pwesto ko. Hindi ko sinunod ang kolokoy. Hindi naman siya ang boss sa amin para sundin ko siya. Tsk.
"Eh dito ako kumportable, tol. Ang tigas kaya ng sahig kahit may carpet pa." reklamo ko sa kanya saka ako nag-free fall para sumandal na parang nang-iingit pa dahil masarap ang pagkakaupo ko kaysa sa kanya.
"Let him sit on the couch if that's what he wants." saway ni Mister Jeong kay Winston na ikinatuwa ko. Kulang na lang bumelat ako sa kolokoy.
Tumango-tango naman ang kolokoy at umastang parang batang napahiya. "O sabi ko nga. Dyan ka na umupo, boss-chef." sabi pa niya nang muli niya akong tiningnan saka ako ngumisi na nang-aasar pa.
Suddenly Mister Jeong called our attention. He cleared his throat and forced a cough. "Cha~ and let's begin our celebration now!" wika niya habang nakangiting tagumpay nang tumingin sa akin. Kinuha niya agad ang beer-in-can sa kanyang harapan saka niya ito binuksan. Ganun din ang ginawa ng mga katabi niya.
Teka... celebration? Anong ipinagdiriwang ba namin ngayon? Bakit hindi ako aware kung anong meron sa gabing ito? Akala ko trip lang niya na uminom o mag-unwind.
"Boss-Chef, here." inabot naman sa akin ni Kang Min ang isang alak dahil siya ang mas malapit sa akin. Saka ko naman kinuha pagkatapos nang ilang sandali.
"Thanks," mahinang sambit ko at ngumiti nang pilit.
"Wait, Mister Jeong. Did I hear it right? Celebration? What are we celebrating tonight? And why did you not invite the girls to come over here?" kuryosong sunod-sunod na tanong ni Winston. Totoo ba ito pati siya ay walang kaide-ideya kung anong dahilan ng pag-inom namin ito? Saka, oo nga. Tama ang sabi niya. Bakit hindi namin kasama sina Angela at ang koreanang snorlax dito ngayon? Kung celebration nga ito, dapat kumpleto ang team.
Biglang tumayo ang binatang koreano. "Then, I will pick them up at their unit." pagprisinta niya saka binitawan sa mesa ang hawak na beer.
Nagtaas naman ng kamay ang matanda na tila pinipigilang umalis ang kanyang kalahi. "Andae! (No!) Go back to your seat, Kang Min-a. We will not invite them here." ma-awtoridad na binigkas niya.
BINABASA MO ANG
OUR TIMELINE (우리의타임라인)
RomanceIn the intertwining fates of Isagani Manansala and Ha Yoon Jeong, two individuals from different cultures, they meet in South Korea amidst a misunderstanding that sets their journey in motion. Years later, their paths cross again in the Philippines...