14장: The Start of Reconciliation

10 1 1
                                    



It's been two days simula ng maospital si mama at ngayon wala ng nararamdam anumang masakit sa kanya. She was totally fine now. Na-discharge na din siya sa ospital kinabukasan. Thank God. It was a huge relief, indeed.

Naikwento na rin sa akin ni Angela na bago pa ko mag-Korea na matagal ng plano ni mama na i-donate ang isa niyang kidney kay papa dahil lumalala na daw kanyang kondisyon at kailangan na ang kidney transplant sa lalong madaling panahon. Kaya sumailalim sila pareho sa operasyon after series of tests na pinagdaanan nila. Good thing daw na they were perfectly matched as a donor and as a recipient. I really salute what had mom did for dad - a selfless act and living proof how much she loved him even in sickness and in health.

Kung nalaman ko lang ng mas maaga na kailangan pa ni papa ng isa pang kidney para mabuhay pa siya ng mas matagal at hindi mabaliwala ang sakripisyong ginawa ni mama - ibinigay ko na lang sana ang isa ko. Ugh.

But it's too late already. Wala na ang isang kidney ni mama. Wala na din si papa. Nangyari na ang nangyari. Hindi ko na maibabalik pa ang nakaraaan. May naidulot na kong problema sa pamilya ko. There is no point crying over the spilled milk.

Is it too late na nga ba? Tama ba ang tinuran ni Winston na hindi pa huli ang lahat?

Nagi-guilty pa din ako sa nangyaring pagkakaospital ni mama. It's really my fault, tol. I shouldn't give her a hard time to begin with. Hindi sana siya maglalasing sa bahay sa mga nakaraang araw.

Tol, wag mo ng sisihin ang sarili mo sa nangyari. Hindi pa huli ang lahat. Itama mo ang mga pagkakamali mo. Bumawi ka sa kanila. Kalimutan mo na ang mga nangyari in the past. It's time to move on and live in the present now.

Mula nang marinig ko sa kanya ang mga salitang iyon when we were at the cemetery - I was felt motivated again. I don't know why, but those words he spilled out are the exact words that I needed to hear again. Hindi ko expect na mangagaling mula sa kanya ang mga ganitong salita. Coming from him? That womanizer jerk! He really knows how to give advice to someone like me. Wala talaga sa anyo at itsura niya.

Anyway, unti-unti akong nabubuhayan ng loob sa mga sinabi niya. May punto siya. It's time to move on and live in the present now. Ang problema ay kung paano ako muling makabawi sa mga atraso ko sa kanila. I can't think of any brilliant idea in my mind until now. What's wrong with me? Ano ba Isagani Manansala? Mag-isip ka ng maayos.

Kasalukuyan kong bina-browse sa phone ko ang mga screenshots na comments sa viral video na sangkot ako posted in fb few days ago. Sinend sa akin ni Winston through IG para patutuhanan na ipinagtanggol nga ako ni Jericho sa mga bashers ko na nagsasabi ng kung anu-anong hate at unpleasant remarks tungkol sa akin. Mabuti na lang talaga deactivated na ang fb account ko. Dahil baka pati ako hindi ko kayanin ang mga pamba-bash nila at nag-retaliate din ako sa mga gagong ito.

Ano pa nga ba? Marami talagang judgemental netizens sa social media. Ang lakas ng loob mag-comment, pero they never really know the whole story. They were calling me as a 'fool', 'idiot', 'modern-day martyr' at bulag daw sa pag-ibig, pati nga pagmumura sinama na nila. But my younger brother defended me against them.

Hindi ka ba marunong makiramdam? Napaka-insensitive mo naman, kuya! Wala ka bang pakelam sa pamilya natin? Dahil sa letseng viral video mo iyon, natanggal ako sa trabaho.

Anong pinagkakatak ng butse mo dyan? Iyang ugali mong impatience ang dapat baguhin mo kaya hindi ka nagtatagal sa mga trabahong pinapasukan mo. Wag mong isisi sa walang kwentang bagay.

Totoo naman! Dahil dyan sa videong kumakalat sa social media pati ako napaaway sa mga bashers mo para lang ipagtanggol ka. Pero sa huli ako ang naperwisyo. Nakaaway ko ang katrabaho ko sa factory.

OUR TIMELINE (우리의타임라인)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon