21장: Reconnected With the Koreanang Snorlax

5 1 0
                                    


Bago ang araw ng nakatakdang grand opening day ng Hang-Noy Restaurant ay nakagawa ako ng desisyon na hindi ko pinag-isipan nang mabuti. Nadala ako ng emosyon ko nang dahil sa nasaksihan ko nang gabing lasing na lasing ang matandang Koreano nung nag-inuman kami nung araw na natapos ang food tasting event. Ito na siguro marahil ang pinaka-worst state niya na nakita ko kay Mister Jeong na nalasing siya ng sobra.

Usually, kahit napaparami ang inom niya kapag magyayaya siya sa amin ay naha-handle pa naman niya kahit noong nasa Korea pa kami. Pero iba ang nangyari ngayon. Ewan ko ba kung anong nangyari sa kanya at sumobra ang beer at pati soju na binanatan niya. Nakigaya din tuloy ang kolokoy na si Winston. Imbes na tulungan niya akong maidala ang matanda sa condo ay nakidagdag pa siya sa alalahanin. Mabuti na lang nandyan si Angela para asikasuhin siya.

Malalim na ang gabi nang paakyat na kami ng condo sakay sa elevator, habang akay-akay ko si Mister Jeong ay patuloy pa din siya sa pagsasalita ng kung anu-ano. Nauna na kami kina Angela at Winston dahil hindi pa rin ito nahihimasmasan matapos magsuka sa harap ng condominium building. Muntik na siyang hindi papasukin ng security guard na naka-duty sa araw na iyon. Nakakahiya nga sa mga taong gising pa na nakakita sa nagwawalang kaibigan kong broken-hearted kuno kay Angela matapos niyang malaman na hindi pala siya ang ideal man na hinahanap niya. Iiwan na lang sana namin siya sa Restaurant, pero swerte pa rin siya dahil hindi pumayag si Angela. Naawa ito sa kalagayan niya.

Pagkapasok namin ni Mister Jeong sa condo unit namin after so many struggle, nakahinga na rin ako ng maluwag. Hiniga ko muna siya sa sofa para maging kumportable siya sa kanyang pagtulog. Babalikan ko na sana sina Angela nang biglang magsalita ulit ang matanda na dahilan para mapahinto ako. Pinakinggan ko ang sinasabi ng matanda nang may masabi siya tungkol sa kanyang anak.

"Ha-Yoon-a, why did you ignore me? Didn't you recognize me? Aboeji yogi-e wasseo. (Your father was here.)" nakakadurog puso na marinig ang mga binitiwan niyang salita habang pinapanood ko siyang mag-sleep talking.

Hindi ko akalain na maririnig ko kay Mister Jeong ang mga salitang ito. Hindi naman niya siguro banggitin ang tungkol dito, kung hindi ito nangyari sa kanya. Kaya ba siya nagpakalasing nang ganito? Posible kayang nagkita na ang mag-ama, hindi lang inaamin sa amin ni Mister Jeong? Kung nagkita na nga sila, kailan ito nangyari at saan? Kawawa naman ang matandang ito.

Sa pagkakaalala ko bago at sa mismong araw ng food tasting event, napapansin ko ng medyo tuliro ang matandang Koreano. Hindi ko lang iyon ipinaalam sa kanya. Akala ko kasi wala naman dapat ipangamba. Pero mukhang tama nga ang hinala ko na nagkita na nga sila nang hindi sinasadya, na nagresulta sa hindi magandang pagkikita.

"Mianhae. Mianhae Ha-Yoon-a," Narinig ko na naman nag-sleep talk ang lasing na matanda nang kumutan ko siya saglit. "forgive me for all my mistakes that I had did." Tuloy pa din siya pagsasalita at may nasilayan pa akong tumulong luha sa gilid ng kanyang mga mata. It's really painful to watch him like this.

Nakukunsensya tuloy ako sa nasasaksihan ko ngayon. Wala man lang akong magawang paraan para masolusyunan ang problema ni Mister Jeong. Hindi ko man lang siya matulungan sa kabila ng mga nagawa niyang kabutihan para sa akin. At the same time, labis akong nasasaktan bilang anak-anakan na niya at awang-awa talaga ako sa kalagayan niya ngayon.

At dahil sa nangyaring ito, nangyari na nga ang hindi dapat mangyari na nagawa ko.

Kinabukasan pagkatapos ng gabing iyon, ang huling araw bago ang naka-schedule na pagbubukas ng restaurant - I did my own research to get in touch with Mister Jeong's daughter. Kagaya ng nabanggit ni Angela nung isang araw, nakuha ko nga ang email address niya na nakalagay sa mismong IG profile niya.

OUR TIMELINE (우리의타임라인)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon