The next day, hindi ako dumiretso sa Hang-Noy Restaurant tulad ng pinag-usapan namin ni Mister Jeong kagabi. Pinayagan niya akong lumiban muna sa morning schedule para sa isang lakad o misyon na sabihin na nating kailangan kong gawin dahil urgent matter. It's like a special order given by a boss to his underlings that needed to attend. Though I know it's not work-related - but I have to comply since this was his favor that he wants me to do.
Then, do me a favor Chef Gani... if you really want me to meet my daughter. And then... your unfinished story will continue too...
Pagka-park ko sa motorsiklo na ginamit ko para makapunta dito sa ospital, natigilan pa ako saglit nang maalala ko ang huling pag-uusap namin ng matandang koreano. Ibinunyag niya sa akin ang plano niya para maging posible pa ang pagkikita nila sa restaurant bago mangyari ang kinatatakutan niya - ang bumalik na sa Korea ang anak niya pagkatapos ng naging anunsyo niya sa kanyang huling livestream video.
Hindi rin niya pinalampas na asarin pa ako dahil sa isang statement na binigkas ni Angela kahapon sa condo nang magkwento ako sa muling pagkikita namin ng Koreanang Snorlax.
Oh my... the universe is conspiring and aligning the stars to continue your unfinished story, kuya...
It doesn't matter anymore if she couldn't remember me or not. Ang importante naresolba na ang issue namin sa viral live video. Nagkapatawaran na rin kami. Kaya... our 'unfinished story' is over now.
Changkaman! (Wait!) No. Your unfinished story is not over yet.
Kung hindi ko sana pinatulan ang komento ng kapatid ko tungkol sa unfinished story na lang, hindi sana makikisawsaw si Mister Jeong at makakaisip nang ganito pabor niya sa akin. Ang pabor na hindi ko mahindian dahil nakapagbitaw ako ng mga salita na gagawin ko kung ano mang gusto niya ipagawa sa akin kahapon nung mag-reconcile ako sa kanya. Ito pala talaga ang request na hiniling niya gawin ko at hindi iyon magkwento tungkol sa muling pagkikita namin ng anak niya. Tsk!
Give back her handkerchief to her possession. So, she will remember you again. Then there will be a reason to keep your unfinished story going...
Pakarinig ko sa sinabi niyang iyon, hindi ko naiwasang mapaisip nang malalim. Seryoso ba talaga siya? Sigurado ba siya na kapag binalik ko ang panyo niya - maalala na ba talaga niya ako - na nagkita na kami sa Korea noon at ako ang lalaking tumulong sa kanya nung ma-trouble siya sa isang public bus with a foreign pervert guy? Matutuloy ba talaga ang hindi natapos na kwento namin nang dahil lang sa panyo? I mean... is she still interested to get along with me afterward?
Chef Jeong... do I really need to do that? Hindi naman sa nagrereklamo ako sa pinapagawa niya, sa tingin ko kase hindi na kailangan gawin iyon para lang pagtagpuin ko silang dalawa. Hindi na kailangan ma-involve pa ulit ako sa kanila.
Can I just tell or invite her to come over in our restaurant and meet you in person? That will work already, right? Sinubukan ko pang mag-share ng sarili kong ideya. Pero unti-unting lang nabura ang nang-aasar na ngisi sa kanyang mga labi. Umiling-iling siya sa harapan ko, at hindi ko maiwasang madismaya. I guess he wasn't convinced with my plan.
That would be boring. Jaemiopta! (Not fun at all!) I preferred the first one. I can't imagine what would be her reaction once she would remembered you... again. Naalala kong saad niya at saka bumalik ang ngiting pang-asar niya sa akin.
But... it's okay for me if she couldn't remember me. What important now is you will be able to meet your daughter in person before it's too late. Nagprotesta pa ako na parang batang nakikiusap sa kanya na wag ko na siyang sundin. Hinawakan ko pa ang mga balikat niya nang tinalikuran niya ako, saka ko minasahe pero nag-walk out pa rin pabalik ng kusina.
BINABASA MO ANG
OUR TIMELINE (우리의타임라인)
Storie d'amoreIn the intertwining fates of Isagani Manansala and Ha Yoon Jeong, two individuals from different cultures, they meet in South Korea amidst a misunderstanding that sets their journey in motion. Years later, their paths cross again in the Philippines...