36장: The New Hired Employee in the Restaurant

4 1 0
                                    



The next morning in Hang-Noy Restaurant, the struggle continues. Hindi lang kaming mga nagtatrabaho ang walang kabuhay-buhay ngayong araw pati na rin ang kainan na panakanaka pa rin ang mga customers na pumupunta. Kaya imbes na mainip kami sa duty namin, I instructed the lobby and counter persons to make themselves busy. Sinabihin ko silang maglinis-linis at mag-organize ng mga dapat i-organize. Ganun din kami sa kusina, naghanap kami ng pwede namin magawa sa mga oras na ito.

Nagprisinta akong mag-inventory at mag-check ng mga stocks namin sa stockroom. Pinayagan naman nila ako, kaya iniwan ko muna ang dalawang kasama ko sa kusina. While doing my task alone, hindi ko napigilang maalala ang nangyari sa lugar na ito nung gabing makulong kaming dalawa ng koreana. Bahagya pa akong nawala sa sarili nang mapatitig ako sa spot na pinagtaguan namin at saka nanariwa bigla ang eksenang nangyari noon.

Abruptly, I shook off the train of thoughts in my mind. "Focus, Isagani. Don't get distracted with your thoughts. Forget about her." bulong ko sa sarili ko. Saka ko itinuon muli ang atensyon ko sa listahan na hawak ko. Chineck ko muli ang mga pile ng tissue paper na nakabalot sa harapan ko at binilang ko kung ilan na lang ang mga ito. Sunod naman sa paningin ko ay ang mga straw na ilang balot na lang ang natitira.

I thought you're still the same person I have met a few years ago. But now - you're a totally different person...

Bigla akong natigilan sa isang iglap nang may sumagi na naman sa utak ko. Sa pagkakataong ito, ang mga linyang sinabi ng koreanang snorlax na tumatak sa memorya ko. Naalala ko rin ang araw na iyon nang sinubukan ko siyang pakalmahin habang yakap-yakap ko siya - pero nabigo ako. Am I not really the same person she had met before compared to I am now? Nagbago na ba talaga ako?

You've better be careful with your business partner. You really don't know who he was. I hope that what has happened to you in the past will not happen again in the present. It's just a piece of advice!

Sunod na nagpaalala sa akin ang binanggit ni Mister Jeong na nanggaling mismo sa kanyang anak. Napapailing-iling na lang ako sa sarili ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na sinabi niya iyon sa papa niya. Bakit niya ako pinag-isipan na magagawa kong traydorin ang business partner ko na ama niya? Hindi ko naman magagawa iyon dahil si Mister Jeong ay hindi na iba sa akin at tinuturi ko na rin ama-amahan simula pa nung nasa Korea kami.

Ewan ko bigla akong nakaramdam ng pagkainis at nilabas ko ang phone ko sa bulsa. Saka ko binuksan ang IG account ko, at agad kong pinuntahan ang profile niya. I randomly clicked a posted portrait photo that I saw in her timeline.

"Listen, Koreanang Snorlax! Para sabihin ko sa'yo, mali ang mga iniisip mo sa akin. Hindi mangyayari ulit ang nangyari noon sa papa mo. I will never do such an inhumane act to him. Wala kang basehan para paratangan ako na magagawa ko ang bagay na iyon sa kanya!" I vent out my anger as I'm looking at her picture intently. She was smiling innocently to me though. I can't help but to be mesmerized by her.

Pero hindi ko hinayaan maapektuhan ako ng kanyang charm sa litrato. I shook my head. Then I came back to what I'm doing. "Stop smiling at me. Galit ako sa'yo. Alam mo ba iyon?" dugtong ko pa nang mapapikit ako pansamantala.

Kung nakakapagsalita lang ang litrato niya, malamang sumagot na yan sa akin kung paano niya ako sinasagot katulad kahapong pinahiya niya ako sa kasama niya. Iyan lang naman ang sasabihin ko kung sakaling makita ko ulit siya at makausap ko siya para ma-clear up ko kung anumang misunderstanding sa pagitan namin.

I heaved a frustrated sigh after a second. I realized that I was like an insane person who's talking to myself at this hour. Ganito ba na ang naging epekto niya sa akin sa pag-alis niya? I need to get a grip on myself before this will get worse.

OUR TIMELINE (우리의타임라인)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon