53 장: Confession and Commotion

18 0 33
                                    


Pagkaalis ng dalawang babae, ilang minuto lang ang nakalipas ay tumayo naman si Mister Jeong para magpaalam na mag-yosi break muna sa labas. Nakita ko din siyang nag-signal kay Manager Joco na agad naman niyang tinugonan, at sinundan ang matanda palabas ng restaurant. Nakapansin ako na parang hindi na tuwid ang kanyang lakad, kaya't naiisip ko na baka marami na siyang nainom, kahit masyado pang maaga. May problema kaya siya?

Bigla kong naalala ang nakaraang araw na iniwan kaming dalawa sa opisina habang nag-i-input ng daily sale profit bago magsara ang restaurant. Ito iyong araw na hindi ako makakuha ng tyempo para makipag-usap nang personal kay Hazel nang nasa stockroom siya, dahil naghihintay akong maunang umalis si Manager para mag-yosi break. Sa pagkakatanda ko pa, tila may personal na problema siyang idudulog sana. Hindi lang niya tinuloy dahil nagmamadali ako noong oras na iyon. Kaya't napag-isipan ko, meron kayang kinalaman iyon sa pagwawalwal niyang ito?

"Jigeum eotteon saenggage jamgin geot gata? Mwosun saenggagiya, banghae badgi joheun yorisaga? (Are you lost in thought right now? What's on your mind, Rebellious Chef?)" Napabalik ako sa realidad nang bigla akong kinausap ng karibal ko, pagkapatong sa hawak niyang baso na wala ng laman sa mesa. Marahil ini-straight shot niya iyon nung naglalakbay ang utak ko kanina. "Dangsin-eul goerophineun ge issni? Animyeon banggeum Hayun-gwa dangsin sai-e mwo-sun il-i iss-eossneunji yaegi hago sip-eun ge issni? (Is there something bothering you? Or is there something you want to tell me about what happened between you and Ha-Yoon just a while back?)" dugtong pa niya nang hindi ako kumikibo.

My brows knitted in rage as soon as our gaze met. He started talking a lot now after Hazel and her father stepped out for a while. Akala ba niya magpapatinag ako at mako-corner niya ako ngayong kaming dalawa na lang at ang kanyang translator ang naiwan sa aming grupo?

Inutusan pa niya ang katabi niya na isalin sa tagalog ang kanyang sinabi, baka daw hindi ko naintindihan. At ginawa naman ng kanyang kasama, habang nire-refill niya ng laman ang alak ang baso ng kanyang master. Nilagyan na rin niya ang sa akin nung nakita niyang kokonti na lang ang laman nito.

"Jowa. Naga mureoboji. Neo jinjja dogjeomjeogin gwangye-e issneun geo maj-a? Neohe dul jom susanghage neukkyeojyeo, (Fine. Let me get straight to the point. Are you truly in an exclusive relationship? I can't help but find the two of you a bit suspicious,)" he asked again, as if I were already a checkmate in a series of interrogations. Then, he took another full sip of his drink without any hesitation.

Sasabat sana ang kanyang translator para magsalita, ngunit mabilis kong itinaas ang isa kong kamay sa harap niya para pigilan ang kanyang bibig. Napainom tuloy siya ng alak nang wala sa oras nang dahil sa ginawa ko. Alam kong ginagampanan lang niya ang kanyang trabaho at hindi ko intensyon na ipahiya siya dito. Ayoko din siyang madamay sa gusot sa pagitan ko at ng kanyang kliyente.

Then I let out a long sigh to express my annoyance before I was able to speak up. "Mukhang hindi mo pa rin matanggap na wala na siya sa piling mo, kaya patuloy ang pag-interrogate mo sa akin ng kung anu-ano na base lang sa hinala mo? Why don't you retreat now and accept your defeat?" kalmado na pakiusap ko ngunit may diin ang bawat salitang binigkas ko sa dulo. "Hazel and I are doing well together until someone like you shows up in the scene," dugtong ko pa saka naningkit ang mga mata habang nakatingin pa rin sa kanya.

He didn't respond right away, but his stare bore into me with intensity as if he was offended. I know he didn't understand everything I told him. So he turned to his translator and immediately translated what I had said into their native tongue. Then, he faced me again without any sign of retreating. I guess I had provoked him, urging him to retaliate against my rebuttal.

OUR TIMELINE (우리의타임라인)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon