Pinagbigyan namin ang isang fan na magtake ng selfie na kasama kaming dalawa ng koreanang snorlax. Dahil sa pagmamadali niyang makaalis sa lugar, hindi na namin na nagawang magpaliwanag sa kanya at iwasto ang maling hinala niya tungkol sa amin. Padabog kaming bumalik sa upuan ng koreana na parehong napabuntong-hininga.
"Look what you've done. They thought we were having a real date together. Bakit ka pa kasi pumunta dito?" pagrereklamo niya na tila nakadagdag sa init ng ulo niya.
"Why are you blaming me? Hindi ko naman akalain na may makakilala sa akin dito at hindi ko naman alam na may fan ng loveteam natin na susulpot at sasabihin nagde-date tayo." Depensa ko sa kanya.
Tinaas niya ang kanyang kamay. "Enough! I don't want to hear those words!" singhal niya sa akin na nagpatikom ng bibig ko sa isang iglap.
Ginalaw niyang muli ang kanyang telepono at saka may tinawagan. Sakto naman ang pagdating ng inorder kong pagkain. Hindi ko napigilan ang sarili ko na lumamon dahil sa labis na gutom. Hinayaan ko na muna siyang gawin ang gusto niya at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa kinakain ko.
"Hello? What took you so long? Are you not done yet?" Napalingon ako nang marinig ko siyang may kausap na pala sa cellphone niya habang ngumunguya ako. Saka niya iniwasan ang tingin ko at lumingon sa gilid niya. "We need to find another place." Tinakpan pa niya ang bibig niya at bumulong pero narinig ko naman.
"Tol, ikaw ba ang kausap? Alam kong ikaw yan." I dropped my knife and fork for a while, then started to talk in my usual tone. Nilakasan ko konti para marinig ng kausap niya kahit nilalayo niya sa akin ang hawak niyang telepono. "Nasaan ka na ba? Ang tagal mo! Kanina ka pa namin hinihintay dito." Wala pa rin akong tigil sa kakasatsat at pilit akong binubulyawan ng koreana sa harapan ko.
She let out an exasperated sigh while her stare are piercing me like a dagger. "Ya! Jinjja! Shikorowo! (Hey! Seriously! You're so noisy!)" sabi niya sa akin pero iniwasan ko lang ang mga titig niya.
After a few minutes, sa wakas lumabas na din ang hinihintay namin. Hindi ko malaman ang ekspresyon sa mukha niya habang hawak-hawak pa ang tiyan niya nang lumapit sa amin. Mukhang naglabas siya ng sama ng loob sa banyo kaya siya natagalan makabalik. He seemed no longer surprise upon he saw me sitting in front of her date. Sa bagay narinig na niya kanina ang boses ko sa cellphone at pinoproblema niya ngayon ang dinaramdam niyang sakit.
"I'm really sorry, Ms. Hazel. I ruined our dinner because of my upset stomach." Panay ang paghingi niya ng paumanhin habang hindi pa rin maipinta ang mukha niya. "It so embarrassing." Wika pa niya nang mapalingon sa akin.
"No problem, I understand. No need to be embarrassed. It's normal. Are you okay now?" naging maamo na naman muli ang koreana nang makaharap ang kolokoy. Napapailing-iling na lang ako sa kinauupuan ko habang pinapanood ko sila. Ano ba kasing nakain niya at ngayon pa siya nagkaganito?
Tinuloy ko na lang ang kinakain ko na parang balewala na sa akin ang pinoproblema naming misinterpretation ng isang fan kanina. At hindi ko alam kung anong nangyari para mapanatag ang loob ko nang malaman kong tila disaster ang kinahatungan ng kanilang date kuno dahil sa nangyari sa kolokoy. Imbes na makaramdam ako ng pag-aalala sa kanila ay parang mas natutuwa pa ako.
"Yes, I'm fine. Don't mind me I can... I can..." bigla na naman napatayo si Winston at namilit sa sakit. "Excuse me again, I have to run in the toilet." He said in between pain while we heard a series of farting sound from him. Agad siyang tumakbo at hindi kinaya ang pagtawag muli ng kalikasan.
"Aisshhh! That was awful!" I mumbled in dismay. Saka ko pinaypaypay ang isang kamay ko na parang tinataboy ang masamang hangin na maari humalo sa nilalanghap ko, samantalang agad kong tinakpan sa isa ang ilong ko.
BINABASA MO ANG
OUR TIMELINE (우리의타임라인)
Storie d'amoreIn the intertwining fates of Isagani Manansala and Ha Yoon Jeong, two individuals from different cultures, they meet in South Korea amidst a misunderstanding that sets their journey in motion. Years later, their paths cross again in the Philippines...