48장: Confusion and Confession

9 1 17
                                    


Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng alarm clock ko para maghanda na sa pagpasok sa trabaho namin ngayong araw. Medyo tulog pa ang diwa nang bumangon ako at may hang-over pa dahil sa nangyari kagabi. Muntik na kong magsuka kung hindi ko pa kinontrol ang sarili ko. Wala naman talaga akong balak uminom kagabi pero dahil sa impluwensya nila ay wala na kong nagawa pa kung hindi sumali sa kasiyahan nila.

I'm still oblivious to the main reason why they decided to unwind last night. Hindi naman sila stress sa work dahil may mga bago na hired na empleyado. Hindi din naman sila problemado sa sales profit ng restaurant lately. Ang sabi lang ni Mister Jeong ay gusto nyang mag-celebrate ang team dahil thankful siya sa mga magagandang nangyayari sa operation ng restaurant.

Pwede naman mag-celebrate as thanksgiving dinner out ng team pero bakit ang aga naman yata at kulang naman ang buong team. Wala ang mga bagong hired, ang mga pioneer na waiters at ang koreanang snorlax. Parang unfair naman sa kanila na di sila nakasama sa biglaan hwesik kagabi. I'm sure ganito din ang feeling nung time na di rin ako nakasama sa dinner out nilang iyon na pa-birthday celebration ng koreana.

Speaking of her, I sent her a DM through IG last night. Good thing that I could easily shoot her a message anytime now. Wala na yung ilangan namin sa isa't-isa ngayon. Kinamusta ko siya kagabi kung okay na pakiramdam niya at ang na-injured niyang ankle. Hindi ko pa din maalis ang pag-aalala lalo na't mag-isa lang siya sa condo unit nila.

I'm okay. Don't worry about me. I'm in recovery now and anytime I can walk again normally. Appreciate your effort to check on me, boss-chef. ^^

Good to hear that you're getting better now. I hope you can now come to work tomorrow. Miss ka na ng mga suki natin, mga ajuma at ajusshi.

Oh really? If I know... boss-chef, you're the one who is missing me.

Muntik pa akong mabulunan nung mabasa ko ang reply niyang ito kagabi. Napansin ako ng ibang kasama kung anong ngini-ngiti ko pero nagmanghang-mahangan agad ako na may nakita lang akong post na meme na nakakatawa.

I'm just joking. You must be bored there, but thanks for chatting with me despite having a good time with our team now. I'll try to come to work tomorrow, boss-chef. Because I miss my workstation already, and the Hang-Noy Restaurant of course.

Kung alam mo lang, I already missed you. The whole day na hindi kita nakita sa Hang-Noy Restaurant ay malaking torture na sa akin. Kulang ang araw ko kapag di kita nasulyapan at nakausap.

Ito sana ang gusto kong i-reply sa kanya, pero mas mabuti nang sarilan ko na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Gayunpaman, natutuwa ako't nakikipag-joke na din siya sa akin nang ganito. I still could not used to this new setup of us. I'm still on cloud nine.

Of course, as I told you before... as a boss – it's my duty to look after my employees. Chonchoni Ha-Yoon-ssi (Take your time Ms. Ha Yoon), no rush. Don't mind what I have said earlier, take your time to fully recover first.

Mabuti na lang ay mabilis kong naitago ang cellphone ko sa mga katabi ko na muntik na nilang maagaw sa akin para kumpirmahin ang palusot ko. Kung hindi, baka mayari na naman ako sa kanila at ako ang maging sentro ng topic nila sa inuman na ito.

Nang makabangon na ko mula sa higaan, agad kong chineck ang IG ko pagtapos kong i-turn off ang alarm. Tutal ako palang naman ang bumangon sa aming apat dito, baka pwedeng mag-browse lang muna ako sa phone ko saglit. So I took the opportunity right away.

I ended up reading the comments of the Koreanang snorlax's recent post. Iyong picture ng stuffed toy na snorlax pokemon na unang binanggit sa akin ni Gela bago ko nakita on actual ang post. Na-corner pa nga niya ako at napa-amin na ako ang nagbigay sa kanya nito.

OUR TIMELINE (우리의타임라인)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon