Pagkalampas ng kariton, saka lang bumitaw si Winston sa kanyang hinahawakan nang biglang magsalita ang tinulungan niyang babae. "Manhae! Aju oraejonbuto sinbihan namjayeyo! (Right! You're that mysterious man from a long time ago!)" pasigaw niyang bunyag nang kumportableng humarap ito sa kanya. "My stalker with a black cap." dugtong pa niya na lalo kong ikinagulat.
Ilang segundo din ang lumipas bago nakasagot ang kolokoy sa sinambit ng Koreanang snorlax. Agad niyang iniba ang kanyang reaksyon na mula sa labis na pagkagulat na ngayon ay bumalik sa karaniwan niyang tono. "Ah? What are you talking about, Ms. Hazel?" kunot noo niyang tanong na sinamahan niya ng hilaw na pagngiti. Pasimple pa siyang sumulyap sa akin, at nagtapon ng nagtatakang mga tingin. "What? Mysterious stalker?" dugtong pa niya at patay-malisyang nilapitan si Angela na bahid na pagtataka din sa kanyang mukha.
I thought he would confess the truth now. I can't help but to feel anxious while staring at them. Hindi pwedeng malaman ng Koreanang snorlax ang ginawa ni Winston noon. Kapag nagkataon, malalaman din niyang ako ang nasa likod ng pag-i-stalk niya sa kanya nung araw. Pero paano niya nalaman si Winston iyon? Akala ko ba naging maingat ang galaw ng kolokoy noon? At teka... bakit parang hindi naman galit ang koreana nang ibunyag niya ang tungkol sa bagay na ito kanina? Hmmn...
"Wait, I'm still talking to you." Biglang hinawakan niya ang palapulsuhan ng taong sinasabi niyang stalker niya noon. Natigilan muli ang kolokoy at napanganga sa harapan ng Koreana. "Jenny told me before she left. When she saw you at the restaurant - she was recognized your face. Are you really the mysterious guy who was stalking to me few years ago?" Pahabol na tanong niya na kinagulat naming lahat.
Napatakip na lang ng bibig si Gela sa mga narinig niya. Habang ako naman ay may biglang naalala tungkol sa sinabi ng nanginginig na koreana. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang araw na dapat ay bibili sa labas si Winston ng mga kulang naming mga sangkap at stocks sa restaurant, ang araw nung bumisita ang koreanang snorlax at si Ms. Jenny Kim bago sana ang nakatakdang flight niya pabalik ng Korea.
Ah okay tol. Sa dami ng mga nasa utak ko ngayon, nakalimutan ko nga siguro na nagpaalam ka kanina at pati mga ingredients na stocks natin ay na-lost track na ko...
It's okay tol. Ako ng bahala sa mga kulang ingredients natin. Hindi tayo pwedeng maghabol mamaya kung dumami man ang mga customers...
He was wearing a bull cap, a white shirt and a face mask that day. At nasabi ko pa sa sarili ko noon na dahil sa outfit niya ay pwede na siyang mapagkamalan na stalker. Ang tanga ko. Bakit hindi ko siya sinabihan nun? Hindi sana siya lumabas na ganun ang kanyang kasuotan lalo na nandoon ang dalawang koreana sa lobby area. Dahil dito, nakilala tuloy siya ng former manager niya. Paano na ito? Ano ng palusot na ang gagawin niya ngayon?
"Please tell me the truth?" pagsusumamo nya nang wala pa rin imik ang kolokoy. Tuliro lang ito at nakatingin sa kanyang palapulsuhan na hawak-hawak ng babaeng Koreana. Upon observing him, any moment he seems ready to confess about what had happened before.
Hindi na ko nagdalawang-isip na pumagitna sa kanila. Hindi pwedeng manood na lang ako at hintayin si Winston na umamin sa ginawa niya. Kailangan ko siyang mapigilan magsalita.
I released a heavy breath as I came nearer to them. "Would you come to your senses? And stop interrogating him about something he didn't know." Singhal ko sa kanya at hinawakan ko rin ang kanyang palapulsuhan para hilahin sana siya palayo kay Winston.
Lumingon siya sa akin na matalim ang mga titig. Para siyang naghahamon ng away at mukhang walang balak bumitaw sa kaibigan ko. "Wag ka ngang makelam dito! Let go of my wrist!" matapang na bulyaw niya sa akin. Pero hindi ko siya pinakinggan. Bagkus, lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko. "Aisshhhh! Jinjja! (D*mn! Seriously!)"
BINABASA MO ANG
OUR TIMELINE (우리의타임라인)
RomansaIn the intertwining fates of Isagani Manansala and Ha Yoon Jeong, two individuals from different cultures, they meet in South Korea amidst a misunderstanding that sets their journey in motion. Years later, their paths cross again in the Philippines...