52장: Dinner Out With My Rival

12 0 42
                                    


Halos isang oras din yata ang ginugol namin ng mga kasama ko sa pagme-makeover nila sa akin dito sa unit namin. Ewan ko ba bakit napapayag nila akong pag-ekperimentuhan para maging pambansang pinoy oppa kuno. Mabuti na daw ang handa mula sa OOTD palang hanggang sa pagpapanggap namin ni Hazel para mas convincing at nang hindi kami mabisto ng kumag na ex-boyfriend ng koreanang snorlax.

Si Kang Min ang naging ala-make up artist ko, samantalang si Winston naman ang naging ala-fashion consultant ko. Aigoo, gusto ko sanang magreklamo sa mga pinagaggawa nila sa akin pero kinontrol ko na lang ang temper ko. I might not be really comfortable with my look tonight, but I just let it be – as long as what's in my mind now is we'll get through this to finish the show.

"Oh nice, tol. Papasa ka na talagang pinoy oppa sa kdrama. Ang lakas ng dating mo. Pwede ka ng gumanap na leading man na may pagka-bad*ss ang character. I'm pretty sure na walang sinabi iyong karibal mong si Park Bungo sa OOTD mo palang." komento ni Winston pagkatapos kong umikot sa harapan niya na inutos niyang gawin ko.

Napakamot na lang ako ng leeg sa awkwardness na nararamdaman ko. Sa isip ko, hindi ako halos sumasang-ayon sa sinabi ng kolokoy. I felt like I was over-dressed, same with the make-up on my face. Bakit nila ako pinasuot ng inner hoodie na pinatungan pa ng leather jacket, at saka ng tattered maong pants na pinares sa black boots? Hindi kaya ako maligo ng pawis sa kalokohan nilang ito?

Tapos parang nasobrahan naman ako sa BB cream at para akong naka-red lipstick sa sobrang pula. Kulang na lang kulayan ng blonde o blue ang buhok kong iniba nila ng porma na nilagyan ng hati sa gitna. May pinasuot din silang wrist accessory at black rings sa mga index at pinky finger ko.

Aisshhh! Jinjja! Anong klaseng get-up ito? This is not really my style. Pakiramdam ko para akong isang rebeldeng teenager na blacksheep sa pamilya, hindi kaya naman ay isang amateur member ng KPOP group na hindi pa nag-debut. Parang malayo naman ito sa pagiging oppa. Mas mukha pa kong yung tipong o-oppa-kan sa kanto.

"I agree with Kuya Winston. You're pretty handsome tonight, Boss-Chef Gani." pagpuri naman ni Kang Min na tuwang-tuwa sa itsura ko. "Wait, before we go. Can we take a selfie with the three of us?" pahabol niya saka nilabas agad ang smartphone at nag-ready mag-picture.

Kumilos at puwesto naman agad si Winston sa gilid ko. Pinagitna nila akong dalawa. "Hey tol. Masyado ka naman poker face dyan. Ngumiti ka naman. Kinakabahan ka ba?"

"Ako kinakabahan?" pag-ulit ko saka umiling-iling. "Mabuti pa bumalik na tayo sa Hang-Noy Restaurant baka dumating na ang kumag na koreanong magsusundo sa atin." niyaya ko na sila, saka nila ako inakbayan at tinapik-tapik palabas. I'm grateful to have them though. I appreciate their efforts to help me get through with this.

Nauna na kaming umalis ni Winston gamit ang motorbike niya, samantalang si Kang Min naman ay makikisabay na lang sa sasakyan ni Mister Jeong kasama ang mga babae. Pagdating namin sa resto, dumiretso muna kami sa restroom para mag-retouch kuno. Inayos ko lang naman nang mabilisan ang nagulo kong buhok dahil sa sinuot kong helmet. Kahit anong angulo ko tingnan ang sarili ko sa salamin, hindi ko makita ang personal identity ko sa itsura ngayon.

Then, I heaved a sigh of defeat. I guess I can't do anything about it now but to accept it and carry on. I'm just wondering what Hazel's reaction will be once she sees this outfit. Ugh

Hindi rin nagtagal ay dumating na din ang koreanong kumag na karibal ko sa puso ng Koreanang snorlax. Bumaba siya sa passenger's seat mula sa magarang SUV na sasakyan. Dahil sa transparent glass wall ang establishment, nagkasalubong ang mga mata namin nang igala niya ito sa direksyon ng kinatatayuan namin sa loob ng lobby area. I can't help but to glare at him in a piercing dagger. Then I automatically snarled as he continued trudging off in the entrance door.

OUR TIMELINE (우리의타임라인)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon