Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na naaabot ko na ang minsang pinangarap ko noong kolehiyo ako. Na dati ko rin nasambit sa sarili ko noon na - gusto kong magkaroon kami ng sariling restaurant balang araw - dahil iyon ang pangarap ko para kay mama. Biniro ko pa noon si mama na hindi lang magiging karinderia ang tindahan naming lutong ulam - kung hindi magiging itong kainan na mas malaki katulad ng isang restaurant.
Kahit alam ko noon sa sarili ko na imposibleng mangyari iyon - dahil unang-una wala naman kaming malaking perang para magamit na puhunan sa pagpapatayo ng isang restaurant. Nakapagtapos ako ng kursong HRM dahil na rin pagiging working student ko noon at syempre dahil sa tulong at sakripisyo ng mga magulang ko. Pero nang makapagtrabaho ako sa Korea, unti-unti naman nag-iba ang paniniwala kong hindi imposibleng maabot ko ang pangarap ko na magkaroon ng sariling restaurant - lalo na ngayong may business partner pa ako na siyang naging daan din para maisakatuparan ko ito. Sabi nga nila, God has a better plan than ours. Just trust in Him and He will direct our steps towards our dreams.
Ngayon araw ay hindi kami magkamayaw sa paghahanda ng mga dapat gawin bago ang araw ng grand opening day ng aming restaurant ni Mister Jeong. Aligaga hindi lang ang mga workers na naglalagay ng signage sa harapan ng restaurant, kung hindi maging kaming lahat. Target kasi naming araw ng pagpabubukas ay next week na ng Sunday, kaya gusto na naming matapos lahat ng mga ginagawa para magkapagsimula na kaming mag-food tasting para sa final menu na iaalok namin sa mga customers. Pero, kung hindi pa namin kaya na makapagbukas next week, willing naman si Mister Jeong na mag-extend pa ng ilang araw para maging maayos lang ang grand opening day.
Lampas tatlong buwan na ang nakakaraan simula nang bumisita si Mister Jeong sa Pinas at ngayon ay pabalik-balik na lang siya dito para sa paghahanda sa aming tinatayong negosyo. Masasabi kong napaka-hands on niya pagdating sa pagnenegosyo. Halos siya na lahat ang umasikaso mula sa pag-o-ocular ng right location hanggang sa mga permits na kailangan sa pagpapa-renovate ng napili niyang establishment na nirerentahan namin. I admit na wala akong masyadong contribution pagdating sa mga inasikaso niya dahil nga nasa Korea pa ako at tinatapos ko pa ang kontrata ko that time. Mabuti na lang talaga nandyan ang kolokoy kong kaibigan na si Winston na siya naging kasa-kasama niya on my behalf at pati na din ang kapatid ko.
"Noe chinguneun jongmal mideulmanhae. (Your friend is really reliable.) He is good. He helped me a lot all throughout the process." Pagpuri ng matandang Koreano kay Winston na tuwang-tuwang nagkwento. Tila naging close na sila sa maikling panahon na silang magkasama. Sabagay, hindi na ko magtataka na madali silang magkapalagayan ng loob dahil na rin sa pagkakapareho ng kanilang quirky personality. They were both had a sense of humor. Parehong kolokoy at pwedeng i-guest sa mga comedy shows.
"Yes he really is, Mister Jeong. You can always count on him. Nae chinguga chwego-e-yo! (My friend is the best!)" sumang-ayon ako sa sinabi niyang compliment at halos ipagmalaki ko sa kanya si Winston na nasa tabi lang namin.
He coughed before he began to speak. "Hmmn... kahit hindi ko na-gets ang palitan ng usapan nyo na Korean language. What I understand is you both praising me for my hard work. Well, it's not a big deal. I'm glad that I could help." He said in full confident tone. Yes is really reliable person but sometimes he's too cocky and full of himself. Bawasan lang sana niya ang sobrang bilib niya sa sarili. Tutal nagawa naman niyang magbagong buhay na dati ay isang certified playboy jerk.
Nag-thumbs up si Mister Jeong sa kanya. At nag-bow naman ang kumag sa harapan namin. Saka nagsalita ng 'Kamsahamnida! Kamsahamnida!'. Mukhang na-adapt na rin niya ang mga nakikita niya sa panonood ng Kdrama.
"At syempre, tol binabalik ko lang ang utang na loob ko sa iyo. Remember, you've helped me to finish my college degree so I'm just returning the favor." dugtong niya na hindi ko inaasahang babanggitin niya ang tungkol sa bagay na iyon. Kaya bahagya akong natameme. I don't know what to react. I'm a bit uncomfortable about the sudden change of topic that he mentioned.
BINABASA MO ANG
OUR TIMELINE (우리의타임라인)
RomanceIn the intertwining fates of Isagani Manansala and Ha Yoon Jeong, two individuals from different cultures, they meet in South Korea amidst a misunderstanding that sets their journey in motion. Years later, their paths cross again in the Philippines...