IMARI NOELLE
Isang mail ang dumating para sa akin ngayong araw, sumapit na ang alas quatro ng hapon ay hindi ko pa rin iyon binubuksan dahil baka mali lang ang nailagay na recipient sa mail. Wala rin naman akong hinihintay na padala.
"Bff, ano 'tong padala para sayo?" tanong ni Xavvy habang nakaupo sa sofa.
"Hindi ko nga rin alam, Xav. Bigla nalang dumating kanina para sa akin daw eh wala naman akong hinihintay na padala kahit kanino." mahabang sagot ko at umupo na rin sa tabi ni Xavvy habang dala dala ang bowl na puno ng mga chips.
"Buksan kaya natin?" suhestiyon niya. Nagaalangan pa akong tumingin sa plastic wrap at tumango nalang bilang pagsang-ayon.
Dahan-dahang pinunit ni Xavvy ang plastic wrap at maingat na nilabas ang plastic envelope na naglalaman ng kung anong papeles.
Kinuha ko naman agad iyon sa kamay ni Xavvy at tumayo. Pumunta kaagad ako sa kwarto para ilagay iyon sa may drawer dahil ayaw kong pakialaman ang kung ano mang dokumentong nakapaloob doon.
Baka hindi talaga iyon naka-address para sa akin at ayaw ko ring basahin kung ano man iyon.
"Ano ba naman Noelle, ha! Titignan nga lang natin tapos itatago mo naman diyan sa drawer mo. Baka importante 'yan tapos hindi mo lang babasahin!" inis na bulyaw sa akin ni Xavvy habang sinusundan ako papasok dito sa kwarto.
"Alam mo, Xav, huwag na nating pakialaman 'yang envelope. Hindi rin naman para sa akin 'yan eh, puro mga dokumento pa ang nandiyan. Sa tingin mo may magpapadala sa'kin ng mga papeles?"
Miski ako ay nagtataka rin kung bakit mga papeles ang laman no'n, pero sigurado akong hindi 'yon para sa'kin.
"Baka padala galing sa pamilya mo?"
"Patay na ang pamilya ko, Xav." mahina akong natawa sa pinagsasabi ko, maging siya ay natawa rin nang marinig ang sagot ko.
"Baka pinadala 'yan ng mga malayong kamag-anak mo?" subok niya pa at humiga sa double-sized kama ko.
"Hindi kami close ng mga iyon. Wala rin silang ipapadala sa'kin dahil hawak ko naman ang mga papeles ng magulang ko." sagot ko. "Wala rin kaming kayamanan kaya wala silang maipapadala sa'kin dito sa siyudad."
"Kaya dapat tignan mo na 'yan para malaman natin kung para saan 'yang mga dokumento. Baliw ka rin eh! May patago-tago pang nalalaman!"
"Sus! Wala nga 'yan. Ang kulit mo naman!"
"Baka tinago mo 'yan kasi dealer ka na pala ng shabu, mahal kong bff?!" bumalikwas siya ng bangon at matalas akong tinignan mula ulo hanggang paa.
"Tanga!" usal ko. "Pero, malay mo." kinindatan ko siya.
"Gaga! Huwag mo talaga 'yang gagawin, Imari Noelle Raymundo! Isusumbong kita sa papa kong Pulis, sige ka! Baka dalawin nalang kita sa kulungan."
"Alam mo, ewan ko sayo Xavvy Madison Suarez! Masyado kang praning!"
Biglang nag-ring ang cellphone ni Xavvy at agad niyang tinignan kung sino iyon.
"Hello, papa?" magalang niyang bungad sa papa niya at tumingin sa akin. "Ngayon na po ba agad?"
"Ano raw?" napabulong ako ng tanong kay Xavvy para hindi marinig ng papa niya sa kabilang linya.
"Okay, po. Hintayin niyo nalang po ako." aniya. "Bye, pa. Love you!"
Pinatay niya na ang tawag at inayos ang buhok bago tumayo.
"Aalis ka na ba?" tanong ko at humiga sa kama.
"Oo, bff. May dinner daw kaming pamilya mamaya eh. Kailangan ko nang umuwi para maghanda, sasabay nalang ako kay papa papunta roon sa kakainan namin." aniya.
"Ah, sige sige. Ingat kayo!"
"Okay! Basta buksan mo na 'yang envelope tapos chikahan mo nalang ako kung ano laman niyan."
Sigaw niya habang naglalakad palabas ng kwarto.
"I-lock mo ang pinto kapag umalis ka na, Xavvy, ha!" sigaw ko pabalik at kumportableng humiga sa malambot kong kama.
Nang tuluyang makaalis si Xavvy ay binalot na naman ako ng matinding katahimikan. Tinitigan ko nalang ang kisame para maibsan ang kalungkutang namumuo sa puso ko.
Simula nang mamatay ang mga magulang ko ay nakipagsapalaran ako rito sa siyudad. Matiyaga akong naghanap ng trabaho para buhayin ang sarili ko, laking pasalamat ko rin dahil nakilala ko si Xavvy at nagkaroon ako ng karamay sa bawat taong lumilipas na nagluluksa pa rin ako sa pagkawala ng pamilya ko.
Hindi ko agad napansin na naglalandas na pala sa mukha ko ang butil ng mga luha. Mahina akong humikbi at inalala ang masasayang mga alaala na mayroon ako sa aking pamilya.
Ilang minuto pa lang ang lumilipas ay pinahid ko na ang mga luha ko at tumayo. Huminga ako ng malalim at kinuha ang envelope sa drawer ko.
Ayokong umiyak na naman magdamag kaya kailangan kong libangin ang sarili ko habang wala pa si Xavvy.
Tinanggal ko na sa envelope ang mga dokumento at isa isang binasa ang mga iyon.
Marriage License!
Certificate of Marriage!
"Ano 'tong mga 'to?!" hindi makapaniwalang usal ko.
This is to certify that Yakov Vladimir Cormac and Imari Noelle Raymundo were united in Marriage on the 14th day of July in the year 2022.
The ceremony was:
Witnessed by Giulio Cormac and Euterio Torrikova.
Signatures by Giulio Cormac and Euterio Torrikova.
Officiated by Rivero Valdez - City Judge.Sino naman si Yakov Vladimir Cormac?!
Joke ba 'to?!
Sinuri kong mabuti kung totoo ba itong Certificate of Marriage, pero mukhang totoo nga.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ko na alam kung ano pang gagawin. Sa isang iglap lang ay malalaman kong kasal na pala ako?!
Agad kong kinuha ang cellphone ko at napa-search sa Google, baka sakaling kahit katiting na impormasyon sa pagkatao nitong Yakov Vladimir Cormac ay malaman ko.
Cormac Gas and Oil Inc.
Cormac Furnitures and Comfort Corp.
Cormac Luxurious Textiles Co.
Cormac Real Estate.
Napa-wow ako sa dami ng businesses na lumalabas noong napa-search ako sa Google ng pangalan niya.
Sa kanya ba talaga 'to?
Isa isa kong nisearch kung sino ang owner ng bawat business na iyon, at tumpak nga! Siya ang nagmamay-ari ng lahat ng mga iyon.
Mas naging kumbinsido pa akong hindi totoo itong Marriage Certificate dahil sobrang yaman pala nitong lalaki at nikatiting na porsyento ay hindi valid itong mga dokumento.
At kung sino mang gumawa nito, sana makarma talaga! Baka ako pa ang masisi kung sakaling makaabot kay Yakov Cormac itong mga dokumento. Baka ipakulong pa ako kapag nagkataon!
Jusko Lord!
Pinunit ko na ang mga iyon at sinunog. Ayaw ko pang makulong kaya dapat wala akong hawak ni isang ibensiya.
YOU ARE READING
CORMAC [TDH - IV]
RomanceYakov Vladimir Cormac. Yakov never loved the idea of forced marriage, he despise it. But fate is really a bitch and so he got instantly married to Imari Noelle Raymundo whom he didn't knew at all. Yakov always looked for ways to persuade Imari to...