Chapter 15 (Warning!)

1.6K 36 1
                                    

IMARI NOELLE


Hindi ako nawawalan ng pag-asang malaman kung sino ang nagtangka sa buhay ko kaya ngayon ay binabagtas ko ang malaking lounge ng Cormac Corporation building, masyadong okupado ang mga employees kaya walang kahirap-hirap akong napadpad ulit dito sa front desk.

"May I speak with Mr. Cormac?"

I bravely uttered and took a proper stance to make them take me seriously. The staff took a minute of her time staring at me as if I was joking or not.

"Do you have an appointment with the boss, Ma'am?"

"Wala, pero nandito ba siya ngayon?" sagot ko.

"He is attending a very important meeting, Ma'am. You may want to schedule an appointment with Mr. Cormac, for him to attend to you."

"Hindi na, please paki-sabi nalang na kailangan ko siyang makausap. Importante kasi 'to."

Kumunot ang noo niya at walang sabing napa-hawak sa telephone at nagtipa ng kung ano. Maya-maya pa ay may kinausap na ang babae sa kabilang linya at tumitig sa'kin.

"What's your name, Ma'am?"

"Noelle Raymundo." maikling tugon ko.

Ibinaba niya na ang linya at bumuntong-hininga.

"I'm very sorry, Miss Noelle, but Mr. Cormac is unavailable as of the moment. Would you want me to arrange a meeting for you and the boss?"

Nanlumo ako at napatingin sa labas ng building.

Noong nakaraan na nakapasok ako rito ay si Dominic ang kasama ko, ngayong wala siya ay parang impossible pa ang tiyansa kong makausap si Yakov.

Lumayo ako sa front desk at tumambay sa may area kung saan may signage na Antechamber. May iilang tao rin ang nakaupo roon kaya nakiupo na rin ako. Labag man sa loob kong gawin itong naiisip ko pero wala na akong ibang maisip na paraan para lang makausap si Yakov.

Lumipas ang ilang minuto at nang mapansin kong may grupo ng mga empleyadong papunta sa may elevator ay sekreto akong sumabay sa kanila. Nang makapasok kaming lahat sa elevator ay kanya-kanyang pindot sila ng floor number.

Isa isa silang naglabasan at nang ako nalang ang naiwan ay pinindot ko na ang number sa pinaka-last na Floor. Pero tanda kong sabi ni Dominic ay hindi kasama ang floor ni Yakov sa elevator intended for public use. May separate elevator si Yakov for himself at alam ko namang hindi ako makakagamit no'n kaya sa pinaka-last floor nalang ang pinindot ko.

Nang bumukas ang elevator door ay nagmadali akong lumabas. Natanawan ko ang lalaking nasa mid-40s niya na papunta sa may private elevator kaya tinakbo ko na iyon para makasabay sa kanya. Gulat na gulat ang lalaki nang makita ako.

"Excuse me, Ma'am?" he stopped himself from entering the elevator and called out my attention instead.

"Yes, Sir?" kabado kong sagot.

"Do you have a business with Mr. Cormac? I'm afraid nobody is allowed to go in his office for no important reason."

"Yes, po. Nautusan ako ng secretary niya na ibigay 'tong," huminto ako sa pagsasalita at kinuha ang flash drive sa sling bag ko. "Itong flash drive po."

"Alright." he dismissed me. "Would you mind giving these folders to Grace? The boss needs it today."

"Of course, Sir. May I?" I motioned my hand, readying myself to receive the folders with a playful smile.

"Thanks, Miss?" he handed the folders.

"Noelle."

"Thank you, Miss Noelle." may tinipa siyang kung ano sa touch screen na nakakabit sa gilid ng elevator at kusa nang bumukas ang pinto. Pumasok na ako agad at nginitian ang lalaki bago magsara ang elevator.

CORMAC [TDH - IV] Where stories live. Discover now