Chapter 7

1.6K 32 0
                                    

IMARI NOELLE

Nagising akong hubo't-hubad at mag-isa lang sa kwarto. Hindi pa man ako tuluyang nakakagalaw ay naramdaman ko na ang matinding sakit sa katawan ko, lalo na sa iba pang parte nito.

Umiiyak ako habang pinipilit na tumayo, nanginginig ang mga binti at hinang hina na ang buong katawan ko.

Nang maalala ko ang nangyari kagabi, may kung anong kirot sa puso ko dahil iyon ang una ko, pero hindi ko man lang lubos na naramdaman kung saan banda ang espesyal doon dahil sobra sobra ang sakit na natamo ko sa ari ko.

Palaging sinasabi ng mama ko na kung may mauuna man sa akin, iyon ay ang mapapangasawa ko.

Totoo, sa asawa ko nga. Pero, asawa ko ba talaga siya? O baka isa na naman ito sa laro ng kapalaran?

Natumba ako dahil sa kawalan ng lakas, napadaing ako sa sakit ng binti at braso ko dahil iyon ang unang tumama sa malamig na sahig.

May mga taong pumasok sa loob ng kwarto at nagmadaling tinakpan ang katawan ko at inalalayan patayo. Binuka ko ang mata at nasilayan ko ang nagkalat na dugo sa white bed sheet.

Nilingon ko ang mga taong nakaharap sakin at maging sila ay nagulat sa nakita. Namuo ang hiya sa pisngi ko at mariin akong napakapit sa kumot na nakatakip sa katawan ko.

Ganito ba talaga kasakit ang una?

Ganito rin ba karumi?

"Ayos lang po 'yan, Ma'am. Hindi ka po namin huhusgahan." sabi ng isang babaeng nasa mid-50s na. "Ako nga po pala si Mely. Anong pangalan niyo po?"

"Noelle." bahagya akong ngumiti at iniwas ang tingin.

"Ma'am Noelle, aalalayan na po namin kayo sa pagligo, mukhang hindi niyo pa po kaya. Huwag kayong mag-alala, hindi naman kami malisyosang mga kasambahay." saad ni manang Mely. Tumango nalang ako at inakay na nila ako papunta sa C.R.

Mabilis na natapos nila akong paliguan, sila rin ang nagbihis sa akin. Sinuklayan nila ang buhok ko at dahan-dahan na pinatayo ulit para kumain ng tanghalian.

"Kain na po kayo, Ma'am. Dito lang po kami, babantayan ka po namin." pumwesto sila sa may gilid at iniwan akong mag-isa sa may malawak na wooden table.

"Sumabay na po kayo sakin, ang pangit naman kung ako lang mag-isa ang kumakain. Marami rin naman itong pagkain kaya halina kayo." anyaya ko pero inilingan lang nila ang imbitasyon kong kumain.

"Nauna na po kami, Ma'am. Enjoy po kayo, rito lang kami sa gilid." aniya.

Konti lang ang kinain ko dahil wala rin akong gana kahit pa ang sarap sarap sa mata nitong mga pagkaing nakahain sa mesa.

Inalalayan nila ako papunta sa garden dahil busy pa raw ang ibang mga kasambahay na linisin ang kwartong tinutulugan ko.

"Manang Mely, nasaan po tayo?" tanong ko.

Linggo pala ngayon at trabaho bukas! Kailangan ko nang umuwi.

"Dito sa isa sa town house ni Mr. Cormac, Ma'am Noelle. Bakit?"

"Ah," tipid kong tugon. "Pwede po bang pakikuha iyong sling bag ko? Nandoon kasi ang cellphone ko."

Sinunod agad ng isa sa mga kasambabay ang pakiusap ko at inabot niya sa akin ang sling bag. Nilabas ko ang cellphone ko para tignan ang address nitong bahay sa Google Maps. Mabuti nalang at may load pa ako kaya walang kahirap-hirap na nalaman ko ang address. Agad akong nagtipa ng mensahe para kay Xavvy at nagpasundo.

Hindi nagtagal ay tumunog ang bell sa may gate at duda ko ay si Xavvy na iyon. Nagpaalalay ako sa mga kasambahay palabas at nakita ko si Xavvy na nakatayo sa labas. Pinagbuksan nila ng gate si Xavvy at agad namang lumapit sakin ang kaibigan ko.

"Manang, aalis po muna ako. May pupuntahan kasi kami ng kaibigan ko." alibi ko, pero ang totoo ay gusto ko nang magtago para hindi na ako matunton ulit ng mga tauhan nitong Mr. Cormac.

"Kaya mo na ba, Ma'am?" nagaalalang tanong ni Manang Mely, tinanguan ko na siya at sumakay sa kotse.

Nilisan namin agad ang lugar at habang nasa biyahe ay 'di na napigilan ni Xavvy na magtanong patungkol sa pagi-ika ika ko.

"Anong nangyari sayo, bff?!" exaggerated niyang pagsisimula ng usapan. "At bakit nandoon ka? Kaninong bahay 'yon?"

"May kinausap lang ako roon." wala akong ibang maisip na alibi pa at hinayaan nalang ang walang kwentang sinabi ko.

"Huh? Nakipag-usap ka lang pero para kang nabugbog, bff!"

"Ikaw kaya madapa, Xavvy?!" pinilit kong magtunog nagbibiro para matakpan itong pagsisinungaling ko.

Hanggang hindi pa sigurado ang lahat ay ayaw ko munang ipaalam kay Xavvy ang tungkol sa biglaang marriage ito. Ayaw kong madagdagan ang iniisip niya at mas lalong ayaw kong magalala siya sa akin. Kaya ko pa naman ang sarili ko.

"Kung sabagay, para ka pa namang bulag kung maglakad minsan, Noelle!" banggit niya sa pangalan ko at sabay kaming tumawa.

Sa sobrang aliw namin sa paguusap ay hindi namin namalayang nakarating na pala kami sa apartment.

CORMAC [TDH - IV] Where stories live. Discover now