IMARI NOELLE
Hindi na ako nakapalag pa nang hilahin na nila ako palabas ng resort kagabi. Sobrang tahimik din ng lugar kaya kahit naman sumigaw ako ay wala ring magandang mangyayari, baka kung ano pang gawin sa akin ng mga 'to.
Kakagising ko lang at hindi ko na matandaan ang daang tinahak namin kagabi. Nakahiga ako sa isang kama at nang iginalaw ko ang ulo ko para tignan ang buong kwarto. Napaka-simple ng disenyo pero bakas dito ang pagiging elegante dahil sa mga paintings na nakasabit sa dingding.
Bago pa man ako tuluyang maguluhan, binunot ko ang cellphone sa bag ko at tumambad sa akin ang mga missed calls ng mga kaibigan ko.
Nagtype ako ng mensahe para kay Xavvy para maibsan ang pagaalala nila sa akin. Biglaan din ang pagkawala ko sa Resort kaya baka masama ang isipin nila.
To: Xavvy-girl
Bff, please huwag na kayong magalala sakin. May importante lang akong pinuntahan at hindi na ako nakapagpaalam sainyo. Pasensiya na. Nabayaran ko na rin ang mga bills natin diyan kagabi kaya mag-enjoy na muna kayo. Nag-iwan din ako ng 15k para sa pagkain niyo ngayong araw at iba pang bibilhin niyo. Love you, 4!
From: Noelle
Oo, nakiusap talaga ako sa mga lalaking na babayaran ko muna ang bill namin sa resort bago umalis. Nag-iwan pa ako ng 15k para sa iba pang bibilhin nila. Pambawi nalang din dahil hindi nila ako makakasama pag uwi.
Binalik ko na ang cellphone ko sa loob ng bag at itinuon ang titig sa mga lalaking tila nanunood sakin habang tulog ako.
"Kanina pa ba kayo diyan?" puno ng kyuryosidad kong tanong.
"We looked after you all night, Miss Imari, because you might think of escaping again. I won't allow that anymore." ma-awtoridad na sambit ng lalaki at biglang bumukas ang pinto. Pumasok sa loob ng kwarto ang lalaking nakausap ko noong nakaraan at puno ng inis niya akong tinapunan ng tingin.
"We meet again, Mrs. Runaway Cormac."
Inismidan ko siya at sabay na inirapan.
"Mr. Cormac will arrive in the Philippines at exactly 9 P.M in the evening tonight. He instructed me to dress this runner here to be dressed as beautifully as possible." pagpapatuloy niya sa pagsasalita at lumapit sa mga kasamang lalaki.
"Venue?" the guy who looked like their head asked and tilted his head slightly.
"Here." tipid na sagot ng lalaki.
Lahat sila ay tinapunan ako ng tingin. Kusang tumaas ang isang kilay ko at nakipagpaligsahan ng titig sa kanila.
"Do you know how to dress like an elegant woman, Miss Imari?" ang head nila ang nag tanong no'n. Nakakainsulto ang paraan niya sa pagtatanong.
"Of course!" singhal ko at tumayo sa kinahihigaan.
"Para saan ba 'yan at bakit kailangang maging maganda?" usisa ko.
"He wants to meet you, Miss Imari."
I heaved a sigh.
Kapag may tumatawag sa akin ng Imari, naaalala ko kaagad ang mga magulang ko. May kakaibang kirot sa puso ko, kahit ayaw kong ipahalata, pero kailangan ko na silang pakiusapan.
YOU ARE READING
CORMAC [TDH - IV]
RomanceYakov Vladimir Cormac. Yakov never loved the idea of forced marriage, he despise it. But fate is really a bitch and so he got instantly married to Imari Noelle Raymundo whom he didn't knew at all. Yakov always looked for ways to persuade Imari to...