Chapter 4

1.6K 32 0
                                    

IMARI NOELLE

Sabado.

"Bff!!" sigaw sa akin ni Xavvy habang papasok ng apartment ko. Dala dala na niya ang mga kakailanganin namin sa beach outing ngayong araw.

Nagrenta kami ng van para hindi hassle ang byahe papunta sa Beach kung saan kami nagpa-Book.

Dumating na ang tatlo naming kasama.

Alykses, Karla, Ginger, Xavvy, at ako.

Kanya kanya kaming bitbit ng mga ambag namin papasok sa van at ako ang huling lumabas. Ni-lock ko ang pinto ng apartment ko at bumaba na. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at nagsimula na kaming bumiyahe.

Birthday ni Karla ngayon kaya naisipan niyang mag outing nalang kaming lima para icelebrate ang kaarawan niya. Wala namang naging problema sa schedule naming lahat dahil Sabado ngayon at wala kaming mga trabaho, kakasweldo lang din namin kaya masyadong good timing itong outing namin.

Nakarating kami kaagad sa Beach at bumungad sa amin ang mga taong masayang nagtatampisaw sa dagat, marami-rami rin ang mga guests kaya dumiretso na kami sa front desk at nag-inquire na sa pina-book naming hotel room at cottage. Isa lang ang hotel room na pina-reserve namin pero kasya naman kaming lahat doon dahil may promo ang resort for Barkada Bundle.

Masaya kaming nagtungo sa hotel room at in-arrange ang mga dala naming mga bag at foods and drinks. Kahit may bayad para sa corkage ay hinayaan nalang namin, ako na ang nag presentang magbabayad dahil may extra naman ako.

Extra 50 Million!

Inirapan ko ang sarili habang nakaharap sa salamin at inayos ang damit na suot.

Nag-renta rin kami roon sa mini-KTV Bar nila at magiliw na kumanta. California King Bed ang una kong nilagay at para talaga akong literal na broken-hearted dahil sa kung paano ko ito kinanta na parang isang drama queen.

At least hindi sintunado, diba!

Sumapit ang alas dos ng hapon at kumain na kami sa fancy restaurant sa loob nitong resort. Mahal din ang mga pagkain nila kaya ako na rin ang nag presentang magbabayad bilang libre na rin sa mga kaibigan ko. Mabuti nalang at tumatanggap ng credit card bilang payment itong resort kaya walang kahirap-hirap kong inabot sa waiter ang ATM ko.

Ang gara mo Imari Noelle, ginagamit mo pang gastos 'yang 50 Million na binigay sayo ng hindi mo kilalang tao!

Inenjoy namin ang araw at hindi pa man tuluyang nagga-gabi ay nagbukas na ang mini-Bar nila at unti-unting nagsilapitan ang mga guests ng resort para uminom ng cocktails na niprepare ng staffs.

Sila Ginger at Alykses lang ang pumunta sa Bar na iyon at naiwan kaming tatlo ni Xavvy at Karla sa cottage habang kinakain ang mga junk foods na binili namin sa Convenience Store malapit sa apartment ko.

Nang pumatak ang alas siete ng gabi ay nag take-out nalang kami ng pagkain for dinner sa Restaurant at dinala sa cottage. Saktong bumalik na rin si Ginger at Alykses kaya sabay na kaming limang kumain.

Beef Steak, Chicken Cordon Bleu, Lobsters, at Kinilaw ang inorder ko para saming lima. Dinagdagan ko rin ng Mango Float para sa dessert namin.

"Ang mamahalin naman ng mga pagkaing ito Noelle, pasok ba 'to sa budget mo?" curious na tanong ni Karla at sinubo ang ini-slice niyang Steak.

Pasok na pasok!

"Oo, sapat naman 'tong pera na dala ko para bayaran 'yang mga pagkain." tugon ko at biniyak na ang shell ng lobster para hugutin ang meat sa loob nito at sinawsaw sa spicy sauce.

Agad natapos ang hapunan namin at isa isa na kaming kumuha ng slice ng Mango Float. Sarap na sarap pa kami sa lasa dahil sobrang tamis!

Mabilis na natapos kami sa pag kain, nagpaalam naman silang lima na maliligo na sa dagat. Naiwan ako sa cottage para ligpitin ang pinagkainan namin at tinapon sa basurahan ang mga plastic plates, cups, and utensils.

Binitbit ko na ang sling bag ko na naglalaman ng cellphone at wallet ko habang naglalakad pabalik sa room namin para magpalit ng mas kumportableng pangligo sa dagat.

And you got me like Oh

What you want from me?

And tried to buy your pretty heart

But the price's too high

Nagsimula akong magbihis at kumanta bago tumambay sa may balcony. Ang lamig ng simoy ng hangin at bawat haplos niyon sa balat ko ay nagtatayuan ang mga balahibo ko sa sobrang lamig.

Baby you got me like Oh

You love me when I fall apart

So you can put me together

And throw me against the wall

Baby you got me like ah, woah, ah

Dala dala ko pa rin ang sling bag ko para kapag may bibilhin kami ay mababayaran ko na ito kaagad. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang biglang may kumatok. Binuksan ko iyon kaagad at tumambad sa akin ang tatlong lalaking nakatayo sa labas ng pintuan. Nanuyo ang lalamunan at lumakas ang pintig ng puso ko habang tinitignan ang kabuuan nila.

"You're coming with us, Ma'am." malamig nitong sambit at umatras ng kaunti para bigyang daan ako.

"Sino po kayo?" namamaos kong tanong at napapikit nang mariin dahil sa pinaghalong takot at kaba.

Ito na yata ang kabayaran ng 50 Million na binigay sa akin!

Lord, hindi pa ako handang mamatay...

"Mr. Cormac ordered us to get you to him, and prithee, don't run away from us this time, Miss Imari." he pleaded and I was taken a back. It was the same group of men who confronted me a week ago!

Ito na yata ang katapusan ko!

CORMAC [TDH - IV] Where stories live. Discover now