IMARI NOELLE
I woke up with dizziness enveloping my mind.
I reached out for my phone to see what time it is. 4:32 A.M. Mag-uumaga na pala, ni-hindi ko nga napansin kung kaninong bahay ako natulog kaya tumayo ako kaagad para lumabas.
Halos matumba pa ako dahil sa pagkahilo dahil sa malakas na tama sa alak na pinagiinom ko kanina lang.
Nang makalabas sa kwarto ay doon ko lang napagtanto na nasa bahay na naman pala ako ni Yakov. Sobrang tahimik ng buong bahay, wala akong ni-isang taong nakita, pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko pero hindi pa man ako nakakalayo ay may narinig akong tunog na nagmumula sa isang kwarto sa may taas.
Lubos akong nausisa sa kung ano iyon kaya pinuntahan ko kaagad at mahinang pinihit ang doorknob.
Naaninag ko si Yakov at isang babae na nagtatalik. Halos sumigaw na ang babae kakaungol at parang bingi lang si Yakov na pinagpapatuloy ang pagbayo sa babae.
Sa kamalas-malasang pagkakataon ay nasagi ko ang mamahaling vase na nakapatong sa glass table at automatikong napalingon sa kinaroroonan ko ang dalawa. Nagtama ang mga mata namin ni Yakov at ni-isang ekspresyon man lang ay hindi ko nakita sa mukha niya.
"Leave." he commanded but I froze right from where I was standing. My legs were completely unmoving, it became weak and I felt horrified with the sight I just witnessed.
Naninikip ang dibdib ko at miski paghinga ay hindi ko na magawa.
"Fucking leave the room, Imari Noelle!" he yelled at me, parang nahimasmasan ako at kusang naisara ko ang pinto. Dumiretso ako sa kitchen ng bahay at kumuha ng tubig. Nilagok ko iyon at napakapit sa edges ng wooden table.
Ngayon ko lang naramdaman ang naguumapaw na sakit ng ulo ko kaya napagdesisyonan kong bumalik sa kwarto at ni-lock iyon. Sobrang init din ng pakiramdam ko kaya hinubad ko ang mga suot ko at pumunta sa bathroom para magshower.
It didn't take long when I heard the door opened. Lumabas agad ako sa bathroom para suotin ulit ang damit at naghandang umalis na. Kahit man lang tapunan ng tingin si Yakov ay hindi ko magawa, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil kusa itong nasasaktan kahit wala namang sapat na rason para maramdaman ko ito.
"Imari." he uttered my name, and all I could feel is the madness growing inside my heart. I felt betrayed, yet I don't know if I have enough reasons to feel this way.
Despite not looking at him, I could still see that he is standing in front of the door. I picked up my bag and started walking to the door's direction.
He held my arm and unknowingly had a tight grip on it causing for me to ache in distress.
"Where are you going?" he asked.
"Uuwi na." malamig kong usal at pinihit ang doorknob, nang mabuksan ko ito ng bahagya ay mabilis na naisara ulit iyon ni Yakov ng malakas. I flinched, I felt frightened all of a sudden.
"You're not going anywhere."
Hindi ko siya pinakinggan, imbes ay marahas kong nilayo ang braso ko sa kanya at lumabas na ng kwarto. Naiwan siya sa loob at rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga niya, kalaunan ay sumunod din siya.
Naabutan ko ang babae na kakalabas lang ng kwarto ng Yakov at inayos ayos pa ang nakalugay niyang buhok. Nagkatitigan kami at bakas sa mukha niya ang nakakalokong tingin sa akin.
"Who is she, darling?" the girl asked and went down the staircase to get near us.
"Just an acquaintance, Lilienne."
Napalingon ako kay Yakov at hindi makapaniwalang tinitigan siya.
"I'm his wife." inipon ko ang natitirang lakas ko para sagutin ang babae sa tanong niya. Napatitig ang babae kay Yakov at animo'y umaasa na pabulaanan ni Yakov ang sinabi ko.
"She's not my wife, Lienne. Dominic will drive you home, he's waiting outside."
Niyukom ko ang mga kamao dahil sa galit. Napakasinungaling mo Yakov! Sigaw ko sa isip at halos patayin na si Yakov sa mga matatalas na titig ko.
"Alright." ani ng babae at naglakad papalapit kay Yakov. Binangga niya ako, dahilan para mawalan ako ng balanse at natumba sa malamig na sahig. "Oops. Sorry. You were blocking my way."
"Impakta!" sambit ko at tinulungan ang sariling makatayo. Tinalikuran ko silang dalawa at naglakad papalabas ng bahay. I heard them kiss each other, I stopped for a moment but then I couldn't bear to inflict any more pain to my heaet right now so I chose to walk away.
"Imari, stay here." utos ni Yakov pero hindi ko sinunod. Wala naman siyang ni-isang karapatan para diktahan ako, hindi nga niya ako asawa.
Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad at binuksan ang malaking pinto ng bahay. Binunggo ulit ako ni Lilienne-impakta at nilagpasan na ako. Naiyak na ako sa frustration dahil sa sitwasyon na ako ang kinakawawa.
"Imari—"
"Manahimik ka na!" sigaw ko. Hindi ko na kaya ang kirot sa puso ko, hindi ko na kayang itago itong galit na meron ako kay Yakov. Sobra sobra na ang ginagawa niya sa'kin. "Sinungaling ka! Napaka-sama mong tao..." pumiyok ako nang banggitin ko ang panghuling sinabi ko at walang kahiya-hiyang umiyak na sa harapan niya.
"You chose this situation, Imari. If you only signed the papers, you wouldn't have to go through all this mess."
"Ako na naman..." nanghihina kong sambit. "Pinangako ko sa mga magulang ko na ang mapapangasawa ko lang ang makakauna sa'kin, at 'yon nalang ang pinanghahawakan ko sa alaala nila, Yakov. Pero kinuha mo iyon... Oo, tama ka, kasalanan ko rin na bumigay ako... Pero paulit-ulit mo na akong ginagamit na parang laruan mo lang. Ganyan ka ba gumanti?"
"I made you a favor to walk away from this, Imari. I was only tempted and for that, I'm apologizing because I took away something of great value to you. Now, if you have the heart to sign the papers, do it, because I can't promise if I could hold myself any longer and choose to sabotage that marriage, and grant me my singleness on upcoming days, Imari."
Hindi ko na siya sinagot. Nilisan ko na ang lugar at naglakad papalabas ng Village. Salamat sa mga poste ng ilaw at kahit papaano ay naibsan ang takot kong maglakad magisa ng ganitong oras ng madaling araw.
Biglang nanlamig ang buong katawan ko at nanghina ang mga binti ko. Naging itim ang paningin ko at halos umikot na ang mundo ko dahil sa pagkahilo ko.
Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa daan at kasabay no'n ang pagtama ng ulo ko sa cemento.
Unti unting bumigat ang talukap ko at lubusang nawalan ng malay.
YOU ARE READING
CORMAC [TDH - IV]
RomanceYakov Vladimir Cormac. Yakov never loved the idea of forced marriage, he despise it. But fate is really a bitch and so he got instantly married to Imari Noelle Raymundo whom he didn't knew at all. Yakov always looked for ways to persuade Imari to...