Chapter 16

1.5K 33 0
                                    

IMARI NOELLE


I woke up and the first thing I noticed was that I was still in his office, but he was not here.

Baka umuwi na siya at hinayaan nalang akong maiwan dito. Hindi na siya magaabalang isipin pa ako dahil wala naman siyang ka-amor amor sa akin.

Nagmadali akong kuhanin ang sling bag ko at kahit wala pa sa ayos ay sinuot ko na ang doll shoes ko at lumabas sa opisina niya. Wala rin si Grace sa table niya, sinulyapan ko ang malaking orasan at alas otso na pala ng gabi.

Tinungo ko ang elevator at naghintay na bumukas iyon. Nang tumunog ay pumasok ako agad at pinindot ang ground floor. Tumunog ang cellphone ko, kinuha ko kaagad 'yon at sinagot.

"Hello?" bati ko.

Where are you?

Boses ni Yakov! Nang tignan ko ang caller ay parehong number pala ginamit niya nang tumawag sa akin no'ng nakaraan.

"Uuwi na ako." I yawned and leaned on the wall of the elevator.

Answer my question, Imari.

"Nasa elevator, pababa na nga kasi uuwi na ako. Alas otso na pala." sagot ko.

Wait for me, we'll eat before I drive you home.

"Ay hindi na, busog pa ako."

I hardly think so. I'll ask the guards to not let you out of this building without me.

Binaba niya ang tawag, wala akong nagawa kun'di titigan ang elevator door hanggang sa bumukas ito.

Marami-rami parin pala ang tao sa building pero hindi na masyadong busy ang lahat. Umupo lang ako sa may bench na malapit sa may malaking chandelier na naka-display sa center ng ground floor.

Habang nakaupo ay unti-unti nagsipasok ang grupo nila Dominic kaya tumayo ako para lapitan sila.

"Dominic!" kahit papaano ay gumaan ang loob ko nang makita sila.

"What brings you here at this hour, Miss Noelle?"

"Ang mama ba ni Yakov?" diretsahan kong tanong.

"What do you mean?" he was puzzled, but deep down I know that he already know who wanted to hurt me.

"Alam ko na ang ina ni Yakov ang nag-utos para saktan ako." mapait kong sabi at nag-iba agad ang ekspresyon sa mukha ni Dominic.

"I'm sorry, Miss Noelle." he apologized. "I will do everything to protect you, Miss Anka will never hurt you again."

"Too late." I said.

Bumukas ang private elevator at iniluwa niyon si Yakov kasama si Grace. Honestly, ang ganda ni Grace, at kahit sino yata rito sa kompanya ay maganda at gwapo. Walang tapon.

Lumapit sila Dominic kay Yakov at huminto sa may kalayuan sa'kin. Naguusap sila at pasulyap-sulyap pa sa direksyon ko.

Unang umalis sa building sila Dominic at naiwan si Yakov na ngayo'y papalapit na sa'kin.

CORMAC [TDH - IV] Where stories live. Discover now