Chapter 10

1.4K 28 1
                                    

IMARI NOELLE

Hospital.

I slowly opened my eyes and roamed around the facility I was staying at. It was peaceful and quiet, every corner was painted white. There were apparatuses that I am not knowledgeable about, luckily, the door cracked open and I saw several people walking in.

Xavvy.

Alykses.

Ginger.

Karla.

When they saw me conscious, each of them ran into my direction; tears were falling off their eyes as they stared at me.

"Noelle..." si Ginger ang tumawag ng pangalan ko. She was crying heavily at the miserable sight of me, she was hysterical at the moment and I understand where she's coming from.

"Kamusta ang pakiramdam mo, Noelle? May masakit ba sa iyo?" Alykses worded out and I took a glance of him before responding.

"O-okay lang ako..."

Sa sobrang hina ng sagot ko ay parang ako nalang ang nakakarinig ng mga lumalabas sa bibig ko. I closed my eyes and tried to remember what happened to me before I got in this hospital.

Dalawang lalaki, magnanakaw.

Suntok at Baril.

Nang maalala ko ang pambabaril na ginawa nila sa akin ay tsaka ko nalang napagtanto ang kalagayan ko. Naramdaman ko ang kirot ng mga parte ng katawan kong may tama ng bala.

"Ah..." I ached in pain and my friends were quick to check me out. I tried moving my body but even then, I just felt numb for a second.

"Huwag kang gumalaw, bff. Kakagising mo pa lang, huwag ka munang malikot dahil baka mabinat ka pa. Fresh pa iyang mga tahi sayo, 'no." si Xavvy.

Lumuluha pa si Xavvy habang pinagsasabihan ako, mabuti nalang at wala si Xavvy ng mangyari ang krimen sa loob ng apartment ko. Hindi kakayanin ng konsensya ko kung nadamay siya.

"X-xavvy..." usal ko at naiyak na dahil sa takot.

I was crying for minutes and all they did was comfort me in ways that they can. I know that they felt bad for what happened to me. God knows how traumatized I was with what those evil people did to me, I didn't deserve it, I don't know exactly what their motives were, but it would never be justifiable to shot me three times knowing that they could've got what they wanted without assaulting me almost to death.

"Hush, bff. Nandito na kami para sa'yo. Hindi ka namin iiwan, okay? Magpahinga ka lang diyan. Alalahanin mo ang pagpapagaling mo, ako nang bahala sa mga papeles na kailangang asikasuhin, ha? Tsaka alam na rin ng manager natin ang nangyari kaya walang problema sa trabaho, bff." mahabang pagpapaalam sakin ni Xavvy at bahagya lang akong tumango.

"Gutom ka ba, Noelle? Ibibili ka namin ng pagkain, kailangan magkalaman ang tiyan mo." sabi ni Karla.

Saktong tumunog ang tiyan ko sa sinabi niya.

"Ilang araw na tayo rito?" taka kong tanong at tinignan pa ang orasan na nakasabit sa harap ng wall.

"Dios ko! 1 week na, Noelle! Ngayon ka pa lang nagising simula nang isinugod ka rito!" Xavvy almost exclaimed as she answered me.

"Sinong nakakita sa'kin?"

"Iyong mga tenant, nakarinig daw sila ng mga putok ng baril kaya nagpunta agad sa labas ng apartment mo. Naabutan nga rin nila ang nga nanloob sayo eh kaso mabilis na nagsitakbo."

Bakas sa mga mata ni Xavvy ang galit kahit nagkukwento lang siya sa akin.

"Ang bag ko, Xav..." puno ng panghihinayang ang boses ko, nandoon ang credit card na kakakuha ko lang sa bangko noong nakaraan.

"Nandito, oh." turo niya sa couch at nandoon nga ang bag ko. "Wala namang nakuha sayo, bff. 'Yong malaking cellophane na pinaglagyan ng mga gamit ay iniwan din sa labas ng compound."

"T-talaga?"

"Aba, oo! Hindi nga matukoy ng mga pulis kung ano talaga ang nangyari dahil wala naman talagang dinukot sayo." aniya. "Wala ka bang nakaaway, Noelle?"

"Hindi naman ako palaaway, Xav." saad ko pa at itinuon ang titig sa bag.

"Baka may nangtrip sayo! Mga gagong tao!"

"Siguro nga. Imposible namang walang dahilan ang inakto nila eh. Ano 'yon? Akmang nanakawan ka pa at binaril ka rin ng tatlong beses para lang mag-roleplay? Tapos ibabalik lang agad ang mga nakuhang gamit dahil tapos na ang ganap nila?" sarkastikong saad ni Karla at napabuntong hininga.

"Ano na pala ang progress sa imbestigasyon ng papa mo, Xav? May lead na ba sila?"

si Alykses.

"Wala pa, eh. Pero pupunta sila rito mamaya para tanungin kay Noelle ang eksaktong nangyari noong gabing pinasok siya."

"Mabuti naman, kailangan nating malaman kung sino ang may kagagawan no'n! Sobrang kawawa ng sinapit ni Noelle, dapat ay magkaroon ng hustisya ito sa madaling panahon."

Nagtuloy tuloy pa sila sa pag-uusap at nakinig lang ako. Gaya ng sinabi ni Alykses, ay bumili talaga siya ng makakain ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinerve na pagkain sa akin ng nurse.

Hindi nagtagal ay dumating na ang papa ni Xavvy na Chief of Police rito sa district namin at tinanong na nga ako ng mga bagay bagay na tungkol sa nangyari.

"Wala po silang miski isang sinabi, eh. Ang alam ko lang ay tinulak nila ako ng malakas no'ng papasok pa sila sa loob ng apartment, mabilis nilang kinuha ang iilan sa mga gamit ko tapos ay nagpunta pa sa kwarto, hinarangan ko sila pero tinulak lang din ako kaya nagkasugat ako sa ulo. Nakita kong kinuha nila ang bag ko na may lamang pera at cellphone tapos ay binaril ako ng tatlong beses."

Iyan lang ang nasabi ko at nag-take note naman ang detective na kasama niya. Tango lang ang nasagot ng papa sa akin ni Xavvy at kinausap ang detective na ngayo'y parang gumagawa ng mga teorya sa motibo ng mga nanloob sa akin.

"Are you sure hija na wala kang nakaaway nitong nakaraan?" tanong niya sakin.

"Wala po, tito. Puro trabaho at outing lang po ang ginawa namin no'ng nakaraan, wala na pong iba."

"Pa, hindi naman 'yan palengkera si Noelle kaya wala pa 'yang nakakaaway. Ako lang naman maldita, eh."

"Xavvy!" pagsuway ni tito Enrique kay Xavvy at pinandilatan ng mata. "I will personally review the CCTVs in this building and those across the streets, maybe we could retrieve the plate number and trace whoever these people are."

Ma-awtoridad na pagsasalita ng papa ni Xavvy at nakinig lang kami sa kanya. Maging ang iba pa naming mga kaibigan ay bakas din sa mga mukha nila ang pagkamangha sa papa ng bff ko.

"For now, rest until you fully recover, hija. I'm sorry for what happened to you, I promise to solve this issue for you." he sincerely uttered and kissed my forehead. Even though tito Enrique looks so cold and strict, he is actually a sweet and loving person. "Aalis na ako, bantayan niyo ng mabuti itong si Noelle."

Tumango silang apat at pinagbuksan pa ng pinto ang papa ni Xavvy bago umalis.

CORMAC [TDH - IV] Where stories live. Discover now