Chapter 22

1.5K 34 0
                                    

3rd Person's Point of View


For weeks, Yakov has been keeping himself busy with all the works which were put on-hold because of the recent happenings in his life. This was the only way which he knew he would be able to redeem his sanity despite turning into a rabid man that he was not so long ago.

Today, Yakov has been invited to a business meeting with a fellow business tycoon around the city. He agreed and promised to attend.

Kasalukuyang nagd-drive si Yakov papunta sa company building ng kilalang businessman na si Gorham Fontez de la Guisecco.

Ang pamilyang Fontez de la Guisecco ay ang nagmamay-ari ng FONTEZ, isang sikat na jewelry brand na naka-base rito sa Pilipinas, kahit nag-expand na ang kanilang business sa Middle East at Europe, mas pinapahalagahan pa rin nila ang kinagisnang bansa kung kaya't lubos na lumago ang business nila.

Sa isip isip ni Yakov ay maaaring makapag-invest siya malaking porsyento sa brand nila dahil sobrang bilis ng ROI lalo pa't nakahiligan ng mga pilipino ang mga mamahaling alahas ngayong panahon.

Nang makarating sa building ay ni-park agad ni Yakov sa naka-reserbang parking space ang sasakyan niya at inayos muna ang pagkaka-butones ng polo sleeve bago lumabas sa kotse at sinuot ang RayBan shades niya habang naglalakad papasok sa loob ng building. Pinagtitinginan siya ng mga empleyado pero hindi man lang nagawang pansinin ni Yakov ang mga mata sa paligid dahil normal na sa kanya ang maging tawag atensiyon simula pagka-bata.

Saktong bumukas ang elevator kaya pumasok siya kaagad ng makitang bakante ang space. Pipindutin na sana ni Yakov ang close button pero may humabol na iilang mga empleyado at dumistansya kaagad sa kanya ang iba ng silang lahat ay makapasok.

May tumatakbong babae papunta sa direksiyon nila at nagmadaling pumwesto sa loob, ang babae pa mismo ang pumindot ng button at inayos ang sarili habang tinatahak nila ang mga ibabaw na parte ng gusali.

Si Imari.

Napako ang titig ni Yakov sa likuran ni Imari at pinagmasdan ang bawat galaw ng babae.

She might be working here. Kumbinse ni Yakov sa sarili at nang makumpirmang dito nagttrabaho si Imari batay sa I.D lace nito, marahang napabuntong hininga si Yakov at tinigil na ang pagbibigay ng kahulugan sa muling pagkakita niya kay Imari ngayon sa kumpanya ng kakilala.

Tumunog ang elevator door at nagmadaling nagsilabasan ang mga empleyado. Huling lumabas si Yakov dahil isa sa mga kinaiinisan niya ay ang makipag-siksikan sa ibang tao. Mas maarte pa si Yakov kaysa sa isang tunay na babae.

Tinahak ni Yakov ang hallway papunta sa meeting place nila ni Gorham at pinihit ang door knob. Naabutan niyang nakaupo ang lahat ng mga dadalo sa meeting kaya umupo na agad si Yakov sa may bakanteng upuan at tinanggal ang glasses niya.

"I guess I'm late." ani ni Yakov at sumandal sa backrest ng swivel chair.

"No, you're not late Mr. Cormac. You arrived just right in time." pambobola ng ibang kasamahan kay Yakov pero nahalata naman ni Yakov na nagsisinungaling ito kaya imbes na sagutin ay nanahimik nalang siya at hinintay ang presenter na mag-discuss ng mga impormasyon patungkol sa brand ngayong araw dahil ginaganap na Annual Summit 2022 ng Fontez.

Nagsimula na ang powerpoint presentation at taimtim na nakinig ang mga tao lalo na si Yakov dahil kailangang malaman niya ang ups and downs nitong kumpanya para malaman niya na agad kung tama lang ba ang plano niyang mag-invest sa business ng mga FDLG.

"So," Gorham entwined his fingers and leaned on the edge of the rectangular table. "What can you say, Mr. Cormac?"

Yakov gazed at him and took some time before voicing out his insights about the presentation.

CORMAC [TDH - IV] Where stories live. Discover now