Chapter 3

1.7K 32 3
                                    

IMARI NOELLE

Dumaan ang ilang mga araw at wala akong ibang ginawa kundi ang tumingin sa paligid ko dahil baka sumulpot na naman ang lalaking kumausap sakin noong nakaraan.

Tuliro akong nagtatrabaho, mabuti nalang ay wala masyadong gawain netong mga nakaraang araw kaya kahit papaano ay hindi naaapektuhan ang work performance ko.

Maaga rin ang off namin today dahil sweldo na ngayong araw. Alas quatro palang ng hapon ay nakapag-out na kaming lahat. As usual, kaming apat pa rin nila Alykses, Ginger, at Karla ang lumabas at nagpasyal pasyal.

Mamaya pang gabi ang out ni Xavvy kaya hindi ko pa siya malilibre agad.

Nag ring bigla ang cellphone ko at tinignan ko naman kung sino ang tumatawag. Unknown caller.

"Hello?" kabadong bati ko.

"Hi, Mrs. Cormac. I am Giulio Cormac, Yakov's father."

Mrs. Cormac.

Giulio Cormac, Yakov's father.

Hindi to posible!

"Kung joke lang po ito lahat, please po, pakitigil na. Hindi ko po kayo kilala, at kung sino pa 'yang mga binabanggit niyo."

"Who said I was joking, my dear?"

"Po?"

Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin.

"I have something important to discuss with you, let me know when you are free so we could talk as soon as possible." napaka-demanding ng pagkakabigkas niya sa bawat salita.

Pinatay ko na agad ang tawag.

Sa lahat ba naman ng pupwedeng iprank, bakit ako pa ang napili? Marami na akong iniisip sa buhay at hindi kasama roon ang isang malaking joke na nangyayari ngayon.

"Noelle, ayos ka lang ba?" napansin agad ni Ginger ang pagputla ng mukha ko, maging ang dalawa pa naming kasama ay napalingon para tignan ako.

"Ang putla mo ngayon, Noelle. May sakit ka ba?" sunod na tanong ni Karla sa akin. Titig na titig sa akin si Alykses at para bang hindi alam ang sasabihin.

"Okay lang ako. Marami lang talagang napapadaan sa isip ko nitong mga nakaraang araw, hindi lang ako napapakali." kailangan kong pagaanin ang mga loob nila, baka kung ano pa ang isipin ng mga ito at ayoko namang magalala pa sila sakin.

"Sure ka, ha?" iyon ang tanging naitanong sa'kin ni Alykses, tumango ako at ngumiti ng matamis sa kanilang tatlo.

Nagpatuloy na kami sa pagpapasyal nang mapagdesisyonan naming kumain sa isang stall, nag order kami ng apat na pares at coke.

Mabilis kaming natapos sa pag kain at maya-maya pa ay nagpaalam na ako sa kanila. Hinatid naman ako nilang tatlo dahil may kotse naman si Ginger at si Alykses nalang ang nag presentang magd-drive.

Nang makarating sa apartment ay hindi ko na sila nakawayan bilang pasasalamat dahil tumunog na naman ang cellphone ko. Iyon pa rin parehong unregistered number ang tumatawag at ang duda ko ay pareho pa rin ang pakay nito sa akin.

Baka naman mangi-scam to ng pera?

Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko habang tinititigan ang paulit-ulit na pagtawag ng unknown number sa akin.

"He —"

"Let us discuss this over the phone, hija. I know that you won't meet me in person, so I prefer this setting instead." pinutol ako ng lalaki kaagad at bumalik na naman sa pakay niya.

"Ano —"

"I know that it beyond surprised you to know that you were married to somebody you are not even acquainted with. For that, I apologize." ang boses ng pananalita ng lalaki ay masyadong makapal at malalaman agad ng kung sinuman na hindi ito purong Filipino o Ingles. "However, I believe you made your research on the guy and by now, you have a surface knowledge towards my son, right?"

"Yes po, —"

"Good. Now, my unnoticed and unauthorized pairings of you two won't come unpaid. I opened a bank account named after you and deposited an amount that would delight your twisted life, and don't worry, I'll send you the details after this call, Imari."

"Para saan po 'yan? Kung i-iscam-in niyo lang po ako, aba itigil niyo na po kasi hindi ako naniniwala." matigas kong sambit at napairap pa nang isipin pabalik ang mahabang litanya sa akin ng lalaki sa kabilang linya. Akala niya ba ay uto-uto ako? Pwes, nagkakamali siya!

"I'm no scam, Mrs. Cormac. I could meet you in-person to prove my point, but I know you wouldn't just meet anyone that easy." his voice didn't change, it was all filled with authority to the point that it makes it hard for anyone to say no. His thick accent became more and more obvious as he continue to talk. "I'll end the call now and send you the bank details."

Pinatayan agad ako nito ng tawag at hindi nagtagal ay may isinend nga sa aking bank details.

Account Details for Imari Noelle Raymundo-Cormac

Sa lahat ng impormasyon na nakapaloob doon ay 'yong pass code talaga ang nakakuha ng atensiyon ko.

909510

Anong klaseng pass code 'yan? Tanong ko sa isip.

Nag-download ako ng online banking app sa cellphone ko at mabilis na nag log in. Tama naman lahat ng nilagay ko roon pati na ang pass code.

Pinindot ko ang Savings Account at bumungad sa akin ang napaka-laking halaga ng perang nakalagay doon. Natameme ako habang pilit na  nirerehistro ang lahat sa aking utak.

Tinawagan ko agad ang unknown number at mabilis naman itong sumagot.

"By now, you figured out how much I deposited on your account, right?"

"Bakit po ito 50 Million?! Ano bang gusto niyo sa akin? Ib-blackmail niyo po ba ako? Isusumbong ko po kayo sa pulis!" pasigaw akong nagsalita at rinig na rinig ko ang pagkadismaya sa boses ng lalaki.

"Enjoy, dear." huling sinabi niya at pinatay ang tawag. Inisave ko ang number ng lalaki at nilagay sa contacts ko Giulio Cormac para kung ano man ang mangyari sa akin ay siya ang mananagot.

CORMAC [TDH - IV] Where stories live. Discover now