Chapter 18 (Warning!)

1.6K 32 2
                                    

IMARI NOELLE

"Imari."

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa desk ko at umupo kaagad nang makarating, nilapag ko ang mga folders na napirmahan na ng Supervisor para sa Finance Department.

"Hey."

"Tigilan mo nga ako, Yakov. Marami akong ginagawa, hindi mo ba nakikita? Nakakadisturbo ka."

"Are you free tonight?" pagpupumilit niyang kausapin ako.

"Hindi." diretsahang sagot ko.

"Why not?"

"May binabantayan ako, kaya pwede ba, umalis ka na. Huwag mo akong guluhin." malamig kong tugon at iniwas na ang tingin.

"Are you in a relationship?"

Sayo.

"And if I say yes, would you leave me alone already?"

"It depends." he initially responded and put his left hand to his slacksʼ pocket. "Is that guy willing to face death early?"

"Yakov!" singhal ko. "Umalis ka nalang, nakakairita ka na! Kapag hindi ka pa umalis, ipapakaladkad kita sa guard." I glared at him but he wasn't moved by my desperate attempts to push him away.

"Alright." he left the place.

Tinuloy ko na ang trabaho ko at tinapos ang araw. Mabuti nalang at hindi sumagip sa isip ko si Yakov, ngayon nalang ulit kung kailan papalapit na ang uwian namin.

Inayos ko na ang mga gamit ko at naghintay sa mga kaibigan kong puntahan ako rito sa table ko dahil sabay na naman kaming uuwi.

"Noelle!" sambit ni Karla habang naglalakad papalapit sakin.

"Bakit?" tipid kong sagot.

"Sama ka ba samin ngayon? Nagkasundo kasi kami na pupunta kami sa isang sikat na club dito sa city namin kasama sila Ginger at Alykses." aniya. "Isama mo si Xavvy para mas marami tayo, mas masaya."

"S-sige." nagaalangan kong sagot.

"Huwag ka magalala, hindi ka mapapahamak do'n, okay?"

"Siguraduhin mo lang, Kar. Never pa akong nakapunta sa mga club na 'yan, ikaw talaga aawayin ko kapag napano ako roon!"

"Oo nga!" sagot niya sa'kin. "Tawagan mo na kaagad si Xavvy, sa kanya ka nalang sumabay papunta roon."

"Okay." sagot ko at mabilis na ni-dial ang number ni Xavvy, nang sagutin na niya ay wala nang paligoy-ligoy pang sinabi ko ang naging plano nila Karla. Surprisingly, pumayag siya at sinabing pupunta kaagad dito.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na si Xavvy at sabay kaming lahat na bumyahe papunta sa isang sikat na club. Convoy lang kami para masiguradong sabay kaming makakarating sa club.

Nang makarating ay pinark na ni Xavvy at Ginger ang mga car nila at nagsipagpasukan na sa club. Bumungad samin ang party lights, usok ng sigarilyo, amoy ng alak, at ang mga taong panay ang sayawan sa center area.

Nawala sa paningin ko sila Xavvy kaya dumiretso nalang ako sa kinaroroonan nitong mga nagkulumpulang tao at nakiusisa sa kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Nakita kong nagiinuman sila ng tig isang glass ng alak at walang ano-ano'y may nag abot sa akin ng isang shot glass, biglang natuon sakin ang tinginan ng lahat. Sa sobrang kaba ay ininom ko kaagad iyon at naghiyawan na sila. Sobrang pait ng lasa ng alak, tumalikod na ako at naglakad papalayo sa kanila.

"Noelle! Saan ka ba galing? Akala namin napano ka na!" sigaw sakin ni Xavvy nang magpang-abot kami sa may gitna ng lugar.

"Saan ba ang table natin?" pagiiba ko ng usapan at mabilis namang iginiya ako ni Xavvy papunta roon.

CORMAC [TDH - IV] Where stories live. Discover now