IMARI NOELLE
Nang makauwi sa Pilipinas ay ilang beses kaming nagtalo ni Yakov kung saan ba ako titira. Pero kahit anong pamimilit niya ay hindi pa rin ako nagpatinag at mas pinili kong umuwi sa apartment ko dala dala ang mga pasalubong at ang mga aso ko.
Hindi ko dinala ang mga alahas na binili namin sa Monaco dahil baka nakawin lang ang mga iyon dito sa apartment ko, kahit pa pagpresinta si Yakov na bigyan ako ng mga sariling guard ay hindi ko pa rin tinanggap.
It's been 2 days since we came back and I rested enough, I already regained my strength and I'm ready to meet my friends after a long time of being away from them.
Napagdesisyonan naming magkita sa isang sikat na Café rito sa lugar namin. Tapos ko na ring ilagay sa mga paper bag ang mga gift ko sa kanila, pati na ang mga isasagot ko sa mga mapang-usisang tanong nila mamaya.
Sinuot ko ang isa sa mga damit na binili namin, pina-laundry agad ni Yakov 'yong mga damit pagkatapos naming makauwi no'ng nasa Monaco pa kami kaya ngayon ay pwede ko nang suotin ang mga damit.
I carried 4 big paper bags that contains my gifts for my friends, as well as my handbag. Iniwan ko na sa loob ng apartment sila Sprinkles, Cinnamon, at Leafy na may nakahandang dog food sa cage nila.
Pumara na ako ng taxi at bumiyahe papunta sa Café. Mahigit sampung minuto lang ang byahe papunta roon kaya hindi nagtagal ay nakarating na ako. Mula sa labas ay natanawan ko ang mga kaibigan kong nakaupo sa loob. Pumasok na ako agad at binati sila isa isa.
"Hi!" masaya kong bati at umupo sa gilid ni Xavvy.
"Aba! Aba!" ani ni Xavvy. "Dami mong dapat ikwento samin, bff!
Ngumiti ako ng malapad at umiling-iling.
"Oo nga! Ikaw ha," paunang sambit ni Ginger. "Sa lahat ng lalaking pupwede mong bingwitin, hindi mo na talaga tinipid at si Yakov Cormac pa talaga!" aniya.
Nagsitawanan silang lahat.
"Hindi niyo talaga mapapaniwalaan ang buong kwento. Napakabilis ng mga pangyayari eh, miski ako, ni minsan hindi sumagi sa isip kong makakilala ng isa sa mga miyembro ng The Elite, lalo na diyan kay Yakov." sagot ko.
Umorder muna kami ng pagkain bago ko sinimulan ang pagk-kwento mula sa umpisa ng pagkakakilala ko kay Yakov.
Samu't saring reaksyon ang nagsilabasan sa mga bibig nila at hindi pa pinatawad ang kasamaan ni Yakov sakin noon. They knew better than to glamorize the idea of me being associated with Yakov. But then, they also appreciate the romantic gestures of Yakov as he's trying to make up for the mistakes he did in the past.
"Eh ikaw? Do you trust his intentions now?" seryosong tanong ni Alykses.
"Honestly, I'm still trying to figure things out. I'm trying to anticipate all the good and bad ripples of being with him right now because I could no longer guarantee my own safety. A lot of things may happen to us; to me and to our baby." sinsero kong saad at napabuka ang bibig nila sa huling binanggit ko.
"Buntis ka?!" sabay nilang tanong. Halos masigaw na nila iyon at ang mga ibang customers ay napalingon na sa table namin.
"Oo."
"Kailan pa?" si Xavvy.
"Mahigit dalawang buwan na akong hindi dinadatnan ng regla ko, no'ng nasa Monaco ay bumili rin ako ng pregnancy kit."
"Positive?" si Karla.
"Positive." deklara ko at humigop ng strawberry matcha latte na inorder ko. Humiwa rin ako ng malaking porsyon ng cheesecake at kinain iyon.
"Nako! Alam ba niya 'yan?" pagtukoy ni Alykses kay Yakov at kumunot ang noo.
"Hindi pa," sagot ko. "Huwag na muna."
"Huh? Bakit ayaw mong ipaalam?" takang tanong ni Karla at sinang-ayunan din ni Ginger, habang si Xavvy ay nakikinig lang sa kung anong magiging sagot ko.
"Hindi pa yata tamang panahon ngayon para malaman niya."
My answer was lame, I know. But that's my reason.
"Aba'y gaga ka pala, bff!" reaksyon ni Xavvy at hinampas ang balikat ko. "Kailan pa 'yang tamang panahon na 'yan?!"
"Ewan ko! Basta hindi pa ngayon." mabilis kong tugon sa kanya. "Ang ganda ng pakikitungo ni Yakov sakin eh, parang sa isang pagkakamali lang ay magbabago iyon lahat. Ayaw ko munang sabihin sa kanya, may posibilidad kasing 'di niya matanggap."
"Yan nga ang mas maganda eh. As early as now, dapat sabihin mo na sa kanya at kung ano man ang magiging reaksyon niya then so be it. If he accepts that you're carrying his child now then go, I'll give him my loudest applause for being a responsible man; but if not? Edi tangina niya!"
Xavvy retorted and everyone agreed. At the back of my mind, I also agree. But my heart says otherwise.
"Kaya naman nating alagaan 'yang baby niyo if ever! Lima kaya tayong magkakaibigan! Duh!" singit ni Karla.
Bahagya akong tumawa. "Kayo talaga ang aalalay sakin sa pagbubuntis, panganganak, at pagpapalaki ni baby, kung sakaling umiba ang timpla ng puso ni Yakov kapag nalaman niya ang pagbubuntis ko soon."
"Anyway!" pagiiba ko ng topic. "Kunin niyo 'yang mga paper bags, gift ko 'yan sainyo fresh from the land of Monaco! May mga pangalan na 'yang mga paper bags kaya kunin niyo na 'yong para sa inyo."
"Yie!" tili ni Ginger. "I bet, maganda tong mga damit na binili mo for us."
"Oo naman, kasama kong mamili ang secretary ni Yakov kaya 'wag kayong magalala. Magugustuhan niyo 'yan."
We spent another hour in the Café and talked about some other things that happened to my friends while I was in Monaco. They shared the latest achievements of the company we're working in.
Balita ko rin ay official na ang partnership ni Yakov at ng company kung kaya't mabilis ang hatak ng mga investments sa company. Panigurado ay tiba tiba na naman ang mga empleyado nito dahil hindi buraot sa bonus ang boss namin tuwing may magandang balita.
Biglang nag-ring ang cellphone ko. I answered the call and heard Yakov's voice on the other line.
Yakov: Where are you?
"Nasa labas kami ng mga kaibigan ko ngayon. Binigay ko sa kanila 'yong mga pasalubong ko, bakit? May problema ba?"
Yakov: No. I came to your apartment just now and I didn't see you. I only saw the three pups.
"Nandyan ka pa ba ngayon?"
Yakov: Yes. Thankfully, the landlady recognized me and she let me in.
"Sige. Uuwi na ako."
Yakov: No, I'll pick you up. It's past 5 in the afternoon already. Let's have dinner at my house.
Sinabi ko na kay Yakov ang address nitong Café at binaba ang tawag. I only have a few minutes more to spend with my friends and I should make the most out of it.
YOU ARE READING
CORMAC [TDH - IV]
RomanceYakov Vladimir Cormac. Yakov never loved the idea of forced marriage, he despise it. But fate is really a bitch and so he got instantly married to Imari Noelle Raymundo whom he didn't knew at all. Yakov always looked for ways to persuade Imari to...