Chapter 2

1.8K 38 0
                                    

IMARI NOELLE

"Noelle, paki-abot nga nitong box na padala para kay Ginger. Baka makita ito ni Madamme Francia, mapagalitan na naman ako!" pakiusap ni Karla sa akin.

"Okay, okay." sagot ko at binuhat ang maliit na box papunta sa second floor. Natanawan ko si Ginger na kausap ang isa pa naming katrabaho na si Alykses, halatang nagkakamabutihan pa itong dalawa.

"Ginger, padala raw 'to para sayo." tawag ko sa atensyon niya at agad namang lumapit si Ginger sa akin para kunin ang box.

"Thank you, Noelle!" magiliw niyang pagpapasalamat at niyakap ako ng mahigpig.

Sobrang sweet talaga nito ni Ginger kahit kelan, kaya hindi na ako magtataka kung liligawan man siya ni Alykses.

Kumalas na ako sa pagkakayakap at bumalik sa table ko.

Inabot na kami ng alas saiz ng gabi kakatrabaho at halos kaming lahat ay nakaramdam na ng matinding pagkagutom kung kaya't nang saktong pumatak ang alas siete ng gabi ay sabay kami nila Ginger, Karla, at Alykses na nag-dinner sa isang cheap na restaurant.

Matapos kaming kumain ay napagpasyahan na nilang magsi-uwian. Nagpaiwan ako sa restaurant dahil hinihintay ko pa si Xavvy na sunduin ako rito kasi may pupuntahan kami saglit.

Sa may isang kanto ay natanawan ko ang isang Balut Vendor, hinablot ko na ang bag ko at nagmadaling pumunta sa kabilang kanto. Tinawid ko ang kalsada ng walang kahirap-hirap at bumili na.

Tatlong balut ang inorder ko at isa isang ninamnam ang sarap ng sabaw niyon at kinain ng buo ang balut.

Grabe! Pinaglihi yata ako ni mama sa balut.

May humintong van sa harap ng stall at isinawalang bahala ko lang iyon at nagpatuloy sa pag kain ng balut. Dinagdagan ko pa ng dalawa pang balut at masaya ko iyong kinain lahat.

Napadighay ako nang ma-satisfy ko na ang cravings ko sa balut.

"Are you Imari Noelle Raymundo?" tanong ng isang lalaki.

"Yes po. Bakit po?" magalang kong sagot. Kampante naman akong sagutin ang lalaki dahil may mga tao naman sa paligid namin na masayang kumakain ng street foods.

Hindi naman siguro ako kikidnappin ng lalaking ito.

"Mr. Cormac requested to have a word with you, Ma'am." napalingon akong muli sa kinatatayuan ng lalaki at tinitigan siya ng taimtim. "It would be best if you come with us right now, Ma'am."

"Ay!" usal ko. "Hindi po ako si Noelle. Kakaalis lang po niya kani-kanina lang. Ako po si Tasya, diba, manong?" lingon ko sa vendor at nagtataka siyang tumingin sakin.

"Hindi ko po alam, Ma'am."

Hindi man lang nakipag-cooperate si manong sa palusot ko. Ano ba naman 'to!

"Mr. Cormac also emphasized that you should be there by 8 P.M, Ma'am."

Tinignan ko naman ang relo ko at inalam kung anong oras na.

7:43 P.M!

"Ma'am?" pagtawag sakin ng lalaki.

Biglang tumunog ang cellphone ng lalaki at kaagad na sinagot iyon. Madali lang ding natapos ang tawag at muli na naman siyang tumingin sakin.

"Mr. Cormac is already waiting for you there, Ma'am."

"Nako, kuya. Wait lang po, iihi lang po muna ako saglit." alibi ko at naniwala naman siya.

Tinahak ko na agad ang C.R at nagkunwaring umiihi. Pero ang ginawa ko lang talaga ay minatyagan ang lalaki at noong nakatalikod na siya at mabilis akong tumakbo sa may eskinita at pumara ng taxi.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang inakto ko pero sigurado akong dapat talaga ay hindi ako sumama roon sa lalaki.

Malay ko ba kung totoo ba talagang si Yakov Cormac ang nag-utos sa kanya o alibi lang iyon para tangayin ako at pagsamantalahan.

Kaagad kong ni-dial ang number ni Xavvy at mabuti nalang ay sinagot niya agad ito.

"Hello, Xav?!" halos sigawan ko na siya dahil sa kaba.

"Hi, bff! Maghintay ka muna ng ilang minuto diyan sa may restaurant, order ka muna ng tubig nila, hindi pa kasi ako nakaka-out sa work ko eh." aniya.

"Nako! Okay lang. Tsaka pauwi na rin ako kasi sumakit bigla 'yong ulo ko. Bukas nalang tayo magkita ha? Day off naman nating dalawa bukas."

Kung buhay pa ngayon si Francis Magalona ay siguro natalo ko na siya sa pagra-rap!

"Sure thing, bff! Magkita nalang bukas. Bye na muna, baka mahuli ako ng manager ko, mahirap na." at pinatay niya agad ang tawag.

Nang makarating sa apartment ay ni-lock ko kaagad ang pinto. Mabuti nalang at tatlong magkaibang lock ang meroon doon kaya ni-lock ko na iyon ng walang pagdadalawang isip.

Nakahinga ako ng maluwag at pabagsak na humiga sa sofa.

Bumalik sa isipan ko ang sinabi ng lalaki kanina. Totoo talaga siguro ang Marriage Certificate na pinadala sa akin?!

Pero sinunog ko na iyon...

CORMAC [TDH - IV] Where stories live. Discover now