Chapter 20

1.5K 34 6
                                    

IMARI NOELLE


(Warning! Sensitive chapter: contains harassment. Please skip this chapter if you are uncomfortable.)

"Bff, buti naman at gising ka na!" magiliw na sambit ni Xavvy. "Sobrang nagalala kami sayo, bigla ka nalang nawala kagabi tapos malalaman nalang naming nandito ka na pala sa Hospital!"

Inalala ko ang mga nangyari at ang huling memorya na rumehistro sa utak ko ay ang huling usapan namin ni Yakov.

"Sorry, Xav." paumanhin ko at pinihig ang ulo, naka-dextrose na ako at may bondage ang ulo.

"Ang sabi sa'kin ay nahimatay ka raw sa gilid ng daan. Sa sobrang kalasingan mo yan, Noelle, kaya nagpass out ka, yan ang sabi ng Doctor."

"Ang dami ko rin yatang nainom, bff, kaya ganon nalang ang naging reaction ng katawan ko sa alak." sagot ko.

"Huwag na nating ulitin yon ha, baka kung ano pang mangyari sayo sa susunod!" aniya. "Bff, maghanda ka na, uuwi na tayo pagkarating ni Ginger. Siya ang pinaasikaso ko sa mga bayarin mo rito sa Hospital, bayaran mo siya ha? Wala pa kasi akong sweldo eh."

"Oo naman, ayos lang. May extra naman akong pera kaya babayaran ko kaagad si Ginger kapag nakauwi na tayo."

Maya maya pa ay dumating si Ginger at sabay kaming umuwi na sa apartment. Mabilis kaming nakarating at nagpahinga kaagad ako sa kama ko.

Pumatak ang alas singko ng hapon at nagpaalam na silang dalawa na uuwi na, pinasalamatan ko silang dalawa sa pagtulong sa'kin at pinangako kay Ginger na babayaran ko siya kaagad kapag nakapasok na ako sa trabaho.

Maaga akong kumain ng hapunan at maaga ring humiga sa kama ko.

Biglang may kumatok sa pinto ko, nagsimula na naman akong kabahan dahil huling may kumatok sa Apartment ko, muntik ko nang ikamatay.

Kahit lubos ang kaba at takot sa puso ko, pinagbuksan ko pa rin ang kung sino mang kumakatok at bahala ka si Lord kung ano man ang mangyayari sa'kin. Kung mamamatay man ako, maluwag kong tatanggapin iyon.

"Ma'am, are you Miss Imari Noelle Raymundo?" tanong ng lalaki. Tinanguan ko siya at dali-dali niyang kinuha ang isang envelope at ibinigay iyon sa akin. "This is a delivery from Mr. Cormac."

"Thank you." at sinara ko na ang pinto. Dumiretso ako sa kwarto at umupo sa kama. Binuksan ko ang envelope at nakapaloob doon ay mga papeles.

Annulment papers. Granted.

Tumulo ang mga luha ko at napagtanto na lahat ng naranasan ko, lahat ng nawala sakin, hindi na maibabalik pa. Wala na akong panghahawakan, wala nang natira pa sakin.

Ang sakit.

Ang lungkot.

Hindi ako napirme sa apartment ko kaya kahit gabi na ay lumabas ako at pumara ng taxi. Dala dala ko ang bag ko at hinayaan lang ang taxi driver na dalhin ako sa kung saan.

Patuloy lang ako sa paghikbi at hindi ininda ang mapangusisang sulyap sa akin ng driver.

"Manong, paki-drop nalang ako diyan sa may Bar." turo ko pa sa Bar na nadaanan namin.

"Sure ka po ba, Ma'am?"

"Opo." sagot ko. Pinark niya ang taxi sa entrance ng Bar at nagbayad naman ako kaagad. "Salamat po, ingat kayo."

"Magiingat ka rin, hija. Kung ano o sino man ang nagbibigay ng sakit sa puso mo, huwag mong kalimutan na may Diyos na laging nasa tabi nating lahat. Hindi Niya tayo papabayaan."

CORMAC [TDH - IV] Where stories live. Discover now