Chapter 23

1.5K 34 1
                                    

IMARI NOELLE


"Ano ba talagang pakay mo, bakit bigla bigla ka nalang sumusulpot ulit, Yakov?"

Hindi ko na napigilang tanungin siya habang kaming dalawa ay nakaupo sa sofa ng apartment ko. Kakatapos lang naming kumain, naghugas na rin ako ng mga pinagkainan namin pero hindi parin umaalis si Yakov.

"Dining alone is worst, Imari, so I had to look for a company. Lucky was I, when I realized I could share a dinner with you, right?" he responded.

"Be honest, please." saad ko at inayos ang upo't tinitigan siya.

I heard him sigh. "What answer do you want to hear from me, then?"

"An honest answer, Yakov. That's all I want, kaya please, sabihin mo na. May kailangan ka ba sakin?"

"I just wanted to have dinner with you, isn't that an enough reason for you?"

"Malamang hindi! After all that we've been through, I don't think it just popped in your head that you wanted to have a dinner with me." sagot ko sa kanya. "All you wanted was for me to sign the annulment papers, which was forged by you, anyway. Bukod diyan, ano pa ba? Naglolokohan pa ba tayo rito, Yakov?"

"I'm giving you an honest answer, love. What else do you want me to say?"

"Something more honest than that. Ayaw na ayaw kong inuuto ako Yakov, kaya kung ako sayo, magsasabi na ako ng totoo."

"It's true. I just wanted to have a dinner with you, friendly dinner or whatever that dinner was." kibit-balikat niyang sagot.

"Well then, pwede ka nang umalis. Tapos na ang friendly dinner natin." diin kong sambit at tumayo.

"What?" asik niya.

"You heard it right, Mr. Cormac. Friendly dinner's done, already. Go home, now."

Tinalikuran ko na siya at pumunta sa cage ng tatlo kong alagang mga aso. Umupo ako sa sahig at nakipag-laro sa kanila, sobrang hyper nila ngayong gabi at para bang excited nang makalabas sa cage nila.

Si Sprinkles ang pinaka-malikot sa kanilang tatlo, mahilig ding makipag-away sa mga kapatid niya. Mabuti nalang at mabait sila Leafy at Cinnamon kaya hindi pa nagkaka-World War III dito sa apartment.

"Gusto niyo lumabas?" pagb-baby talk ko sa kanila, sinagot naman nila ako ng walang tigil na pagtatahol. "Gusto ng mga baby ko?" tuwing kaharap ko ang mga anak ko, hindi mawala ang ngiti sa labi ko, they're my dose of happiness.

I unlocked the cage and let them roam around my apartment. They were happily running and playing with each other.

Tinignan ko silang sabay sabay na tumakbo papunta sa kinakaupuan ni Yakov at dinila-dilaan ang sapatos niya.

"Sweet puppies." he uttered and caressed each of their heads.

It flattered my heart while I watched them four get incredibly close in just a snap. Yakov must be fond of dogs as well.

Habang hinihimas ni Yakov ang mga ulohan ng mga babies ko ay sinulyapan niya ang direksyon ko. Nagtama ang mga paningin namin pero agad din niya itong binawi at patuloy lang na nakikipaglaro sa mga aso.

Ilang minuto ang lumipas at tumayo na si Yakov. Akmang aalis na pero sinundan pa rin siya ng mga aso kaya napatigil siya sa paglalakad palabas ng apartment ko.

"Divert their attention, Imari. I'm leaving now." he asked me but I didn't listen. I was just standing meters away from him.

"Mahilig ka rin ba sa aso?" I asked.

CORMAC [TDH - IV] Where stories live. Discover now