IMARI NOELLE
Simula nang makaalis ako roon sa town house ni Yakov Cormac ay pero hindi pa rin nanunumbalik ang lakas ko, hindi pa rin nawawala ang sakit na natamo ng perlas ko dahil sa lalaki na 'yon!
Hindi ko lubos maisip kung bakit hinayaan ko lang siyang ganunin ako. Alam kong mali iyon pero iba ang sinisigaw ng puso ko.
Tulala lang ako buong maghapon at panay tanong sa akin ang mga ka-trabaho ko kung ayos lang ba ako dahil simula nang humiwalay ako sa kanila sa may beach ay halos wala na ako sa normal na huwisyo.
Kung alam niyo lang kung anong mga problema ang mga gumugulo sa akin.
"Alam niyo ba, nag-sign daw ng Memorandum of Agreement si Yakov Cormac na hindi na isasali sa Biannual Magazine ng The Elite ang personal life niya? Pure business nalang daw sabi no'ng isang staff na nakausap ko."
Bungad sa amin ni Karla habang nagme-meryenda sa may canteen.
"Hala! Bakit daw?" takang tanong ni Ginger. Halos lahat yata sa amin dito ay alam ang tungkol diyan sa The Elite Magazine. May sarili pa silang TV Channel na free-view for all.
"Iyon nga ang 'di malaman-laman ng Heads ng The Elites. Masyado raw biglaan ang desisyon na iyon ni Yakov, hindi naman sila makatanggi dahil sobrang laki ng binayad ng binata para lang matupad ang gusto niya."
"Eh magkano?" hindi ko napigilan ang mang-usisa sa pinaguusapan nila.
"Nasa around 8 Billion daw!" exaggerated na sagot ni Karla. "Por Dios, Por Santo! Sinong tao magbabayad ng ganoon ka laking halaga?!"
"Hindi namin 'yan masasagot dahil hindi naman kami mayaman, duh!" pabiro kong tugon at ininom na ang kape.
Sobrang lamig din ng panahon, panay pa ang pag-ulan. Siguro ay may bagyo na namang paparating kaya ganigo na naman ang weather.
"Pero ang duda ko ay bayad nalang iyon ni Yakov dahil sure naman akong malulungkot mga fan girls niya sa balita. Hindi ba naman nila malalaman ang mga nangyayari sa personal na buhay ni Yakov? Miski ako malulungkot din." ani ni Ginger.
"Totoo. Pero nandito naman ako, Gin." hirit ni Alykses at bahagyang ngumiti si Ginger sa narinig at umiwas ng titig.
Kinilig pa ang gaga!
"Huwag ka nga! Seryosong usapan tapos para-paraan ka pa diyan, Alyk. Hmp." pabebeng sambit ni Ginger.
Si Ginger lang yata ang kilala kong pabebe na hindi ko makuhang magalit. Siguro ay nasanay na rin ako sa ganyang personality niya.
"Grabe, alam niyo guys, namamangha talaga ako sa yaman ng mga miyembro ng The Elite. Kasi dahil lang sa privacy ay magbabayad ng 8 Billion? Shuta!" pag-iiba ni Karla ng usapin.
"Kaya nga, anong klaseng trabaho ba mayroon 'yan sila at waldas kung waldas ang trip?! Eh sakin kung makagastos ako ng isang libo sa isang araw, durog na durog na puso ko!"
Sumang-ayon si Ginger at nagtawanan sila.
Nagtuloy tuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa natapos ang afternoon break namin.
Nang matapos kami sa trabaho ay inaya ako ng mga kaibigan kong manood ng latest movie sa cinehan pero tumanggi ako dahil masama pa rin ang pakiramdam ko, agad akong pumara ng taxi at umuwi. Nakatunganga lang sa kwarto ko buong gabi. Wala akong ibang ginawa kung hindi ay pakiramdaman ang katawan ko.
Napagdesisyonan kong mag-order nang fast-food para maibsan ang gutom ko.
Makalipas ang bente minutos ay may kumatok na sa pinto ko. Pinagbuksan ko iyon at grab driver iyon na may bitbit na cellophane, binayaran ko na siya at agad na sinara ang pinto.
Nilapag ko sa may mesa ang mga nakabalot na order ko sa Jollibee at lubos na natakam dahil sa mabangong amoy ng mga iyon. Nagsimula na akong kumain at mabilis pa kay The Flash na naubos ang kalahati ng mga pagkain.
Ang naiwan na lang ay nag sundae, peach mango pie, fries, at palabok.
Isa isa ko iyong kinain pero dahan-dahan na.
Biglang may kumatok sa pinto ko at kaagad kong tinungo iyon at binuksan. Tumambad sa akin ang dalawang naka-full face mask.
Marahas akong tinulak ng lalaki papasok, tumama ang bewang ko sa may wooden sofa sa may sala at impit na dumaing ako dahil sa sakit.
"A-anong ginagawa niyo r-rito?" mahinang usal ko at narinig ang pag lock nila sa pinto. "S-sino k-kayo?"
Tinanaw ko ang dalawang lalaki na abalang nangunguha ng mga gamit sa apartment ko, at nang buksan nila ang kwarto ay pinilit kong tumayo para harangan sila.
"H-huwag!" iika-ika akong tumayo sa harap nila pero hindi nila ako pinakinggan, tinulak nila ako sa pangalawang pagkakataon at tumama ang ulo ko sa may edge upuan.
Nagkaroon ng sugat sa noo ko at malubang nagdudugo iyon. Nahilo ako dahil sa sakit pero hindi ako nagpatinag, pinilit ko ulit tumayo para kunin ang bag na may lamang wallet at cellphone ko.
Nang makuha nila ang bag ay nakipag-agawan pa ako para lang mabawi iyon at huwag nakawin ang wallet ko. Napakalaki ng perang nasa loob noon at ayaw kong makuha ng kung sino man ang binigay sa akin ng papa ni Yakov.
"K-kunin niyo na po l-lahat, h-huwag lang p-po ito." pagmamakaawa ko sa kanila at pilit na inaagaw ang bag sa matangkad na lalaki.
Sa hindi inaasahan ay sinuntok niya nag tiyan ko at nawalan ako ng balanse dahil sa ginawa niya sa akin. Sumuka na ako ng dugo at nagiitim na ang paningin ko.
Kahit hinang hina na ay hinawakan ko ang paanan ng lalaki, narinig ko ang pagkasa niya ng baril at pinaputukan ang kaliwang kamay ko.
"Ahh!" sigaw ko nang tumama sa kamay ko ang bala. Hindi ako matigil sa pag-iyak habang hawak hawak ang kamay kong walang tigil sa pagdudugo.
"I-ibalik n-niyo sakin ang bag k-ko." ngunit kahit anong pilit kong lakasan ang boses ko ay para nalang akong bumubulong sa kawalan.
Hindi pa nakuntento ang lalaking may hawak ng baril at pinaputukan ang hita at balikat ko.
"Tulong..."
Unti-unting nawalan ako ng malay at binitawan ang nagdurugong kamay. Dahan-dahang bumigat ang mga talukap ko at pumikit ang mga mata ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.
YOU ARE READING
CORMAC [TDH - IV]
RomanceYakov Vladimir Cormac. Yakov never loved the idea of forced marriage, he despise it. But fate is really a bitch and so he got instantly married to Imari Noelle Raymundo whom he didn't knew at all. Yakov always looked for ways to persuade Imari to...