Chapter 6 (Part Two)

12 1 0
                                    

"Ayan, by pair kayo, youth. May wala bang partner d'yan?" tanong ng game master dito sa church.

Yes, opo. Attendees po tayo today.

Sa ngayon nga ay may palaro sila. Sabi by pair, expected ko na si Charls ang pakner ko, pero mga be... ang babaeta hinatak si Beau, hayop.

Tinaas ko ang kamay ko nang magtanong kung may wala bang partner.

"Ay, si Ate Devi." sabi ng game master nang makita ako.

Nilibot niya ang kanyang paningin, mukhang naghahanap din siya ng walang partner.

"I can be her company." sabi Beau.

Napatingin naman ako sa kanya, nakatingin din siya sa akin.

Napakunot ako ng noo, may partner na siya ha? Lumipat na naman ang tingin ko kay Charls, mukhang siyang nagtataka habang nakatitig kay Beau.

"By pair ang laro Beau, may partner ka na. Hindi ito groupings, ok? Hahaha." sagot ng game master habang nakangisi.

"I mean nahigit lang ako, if I get to pick my partner, I'll go with..."

"Blessed sunday everyone!"

"Meds!" sigaw ng game master.

"Sorry Ate Abegail, may pinakuha lang po sa akin si Papa, kaya umuwi muna saglit."

"May partner ka na ba?" tanong ni Ate Abegail, name ng game master.

"Po? Bata pa po ako." pagbibiro ni Meds.

"Hahaha. Kayo na lang partner ni Devi."

Hindi ako maka-react kahit ayaw ko siyang partner, naka-iilang kaya siya. Pero wala akong choice.

Tumango siya at tumabi sa akin, "Blessed Morning, Desarrollo." bati niya sa akin.

"You too, Agradecido."

Nang may partner na ang lahat, in-explain ni Ate Abegail ang laro.

Guess the number daw. Mukhang madali, lalo na't matalino kami ng kasama ko.

"Ganito, raising eyebrows means 10, winking is equal to 5, pout is 1."

Hayop, ano raw?

"Raise your hand kapag alam niyo na ang sagot. Paunahan ito, paramihan ng points. Magkaharap kayo ng partner mo 'di ba? Tapos for example ang number ay 17. Means, one raising eyebrows, one winking, and two pouts. Getness niyo na?"

Hala potek, ang awkward!!!

Tumango naman kaming lahat.

"Sige, mamili kayo ng unang magpapahula at pumunta dito sa harap." sabi ulit ni Ate Abegail

"Ikaw na." utos ko kay Meds.

Tumango naman siya't ngumiti. Nang malaman niya ang number at pabalik na siya sa pwesto namin, nakita kong nagkabanggaan pa sila ng Kuya Beau niya. Eh?

Nang nandito na siya sa harap ko ay nag-umpisa na ang laro.

"Game!"

Nakita kong nag pout siya ng four times— cute amp, "Ayon lang?" tanong ko sa kanya, tumango naman siya.

Tinaas ko ang aking kamay, "four po?" sabi ko nang mapansin ako ni Ate Abegail.

"Tama! One point para sa group ni Devi at Meds."

Napangisi naman ako, waw napaka competitive.

Nang ako naman magpapahula, confident naman na makukuha niya ako. Number 6 lang ito.

Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now