Chapter 20

8 0 0
                                    


Mederi's POV

Hindi kami sabay ng Jo, my Zoi. Kasi sabi niya mali-late raw siya dahil may daraanan pa sila ni Ashley at Jernine. Ayos lang naman sa akin, hindi ko naman hawak ang sitwasyon ng isa't-isa.

Tapos na 4th quarter periodic exam namin, pa unti nang pa unti  ang pumapasok dahil vacation na.

Nandito ako sa classroom at nakikipag-kwentuhan muna sa aking mga tropa.

Agad akong siniko ng isa kong kaibigan at tinuro ang pintuan. Nang aking lingunin ay nakita ko ang pinakamagandang babae sa mundo. My Jo!

Nang magtama ang aming mata at ngumiti ako sa kanya, ang ganda mo bebe ko:<

Gumanti naman siya ng ngiti sa akin.

This time, dahil close na kaming lahat sa classroom, wala na ring pake ang mga teacher namin kung lumipat kami ng upuan.

Kaya ako? Ito lumapit sa aking bebe.

Napatingin siya sa akin na nakunot ang noo. Mukhang isip nito na lalandiin ko na naman siya, medyo true hehe.

Ngayon ay ibabalik na sa amin ang aming test paper, hindi na namin pinapa-announce dahil may mga classmate kami na hindi proud sa score nila, their feelings are valid kaya ganoon na nga lang. Well kung sa akin,I don't care kung ako pa ang lowest— kasi hindi naman talaga mangyayari 'yon. Pero to be honest, wala rin akong pake kung ako ang highest, as long as mataas... ayos na 'yon.

But my Jo? I know my girlfriend. Competitive 'yan. Walang jowa-jowa sa kanya. Kahit ang sabi niya sa akin ay nagbago na raw siya, at maluwag niya na raw tatanggapin ang mga scores niya kahit hindi sya ang pinaka. Siguro soon... pero ngayon? I doubt it bebe ko, sorry.

Sa pagbibigay ng test paper, alam na naming kapag huli kang binigyan ay ikaw ang pinakamataas. At the moment si Devi ang huling binigyan, sumunod ako sa kanya. Napa-ngiti ako nang makitang 50 over 50 siya.

"Nice, perfect. Congrats, Devi." bati ko sa kanya.

"Hoy maliit na bagay." sabi niya habang nilalagay ang mga hibla ng kanyang buhok sa likod ng kanyang taenga.

Cute, amporkchop!

"Ilan ka, Meds?" tanong niya sa akin.

"49 lang..." sagot ko gamit ang chill kong voice.

"Nice, ang taas." tinaas niya ang kanyang kamay para makipag high five sa akin, sinagot ko naman 'yon.

Tiningnan niya ang test paper ko, "Oh, mali ka sa number 45? Letter B ang sagot d'yan, nakalimutan mo ba?" mahinahon niyang tanong

"Oo e. Ikaw lang kasi na sa isip ko." sabi ko gamit ang mahinang boses.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi at nakakunot ang noo. Kinikilig ito for sure.

"Ewan ko sa'yo..." pagtataray niya, "Pero Ok lang 'yan, Bro. Isa lang naman ang mali mo." sabi niya ulit.


Nginitian ko na lang siya. Nagsinungaling ako, alam ko ang sagot sa number 45, sinadya ko lang na mali ang maisagot ko para siya ang highest, kasi alam kong ipi-perfect niya ito.

Ngayon lang kita pagbibigyan, Jo. Balik ulit tayo sa pagiging Academic Rivals next school year.




Development's POV


Napagpasyahan na namin nila Ashley at Jernine na sabay-sabay pumasok dahil dadaan pa kami ngayon sa faculty. Kami kasi ang mag che-check sa ibang mga test paper dahil walang tiwala ang mga teachers namin sa ibang sections, e sino ba naman kami para tumanggi. Last quarter na rin ito, plus may dagdag grades din ito ano!

Kami kaya ang mga anak ng teachers. Charot!

"Takteng grade 'yan, nakakahiya." sabi ni Jernine.

"Kalma lang girl." sabi naman ni Ashley.

"Bakit kasi binuklat mo pa 'yong mga papel, Jernine?" tanong ko naman.

Paakyat na kami sa aming room, galing kami sa faculty para mag-check ng ibang test paper.

"Aksidente lang 'yon, Devi. Na.buk.lat ko. Hindi binuklat." sagot naman sa akin.

"Nakita mo ba ang buong grades natin doon?" tanong naman ni Ashley.

"Hindi, akin lang." napakamot si Jernine, "Feelingera yata ako putaena. Akala ko pasok ako sa top ten kahit initial grades pa lang 'yon. Nakaka-putchangina talaga e." sabi niya nang may pagka-yamot.

"Initial lang naman 'yon be, hindi pa huli ang lahat."

"May chance ka pang humabol te, 20-30% ang periodic exam."

"Nako feel ko hindi na. Acceptance is the key na naman ngayong school year hayp na 'yan."




Grade eight na kami ngayon! Yes, successful! Top 1 pala ako last school year. Syempre, masaya ako. Nang malaman din ni Meds 'yon ay nakangiti siya sa akin, wala naman akong nararamdaman na panghihinayang mula sa kanya.

Grabe 'yon lalake na 'yon. Parang pinalambot ang damdamin ko. Kung dati wala akong pakialam sa paligid ko basta ako ang pinaka-highest, ayos lang. Ngayon, parang tinuro niya sa akin na dapat bigyan ko ng halaga ang mga taong na sa paligid ko.

Dapat marunong akong makinig sa kanila, marunong ako magbigay ng konsiderasyon, at isa pang pagkakataon.

Ayon ginugol ko ang buong summer vacation namin sa bahay, simbahan, at social media. Hindi pa rin alam ng parents namin na kami na. Hindi pa namin sinasabi maliban na lang kina Jernine, Ashley at Charlie Haven.

Gusto ni Meds na umamin na sa kanila ngunit ako lang ang may ayaw, natatakot kasi ako. Napapayag ko naman siya, willing naman siyang maghintay hanggang magkaroon ako ng lakas ng loob.  


֍―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―֍


From Mederi Agradecido: Kamusta ka jo? Musta mga gawa niyo group 3?


From Development Desarrollo: ginagawa ko pa ang part ko


From Mederi Agradecido: Gusto mo ba ng tulong?


From Development Desarrollo: hindi na cure :> mahirapan ka pa nakakaawa 😛


From Mederi Agradecido: Ay niyayabangan ako. Baka lang kasi mapagod ka tapos mas mataas pa rin ang score namin.


From Mederi Agradecido: accept my assistance ganda.


From Development Desarrollo: HAHAHAHAHA No!!


From Development Desarrollo: baka sayo pa kami ma zero


From Mederi Agradecido: Wala ka bang tiwala sa akin Jo? ☹️


From Development Desarrollo: wala ehh


Ganyan kami kung mag-usap ngayon, lalo na kung tungkol sa grades namin. Nag pustahan pa nga ang mag jowa. Ililibre sa next summer ang lamang ang grades.

Ililibre niya ako next summer. 

Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now