Chapter 14

5 1 0
                                    

Ilang linggo na rin ang lumipas, wala namang ibang ganap sa buhay ko.

Maliban na lang sa araw-araw na online ako sa facebook...

... At sa 'pag cha-chat ni Meds sa akin.

Nag re-reply din naman ako. Hindi ko kasi mapigilan ang huwisyo na hindi siya sagutin.

Pero alam kong dapat may limit lang, kasi sabi nga nila famous si Meds— maaaring maraming siyang ka-chat, at hindi lang ako. Feel ko bored din ako kausap e.

Kararating ko lang room namin, nang matagpuan siya ng aking mata ay nakita kong nakangisi si loko— habang may ginagawa sa cellphone niya, para bang may tina-type siya. Na sa gilid lang siya at nakasandal sa pader, ang g'wapo tingnan, ang tangkad din kasi tapos ang hahaba ng pilik mata.

Hoy Devi! Bakit mo dini-describe siya? Tanong ng utak ko.

Napailing na lang ako at tinungo ang upuan kung saan ako naka pwesto. Nakakainis lang, parang close kami sa chat. Kung ano-anong topic ang pinag-uusapan namin, kahit nga bias ko raw sa BTS tinanong niya, gagi! hindi naman ako kpop fan!

Pero roon niya nalaman na hinid ako kpop fan.

May times din tinanong niya ako ng favorite kong ulam, wala akong masagot! Hindi naman ako pihikan sa pagkain. Pinalaki ako ni Mama na kumain na lang kaysa magreklamo.

Naalala ko rin noong parang wala na yatang siyang ma-topic— kaya magpapaalam na sana ako, tinanong niya ako bigla kung ano mas prefer ko: hot or cold, sabi ko naman depende sa sitwasyon. Totoo naman e, hindi naman laging hold or cold ang pipiliin mo.

Kaya talagang sa tingin ko ay bored ako kausap, kahit si Meds wala na maisip na topic kapag ako ang ka-chat. Hindi rin naman ako nag e-effort mag-isip ng topic namin.

Maayos naman ang buong linggo ko, aral-aral lang ganoon. Hindi ko naman napapabayaan ang school, hindi ko pwedeng pabayaan.

Ilang linggo na rin ako active sa pag-attend ng church. Wala namang comment si Mama sa pagsimba ko sa hindi katoliko, sabi niya iisa lang naman 'yon at may karapatan akong pumili ng bahay-sambahan. Supportive nanay ko ano? Sanaol ba? Charot!

Tapos na rin ang sunday service, kasama ko si Charls malamang. Palabas na kami sa church nang may tumawag sa amin, nang ito'y aming lingunin— nakita namin si Meds na papunta sa gawi namin.

"Hatid ko na kaya." nakangiting sabi niya sa amin.

Nagkatinginan naman kami Charls. Sumingkit ang mata ko nang makitang nakangisi ang babaeng kasama ko.

"Ahmm." pangunguna ko, tapos tingin ulit kay Charls, dali girl, sagot!

Mukhang walang balak sumagot si Charls, nakangisi pa rin habang nililipat ang tingin sa amin ni Meds, parang buang e!

"Hindi na, Meds. Kaya naman namin." sagot ko sabay siko kay Charls, sumang-ayon ka sa'kin, Charls!

"Ayy... Oo. Kaya namin umuwi, Meds. Marami ka pa yatang gagawin dito sa church for sure. Keribels na namin ito."

Tumango naman si Meds sa amin at nagpaalam na kami para umuwi.

Habang naglalakad ay napansin kong nakangisi pa rin si Charls.

"Mukha kang aso, Mayo."

Sinabit naman niya ang kanyang kamay sa aking braso, "Anong meron, Development Zollie?"

Kunot ang aking noo habang nakatingin sa kanya.

"Bakit tayo ihahatid ni Meds? May usapan ba kayo?" tanong ulit ni Charls.

"Ha? Wala." tipid kong sagot.

Wala naman talaga kaming usapan, kagabi ang sabi niya lang, Kitakits! Ingat at God bless.

"Gaga! I mean. Anong ganap sa inyong dalawa?"

"Wala."

"Wala? E bakit gusto tayong ihatid? Alangan kami ang may ganap, hindi ko naman crush 'yon."

Pumikit ako at umirap sa kanya, "Walang ganap, ka-chat ko lang siya."

"Ay!" sabi niya tapos niyugyog ang braso ko, gigil kong binawi 'yon at tilim ko siyang tiningnan.

Napansin 'yon ni Charls, "Sorry, sorry. Napalakas yata hehe."

Umiling siya habang hawak-hawak ang kanyang ulo, "Back to the topic... Chatmate ka'yo?"

"Oo" sagot ko habang nakatingin sa daan.

"So kumusta?" nakatingin din siya sa daan.

"Anong kumusta? Wala lang naman 'yon."

"Wala? Chatmate, wala?" ngayon nakatingn na siya sa akin.

Nilingon ko si Charls, "Chatmate, means nothing. Hindi naman kami naghaharutan sa chat."

"E anong topic niyo lang?"

"Schools, buhay-buhay, and stuff."

"About relationship wala?"

Doon ako napatigil sa tanong niya, wala naman kaming napag-uusaspan about sa relationship.

Maliban na lang sa mga sitwasyon na tinatanong: Kung ikaw ay manliligaw or kung ikaw ay lalake...

Counted ba 'yon?

"Tagal mo sumagot, so meaning, meron kayong topic na ganyan."

Umirap ulit ako, "Pero hindi ganoon, kalalim, Charls."

"Sus! Ako pa niliko mo. Saan ba mapupunta 'yon? Doon din malamang."

Ewan ko kung saan pupunta, bahala na.

"So close na kayo... napaguusapan niyo na ang buhay ng isa't-isa tapos..."

"Sa chat lang naman, hindi sa personal." nakakunoot kong sabat sa kanya.

Ibang-iba kami sa personal. Parang hindi kami nagka-kumustahan sa messenger!

"Ay! Gusto i-level up. Akala ko ba wala lang?" tanong ni Charls gamit ang pang-asar na tono.

"Wala, share ko lang."

"Nako, Devi. May crush kayo sa isa't-isa for sure 'yan!"

"HA? WALA HA!" lumakas ang boses ko.

"Ay defensive. HAHAHAHA." huminga siya nang malalim, "Close kayo sa chat to the point na nag-uusap kayo about life ng isa't-isa. Tapos nag-iilangan kayo sa personal. Anong meaning naman ng ganoon?"

"Meaning, may iba pa siyang ka-chat." nakakainis!

"Selos ka?"

Umirap na lang ako bilang sagot.

"Nako, huwag kang magselos, feel ko... crush ka talaga ni Meds. Boto ako roon."

"Paano mo nasabi?"

"Kumain ako ng gabe."

Tumilim na naman akong nakatingin sa kanya.

"Charot lang. Ito naman." humawak ulit si Charls sa akin, this time sa aking balikat naman, "Devi. Maaaring madaming tsismis tungkol kay Meds. Kesyo maharot, malantod or what. Pero naniniwala akong mabuti siya. Siguro jina-judge lang siya dahil madaming inggit sa kanya. Ikaw pa naman maging pogi na cute, talented, matalino, maka-diyos, mapagmahal at at mabango? Kung hindi ka talaga maging famous n'yan. Pero hindi ko pa rin siya crush, loyal 'to sa kuya niya hahaha"

Well tama siya, parang napaka-perpekto ni Meds. Kaya nga napapa-isip ako, isa rin ako sa mga nag-judge kay Meds. Ang dali ko siyang nahusgahan, bakit? Maaaring naiingit ako sa kanya.

Pero crush niya ako? No. Napaka-perpekto ni Meds para magkagusto sa akin.



֍―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―֍

Next Update: January 18, 2023

Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now