Chapter 27

12 0 0
                                    


Nakakunot ang noo ng aking katabi ngayon habang papagdyak-padyak sa kanyang mga binti. Mukhang naiinip si Charls kakahintay sa isang tao.

"VIP ba yung lalake na 'yon? Hindi ko pa siya nakikilala, bad trip na agad ako sa kanya." reklamo niya.

Nagkatinginan lang kami ni Meds.

Panay ang tingin ni Charls sa cellphone niya na tila chini-check ang oras, "Na saan ba raw siya, Meds, Devi?" tanong niya sa amin.

"Nakasakay na raw siya ng jeep." sagot naman ni Meds.

Dahil classmate na namin si CJ, nabanggit ni Meds sa kanya ang bago nitong facebook matapos niya itong na-ghost.

Nang ma-accept raw ni Meds ang friend request ni CJ ay agad itong nag-chat sa kanya. Gusto niya raw kaming makasabay. Nagpaalam sa akin si Meds, tinanong niya ako kung ayos lang ba sa akin. Wala namang problema sa akin, alam kong wala talagang close friend si CJ sa school  namin kaya na sa adjusting phase pa siya.

Sakto sumabay din ngayon sa amin si Charls, ayon magkikita sila. Pero itong si Charls ay naiinip na dahil ang tagal dumating ni CJ dito sa tagpuan namin.

Sa palagay ko ay punuan ang jeep at hindi marunong dumiskarte si CJ para makasakay ito, kaya hanggang ngayon ay wala pa siya. Binanggit din ni Meds na may kaya sila CJ kaya naka-kotse talaga ito.

Ang sistema raw ng buhay ni CJ ayon sa aking nobyo ay ganito... Lumaking may kaya si CJ, maliban sa parehong may negosyo at kompanya ang kanyang magulang— siya lang din ang anak. Unico Hijo. Kaya walang kahati sa oras.

Dahil close sila noon ni Meds, alam niya rin ang ibang kwento ng buhay ni CJ. Minsan mas chismosa talaga itong si jowa ko kaysa sa akin e. Charot.

CJ's parents are both devouted Christians, kaya siguro nag-aaral ang kanilang nag-iisang anak sa isang christian school. Ngunit si Meds din nagsabi sa amin na kahit anong higpit ng patakaran ang kanilang school ay kaya nila itong matakasan. Nila? Kasama kasi si Meds, magaling lang daw talaga siyang umarteng walang alam. Hanep, may tinatagong kahayupan.

They might look like puppies and innocent children, but that is the opposite of their characteristics. Kung payabangan daw ang labanan, pambato niya raw si CJ. Sabi ko pa nga ang judgemental niya, pero ang sagot naman sa akin 'Nagsasabi lang ako ng totoo...'



Hindi ko napiligang hindi mapangisi sa aking naisip, habang ako kay nagsusulat. Naalala ko lang kasi ang kaganapan kaninang umaga nang sa wakas ay dumating na rin si CJ.

"'Yon na si CJ." banggit ni Meds.

Napatingin naman kami ni Charls sa gawi ni CJ habang papunta siya sa amin, "After isang taon nakarating na rin 'yan." sabi naman ni Charls.

Kumunot ang noo ni CJ sa narinig, "Excuse me? Ilang minutes lang ang travel ko. Hirap kayang sumakay."

"Hirap sumakay? Sana naglakad ka na lang." sabat naman ni Charls.

"Naglakad? Do you really f*cking know how far my house is from that f*cking school?" gigil na sagot ni CJ.

So matured. Napapa-isip tuloy ako kung paano siya nakakapagmura sa eskuwelahan niya noon?

Dinuro ni Charls si CJ, "Hoy! Don't f*cking-f*cking us. Kung sila Meds at Devi hindi nagmumura para sagutin ka, aba hindi ako sila. Wala akong pake kung gaano kalayo, napakatagal mo ugok! F*cking you too!"

"I'm not f*cking you," sagot ni CJ, ngumisi siya "Unless you want –"

Nang marealize namin ni Meds ang mga kaganapan ay inawat na namin sila.

"Hep hep. Tama na 'yan."

Nilayo ko si Charls, at si Meds naman ang umawat kay CJ.

Nang maramandan namin ni Meds ang hidwaan ng dalawa—pinakilala namin sila sa isa't-isa.

"Wala akong pake. Napakatagal, akala mo siya ang anak ng principal." sabi ni Charls sabay lumakad nang mas mabilis para mas mauna siya.

"Charlie Haven Mayo? Ang ganda ng name, parang siya." sabi ni CJ.

Hindi naman 'yon narinig ni Charls dahil mahina lang ang boses ni CJ at malayo na sa amin si Charls, mukhang bad trip pa rin.

"Crush na crush niya si Kuya Beau." sabi ni Meds.

"Beau Galen? Your brother? Ang mahilig mag-reject ng mga babae. Gaano na katagal niya nang gusto? At gaano niya ka gusto?"

"Matagal na" sagot ko naman.

"Sobrang tagal." dagdag ni Meds.

"To the point na may naririnig kaming rejected na siya kay Beau, pero go lang pa rin itong mabait kong kaibigan."

"She has a strong personality, right?" Having a crush on Beau Galen is for powerful girls only. I think Charlie Haven saw an opportunity in that rejection."

"Saw an opportunity? O bulag siya kaya hindi niya nakikita na hindi siya gusto ni Kuya Beau." sabi ko.

"Kung sa akin siya may crush, hindi ko 'yan iri-reject."

Napatingin naman kami ni Meds kay CJ na nakangisi.

"Umayos ka." pagbabanta ko, babaerong 'to! balak yata pormahan si Charls.

Wala namang problema sa akin, may mga lalake talaga pumo porma kay Charls, masyadong loyal lang talaga ang aking kaibigan kay Kuya Beau kaya hindi niya binibigyang atensyon ang mga lalake may gusto sa kanya. May tiwala rin ako kay Charls.

Pero what if maging sila ni CJ, knowing na magaling ito mamingwit ng babae. Tapos nasaktan lang si Charls? Hala ngayon palang namumuo na gigil ko rito.

"Chill, Desarrollo. Ang akin lang, hindi ko siya sasaktan. Mamumuhay kami sa sarap."

"Sarap your face." sabat ni Meds, "Hindi ka nga ma-diskarte sa buhay, mamuhay pa kaya sa sarap?"

Natawa naman si CJ, "Because, we are rich, Meds! Mayaman tayo! Mapera! So kung matatanggap natin ang ating mana in the future, ang kailangan na lang nating gawin ay mag-chill!"

Limungon naman si CJ sa akin, "Tapos kami pa that time ni Charls? I will make her mah queen, Devi!" proud niyang sabi.

Hala si Kuya Caleb Jacen dreamer pala. Ang lawak pala ng imahinasyon nito, siguro puro imahinasyon lang laman ng utak ng lalakeng 'to. Charot!

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Meds, "Pistos, nasasabi mo lang ang mga bagay na 'yan ngayon dahil may sinasandalan pa tayo. One day, tatayo rin tayo sa sarili nating mga paa. Kung makuha man natin ang ating mga mana, hindi 'yon pang habambuhay. Tamad ka kung ganoon, puro chill lang ang gusto."

"Grabe ka naman, Emerge Myles!" sabi ni CJ habang hawak-hawak ang kanyang dibdib na akala mo nasaktan sa sinabi ni Meds, "So you mean, mag ta-trabaho ako para sa aking queen?"

Ngumiti si Meds na parang natatawa, at maya-maya'y sumeryoso ang mukha, "How can you make her your queen if you are not the king? How can you be a king if you're not a good follower of someone above you? Gusto mo pala maging king, pagtrabaho-han mo 'yon."

"Paano?" tanong ni CJ, para itong tinatamad pero nakikinig pa rin.

"Be a good follower muna. Follower nino? Kahit sinong alam mong worth it maging leader. Suggest ko sa'yo si Christ. Be a follower of Christ, tutal galing naman tayong christian school, alam kong may alam na tayo about His words, tuloy-tuloy mo na."

Inakbayan ni CJ si Meds, "Grabe ka bff, sobrang nag-iba ka na talaga Mederi! Huhu. Kaya siguro na-inlove itong si Devi sa'yo ano? Godly man ka na talaga." sabay siko ni CJ sa akin at kinindatan ako.

Parang may balak pang sumagot si Meds kay CJ kaso pinagsabihan kong mamaya na sila mag-usap at mali-late na kami. Si Charls ay malayo na sa amin, kaya binilisan namin ang aming mga lakad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now