Chapter 26

9 0 0
                                    

Reminder:

Please expect foul words for some of the chapters in this story, even though I said this might be a godly story. Curse words are placed because of purpose. Thank you for being understanding.




Development's POV


Grade nine na kami! Ang nice lang kasi napaka-strong naman namin ni Meds. Hindi ko inakalang lagpas na kami isang taon. HAHAHAHAHA.

Dahil pareho pa kaming palamunin, ang anniversary namin ay ginanap sa church, bumili lang kami ng cake na may 'Happy 1st. Ikaw pa rin sa susunod na maraming taon'. Pinag-ipunun namin 'yon syempre, galing sa mga natitira namin baon. Ibinahagi rin naman namin ito sa aming mga ka churchmate.

Mas maluwag sa pakiramdam simula noong nagpaalam kami sa aming mga parents tungkol sa aming relasyon. Wala nang taguan ng nararamdaman sa school, at mas nagagabayan kami ng aming mga magulang nang maayos.

Napansin ko ring mas naging strikto si Mama sa akin simula noong kami na ni Meds. Like, dapat nagpapaalam talaga ako kahit pupunta lang naman ako ng computer shop para magpa-print.

Last summer nga may youth camp kami. Hindi ako sumama dahil ayaw ni mama. Saka na raw, sa araw na tingin niyang kaya ko na. Naiintindihan naman namin siya kaya hindi ko na lang pinilit ang kagustuhan kong sumama.

Sa ranking naman. Rank two ako, rank one si Meds. Points lang nilamang niya. Inaamin ko, malungkot ako dahil hindi ako ang rank one kahit gustong gusto kong abutin 'yon. Pero masaya naman ako kay Meds. I mean kahit sino ang rank one, wala naman akong magagawa kung hindi maging masaya sa kanila at tanggapin ang lahat. Ako tuloy nang-libre HAHAHAHAHA.

Hindi rin sumama loob ko. Tanggap ko na, proud nga ako sa jowa ko e hehe.

Naalala ko pa noong nag kaalaman na ng mga ranking, last parent-teacher association, sobrang excited pa ako. Pero nalungkot ako sa resulta, hindi dahil naiingit ako sa kanila. Ngunit dahil pinapairal ko na naman ang high expectation ko sa aking sarili.

Nakita ko namang proud sa akin si Mama noong recognition day namin, sulit din mga pinaghirapan ko. Kasalanan mo ito Yyezha. Wala ang name ko sa project natin. Charot. Nakalipat na pala siya.


"I know you're not okay with it. But please do remember that I'm still proud of you, Jo? One day, everything will be fine. 95.6 average is not just nothing. You're incredible kaya. Hindi lahat kayang abutin 'yon. We are not earning those high grades to prove our intelligence to others. Your existence proves that you can be intelligent and wise, because God will give wisdom to you."


Ako naman itong kinilig dahil sa mga sinabi niya one day. Ayon, tapos na ang laban. Academic Rivals-to-Lovers na talaga. HAHAHAHAHA.

May nakita kaming nag kukumpulan nang makapasok kami ni Meds sa aming bagong room. First day of class.

Napaka-nostalgic talaga. Parang noong grade seven pa lang kami, stranger lang siya sa akin, hindi ko naman talaga siya kilala kahit pinag-uusapan pa siya ng mga tao.

Tapos ngayon? Sabay na kami pumasok. Shookt!

Pare-parehong mukha lang naman lagi ang mga bumubungad sa amin, puro kaklase namin noong nakaraang taon at noong na sa pitong baitang palang kami. Ang ilan nga ay noong elementary pa ako e.

Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now