Chapter 1: Letseng Alakdan

1.7K 69 17
                                    

Utang na loob. Huwag naman, universe. Bakit naman sa lahat . . . si Harvey Luna pa?

Never ko in-imagine na mapupunta pa kami sa iisang kuwarto, at lalong-lalo na hindi ko na-imagine—at never ko ring hiniling—na makasama siya sa isang project. Pero heto ako ngayon, hinihinga ang kaparehas na ere na hinihinga ng letseng alakdan na 'yon.

Katabi ko ang ibang officers ng organization na kinabibilangan ko ngayong college—ang League of Art and Literature Students (LALS). Nakikipag-usap kami ngayon sa Association of Engineering Students (AES) dahil sila ang partner org namin para sa dalawa naming activities to celebrate the org's silver anniversary: isang community outreach at 'yung naming fund-raising event. May iba naman kaming activities na hindi involved ang AES.

Ang di ko naman alam . . . org pala niya 'yon.

Ang masaklap, month-long pa ang celebration. So may chance na isang buwan ko pa siya mapagtitiisan—este makakasama.

Di ako makapaniwalang next week na 'yon, pero totoo namang willing ako magbigay ng time at effort. Org ko, e. May something din sa pagtulong sa prod that makes it worth it.

Pero even with all these, hindi naman necessary ang meeting na 'to. E, ano namang magagawa ko? Nandito na kaming lahat, pati executive members namin at ng AES. Pero bakit nga ba kasi siya nandito? Nakangisi pa. Kapal. Mag-pretend na lang siguro ako na hindi siya nakikita.

Tutal sanay naman na akong ituring siyang multo.

"Hi, everyone," bati ni Desiree, ang president ng org. "So before anything else, LALS, meet AES's executive members. The one who called for this meeting is Harvey"—tapos tumayo siya at nag-hi . . . sa akin—"the head of their external affairs committee."

Ah, siya pala 'yung kulang sa preparations.

"Hello," bati pa niya. Nakatingin pa sa 'kin. 'Kala mo naman kung sino.

Di na ako nagulat. Siya pala ang tinutukoy ni Desiree noong nag-general assembly kami na nagpatawag ng meeting na 'to dahil "kailangan" for last-minute preparations. I remember thinking, Ha? Prepared naman na lahat. Waste of time naman. After niyang hindi um-attend sa ibang meetings before at 'yung representative lang nila ang uma-attend, biglang magpapatawag siya ng meeting? Pero sige . . . better be sure.

Pero ngayon? Ngayon ko na-realize kung bakit hindi ko nakikita ang head ng Exte Committee nila sa mga meetings. Kasi si Harvey pala 'yon. Ugali niyang mawala at tumakbo sa responsibilidad.

Utot niya. Or mas tama yatang utot siya. You can't see it, but you can smell it, ika nga.

Napaisip tuloy ako kung nag-set up siya ng meeting para manadya. Immature, pero hello? Si Harvey 'to. May malaking chance na totoo ang iniisip ko. Ah, hindi. Maybe I'm thinking about this too much. Ano'ng gusto niyang mangyari? Hindi naman siya siguro nandito para makipaglaruan o makipaghungkatan ng past, ano?

E, teka nga ulit. I've attended most of the meetings kasama ang Exte Comm nila at wala siya sa mga 'yon, so kung nang-aasar lang siya, sana dati pa.

Unless na nando'n siya sa kaisa-isang meeting na wala ako . . . or ngayon lang niya talaga nalaman na parte ako ng LALS.

Ah, whatever. Makaupo na nga. I'll just do my best, at i-ignore ko na lang 'tong magiging dahilan pa kung may kuliti ako bukas.

Wala na, wala na ako sa mood, isip-isip ko. Ilang minuto lang ang nakakaraan nang sobrang saya ko dahil exempted ako sa finals ko sa isang subject ko, pero hindi math major. Siyempre, masaya rin ako for our org na naka-partner namin ang isa sa mga pinakamalaking organization dito sa university. Paanong ang presensiya ni Harvey Luna—itong letseng mayabang na kulot na akala mo kung sinong habulin ng babae—ang makagugulo lang ng utak ko at makakasira lang sa mood ko sa isang iglap lang?

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon