It was a tough and sudden planning, pero kailangan naming mag-adjust if we want to push this through at get the results as near as our expectations. May mga outsiders na bumili na ng ticket kaya there's no backing out. Buti sana kung kami-kami lang.
May tatlong performers: a soloist, a duo, at 'yung banda ni Harvey. Kahit na contacts sila nina Eliza at Vicka, we insisted to pay them. Alam ng isang artist ang burden ng isang kapwa-artist.
Ayun nga lang, imbes na fund-raising ang goal ng event, mukhang simpleng event na lang ang magiging result. Tabla, kumbaga. Buti at mabait 'yung owner. He agreed to receive a certain amount from us—maliit kompara sa mga usual rental fees—plus 'yung bahay para sa mga drinks at overtime sahod ng mga cooks that day. His reason was "Magbubukas naman talaga kami bukas kahit wala 'yung event n'yo, kaya win-win. Kayo bubuhay sa bar bukas ng gabi, kami ang magpo-provide ng venue para sa inyo." Sobrang grateful at suwerte na siya ang nakita namin.
Para mag-compensate sa inconvenience, naglagay kami ng two free drinks. 'Tapos instead na closed event, magiging open event na. Umasa lang kami nina Vick ana maka-attract ng customers ang event para lumaki ang kita namin.
Bukas, kaunting ayos na lang para sa stage. Hindi namin puwede ilagay lahat ng designs dati kundi magiging crowded. Sayang 'yung prod work, pero gano'n talaga. For the next event na lang daw.
Habang nagta-touch up ng hair roots para maging buong gray uli ang buhok ko para bukas, binasa ko ang message ni Vicka.
Vicka
Guys, sa mga makakapunta sa venue tomorrow, 2 p.m. please! Pinayagan tayo ng owner. Tulungan lang nating ma-setup ang stage (simpler designs naman) and the lights and sounds na dadating. Extra chairs c/o AES daw.
See you!
And super thank you kay Aelle for being so level-headed!!!
Being appreciated for things you don't expect to be appreciated is nice pala, ano? Napangiti tuloy ako. Pagkatapos matuyo ng buhok ko, nag-message lang ako sa group chat namin no'ng high school at nag-invite for the event. Mukhang tulog na sila or baka may school si Quinn kaya walang reply.
Pagkatapos kong mag-set ng alarm, saktong may dumating na text message.
Harvey
All songs. For you.
See you, Aelle.
"See you, Harvey," bulong ko, kinakabahan. I may be stupid for feeling this again . . . but he's ready to take the risk. Siguro naman . . . kaya ko na rin.
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Nag-decide akong gumamit ng isa kong absent doon sa two-thirty class ko para makapunta sa bar ng two. Nga lang, kailangan kong umalis ng five o'clock for a meeting sa isa ko namang class.
Pumunta nga kaagad ako sa tambayan para humanap ng kasabay, only to find out na walang tao. Nang nag-text ako kay Desiree, sabi niya na baka nando'n na raw sina Vicka.
Nag-commute ako papunta sa bar. Pagdating ko ro'n, kausap ng owner si Harvey. Tumingin ako sa paligid, pero wala pang tao.
"O, andito na pala si . . . Aelle, tama ba?" tanong ng manager.
Tumango ako. At kay Harvey, sabi ko, "Asan ang iba?"
"Bumili lang daw sina Eliza ng sticky tack sa bookstore. Pero sabi nila, mauna na raw ako rito para may kasama si Vicka . . . kaso wala naman si Vicka."
BINABASA MO ANG
Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)
RomanceAng sabi ng mga tala, incompatible daw ang mga Scorpios at Aquarians. Pero kung mahal mo na, may magagawa ka pa ba? Si Aelle Malaya -- independent, matalino, spontaneous, at weird AF. Ang mga katangian niyang 'to ang napagpasiyahan niyang mangibabaw...