Chapter 19: Malas

209 19 7
                                    

Present


Alam ko namang imposibleng hindi makita si Harvey uli dahil may isa pa kaming event kasama ang AES, pero pagkatapos ng confrontation na 'yon, I hoped na kahit man lang tigilan niya ang pangungulit at pag-aasta na close kami. Because we're not . . . anymore.

Isa pa, kapag naaalala ko 'yung mga sinabi ko, gusto ko na lang ibaon ang sarili ko sa lupa. Cringe! Cringe to the finest! Ugh! Ayoko talagang nagsasalita kapag maemosyon ako. Ano'ng sinabi ko? Na mas gusto niyang magpaniwala sa mga ano? Sa mga bituin?! Who the hell uses the word "bituin" every day?! And what the fuck was "I am different from the Aelle you once knew, so please, don't follow me as if you cared for my feelings"?! Ugh! Dapat talaga umalis na lang ako at hindi na lang siya pinansin. Oh my gosh, cringe, cringe, cringe!

"Wuy, Aelle, ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Desiree matapos niya akong makita magwala na parang iiyak sabay yuko sa may tambayan table.

"May . . . may naalala lang akong cringe shit," sagot ko. "By the way, kailan ba 'yung last na thing natin with AES?

"Bakit, excited ka na makita si Harvey?" tanong ni Tiffany na mukhang paalis na rin papunta sa next class niya.

"Obviously, hindi. Gusto ko lang malaman para alam ko kung hanggang kailan ko titiising makisalamuha sa kanya. Or, better yet, ibigay n'yo na lang sa 'kin mga meeting dates with AES para alam ko kung kailan ako mag-sched ng meetings sa mga acad stuff ko."

"Hala siya! Support naman diyan sa event ko!" sigaw ni Vicka from the other side of the table. Oo nga pala, siya nga pala ang head ng ad hoc committee for that fund-raising.

"Grabe, ang tindi ng past n'yo. Ano ba kasing nangyari? Sobrang tindi ba? Di n'yo kayang magpatawad sa isa't isa?"

"Hindi naman lahat ng pagmu-move on ay through forgiving," sabi ni Tiffany. "Isipin mo, mafo-forgive mo ba kung 'yung ex mo nang-cheat sa 'yo sa best friend mo? At sa bahay mo pa nahuli?"

"Oh my gosh! Gano'n 'yung ginawa ni Harvey?! Gago!" magkahalong reaksiyon nina Vicka at Desiree.

"Gaga, hindi. Sinasabi ko lang."

"Ay, akala ko, gano'n. Kasi kapag gano'n ang nakaraan nila, parang itataboy ko nga nang tuluyan si Harvey."

"E . . ." bigla kong tanong. "Pa'no kung biglang nang-ghost?"

Napatingin silang tatlo sa 'kin.

"Harvey ghosted you?" magkasabay ni Vicka at ni Desiree na sinabi.

"O, ikaw na nagsabi niyan, ha!"

"Teka, alam mo?!" tanong ni Vicka kay Tiffany. "Ano'ng favoritism ito?!"

Natawa si Tiffany. "Actually, nakuwento lang niya pero never niya sinabi 'yung name, pati itsura. Na-sense ko lang no'ng first meeting natin with AES"

"E, bakit niya nakuwento sa 'yo?"

"Di ba, buddies kami no'ng nag-apply 'to?"

"Aaaaa," sabay ulit na sinabi nina Vicka at Desiree, sign na klaro na sa kanilang wala naman talagang nakalalamang. Ewan ko ba sa kanila, kailangan e pantay-pantay ang information na alam nang isa't isa.

"Kaya pala ang cold n'yo sa isa't isa. E, teka, bakit ngayon parang halos bumuntot na siya sa 'yo?" tanong ni Vicka.

"True," pag-agree ni Desiree. "Parang may gustong bumawi."

"Teka, di ba, may binaggit si Harvey na senior high school fling niya na na-ghost niya? Oh my fu—ikaw 'yon?!"

Tumango ako. "Pero may misunderstanding do'n. He said nakita niya akong may kayakap. It's his schoolmate. He consoled me kasi iyon 'yung time na napaisip ako kung ga'no ako katanga. Nagkita kami three days before, tapos biglang hindi na naman siya nagparamdam. Ano 'yon?"

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon