Chapter 3: Makahuluhang Pag-uusap (Flashback)

498 34 16
                                    

Four years ago . . .


Nanahimik akong kumakain ng lunch at nag-a-outline nang biglang lumuhod sina Brianne at Cassy sa harap ko, si Quinn naman e nakatayo sa may likod nila. Naging barkada ko sila dahil magkakasama kami sa isang group project.

Tiningnan ko sila. Sa pagkislap ng mga mata nila, alam ko na kaagad kung ano'ng sasabihin nila.

"Please, please, Aelle! Go with us na!" pakiusap ni Brianne. Sumusubo ako ng hotdog na nakatusok sa tinidor habang nag-uumpisa nang magsulat ng essay para sa assignment namin sa Research na kabibigay lang kanina pero next week pa naman isa-submit. "I swear, we'll meet cute boys! And they're already graduating!"

Yup, ito nga, isip-isip ko. "Ano naman kung graduating? E di, congrats sa kanila. Tayo, we still have one year."

"Girl, please, they really want to meet us," dagdag naman ni Cassy na may pasimuno nito. "When they saw our group pic, sabi ni Jason, we can mix and match. Apat din daw sila sa barkada."

"Bago bang manliligaw 'yan? Parang ngayon ko lang narinig 'yung name. Whatever happened to the other guy?"

"He's dead and is burning in hell," masungit na sinabi ni Cassy. "So please? Help me on this!"

Ah, okay. Hindi na ako magtatanong kung ano'ng nangyari kay Cassy at do'n sa isang guy na ka-date niya three months ago. Mukhang nagkalabuan.

"Can't talaga. Tsaka may service ako, remember?"

"Kami rin naman," kontra ni Quinn. "Pero magka-cab na lang pauwi because we really wanna go."

Hinawakan na ni Cassy ang kamay ko, hoping na mapapayag siguro ako. "I won't arrange a mixer na alam kong hindi natin type ang boys, okay?"

"I . . . don't think na may type ako sa mga guys na pinakita mo." Sinabi ko 'yon dahil nakita ko na sila sa picture na pinakita ni Cassy no'ng isang araw. Naniniwala naman akong "don't judge a book by it's cover," pero for some reason, mas gusto ko talaga ang boys with eyeglasses . . . tapos matalino. Tipong makakasabay sa 'kin sa mga debates at quiz bees. Both of that or nothing. Kung hindi rin lang tulad no'ng nakatalo sa 'kin sa quiz bee no'ng isang taon—kaso may girlfriend kaya ekis—huwag na lang.

"Kailan mo ba kasi sinabi ang type mo?" sagot naman ni Quinn. "See? Wala talagang puso 'tong si Aelle. Kung ayaw niya, huwag na nating pilitin."

Hindi naman sa ayaw ko. Gusto ko, actually, kahit na wala akong type sa kanila. More like . . . I just want to be more sociable. Pero sa ngayon kasi, ang commitment lang na kaya kong seryosohin ay ang commitment ko sa pag-aaral.

I have strict parents, and they have so much expectations on me. Binubuhat ko ang burden bilang unica hija nila dahil pareho silang graduate with honors simula elementary hanggang college from high-ranking schools. In fact, dito sa school kung sa'n nag-aaral ako ngayon ay alumna si Ma. Ngayon, architect na si Dad, engineer naman si Ma. Pero kahit gano'n ang fields nila, gusto nilang magdoktor ako dahil wala pa raw kumuha ng gano'ng path on both sides. Lawyers and engineers mostly sa buong angkan namin.

At kapag nalaman nilang sumali ako sa mixer, paniguradong sermon ang abot ko sa kanila. Na-imagine ko nang sisigaw sila ng Do you want to be pregnant, Aelle Minerva Malaya? or Relationships can wait, your honors cannot. Siguro napagod na lang din ako kakarinig ng mga ganito kaya as much as possible, hindi ako uma-attend ng mga social gathering. Gano'n na ako nasanay nabuhay.

"I'm sorry," sabi ko. "Kayo na lang. Balitaan n'yo ko how the mixer went."

Tumayo na sina Brianne at Cassy. Si Quinn, pumito. Siguro whistle of defeat. "Fine. Sige, next time na lang."

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon