Chapter 15: Harvey's Friend (Flashback)

219 19 9
                                    

Four years ago . . .


I was okay with being Harvey Luna's friend. Kung hindi pa siya ready sumabak sa isang relationship, I'll respect that. Maybe, so am I. Sadyang nadala lang ako sa agos. I mean, he was the first guy I liked after all. Mahirap nga lang pigilan ang feelings kada magse-send siya ng memes at mag-uusap lang kami how our day went. Dahil nga sa pagpipigil ko ng feelings, I created a new hobby: reading shoujo manga and romance novels. At least, may ibang dahilan ang kilig ko.

Ang masaklap lang, si Harvey at ako ang madalas kong ma-imagine as characters.

Hay. I can't wait for the day that I forget these romantic feelings. Kasi, sa totoo lang, my friendship with Harvey is one of a kind. I'd like to keep it . . . kung hindi talaga kami para sa isa't isa romantically. Siguro dahil may connection kami in terms of familial problems. Sina Quinn, Brianne, at Cassy kasi, walang ga'nong expectations from their parents. Mga bata pa nga ang parents nila—I mean, compared to mine—kaya siguro mas magkasundo sila.

Tulad ngayon. It's a week before sembreak. Nag-iisip silang mag-attend ng Halloween party na ise-setup ng isa sa mga classmates ni Harvey. Nag-invite daw kasi si Adam. Buti pa sila, they don't have to worry about their parents. Samantalang ako, marinig ko pa lang na may pupuntahan sila, nag-iisip na ako kaagad ng idadahilan kina Dad at Ma . . . or idadahilan sa kanila. I'm sure they'll understand . . . but still.

"Sabihin mo na lang na kasama mo ulit ako at ihahatid ka namin," sabi ni Brianne.

"Ginamit ko na 'yan last time," sagot ko. "Quota na ako sa dahilan na na-top ko ang exams. Di ko naman puwedeng gamitin 'yon all the time."

Sumimangot silang tatlo. "All right." Saka nagtuloy mag-usap-usap.

Sakto namang nakatanggap ako ng chat kay Harvey. Napatingin pa nga ako kay Cassy dahil akala ko e nagsumbong kay Adam, pero mukhang di naman niya hawak ang cell phone niya.


Harvey

Yo

Lunchtime na namin. How bout you


Aelle

Yo!

Lunchtime din namin! 😊


Harvey

Btw

There'll be Halloween party on sat hosted by a classmate

Sabi niya pwede naman daw kami maginvite ng +1 or +2

Wanna come?

Please come haha

Youre four in a grp right?


Aelle

They're actually talking about it.

Kaso...

Baka di ako payagan e.


Harvey

Whyyyy noooo

It'll be the same date as my birthday

Seeing you is enough as a gift


Aelle

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon