Chapter 26: Questions

206 20 6
                                    

Gumala muna ako sa iba't ibang lugar. Bumili pa ako ng sim card at nilagyan ng data para hindi ko gamitin 'yung main number ko. Pagkatapos, naghanap ako ng mga puwedeng raket sa mga Facebook groups tungkol sa mga nagpapa-tutor, pati mga art commissions na puwede kong kunin. Gusto kong maging busy as much as possible para hindi ko maalala ang mga nangyari ngayong araw na 'to.

Mga nine na ng gabi ako nakauwi. Kinabahan pa nga ako na baka nag-aabang si Harvey sa bahay, pero wala naman. Dere-deretso lang ako sa kuwarto at nagpanggap na di ko nakita ang mga magulang ko na naghahapunan.

'Yung lakas ng loob kong maglayas, nawala bigla. Naisip ko that I'll be fine as long as hindi nila ako imikin. Pero pagkahiga na pagkahiga ko, doon ko biglang naramdaman lahat. Na nandito ako sa bahay ng mga taong lumuwal sa 'kin—hindi dahil gusto nila akong mabuhay pero dahil "kailangan nila ako panindigan." Na sa sobrang lungkot ko, I stoop low and went to the person who ghosted me twice. I only needed an explanation from him, pero iba ang nangyari.

Sa mga mata niya, mukhang gusto naman niya ang nangyari . . . pero how could I be sure? Pa'no kung malungkot din pala siya tulad ko dahil sa mga nangyari din sa kanila at rebound lang ako katulad ng ginawa ko sa kanya? Masasabi ko bang patas 'yon?

Ah, fuck.

Now I have to deal with this alone.

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

At dahil ang dami kong kailangang gawin—klase mula umaga hanggang hapon at tutorial lessons sa hapon—kailangan ko humanap ng paraan para maisingit ang art commissions na tinanggap ko. Ayoko namang makilala as "tumatanggap kahit di naman kaya." T'wing mga break, imbes na pupunta sa tambayan, pupunta ako sa library at do'n mag-aasikaso ng mga kailangang gawin. 'Tapos uuwi ako right after my last class, saka magkukulong sa kuwarto pagdating.

Nakalipas na ang Monday, Tuesday, at Wednesday at wala namang kababalaghang nangyari. Monday naman ay wala talaga kaming pasok, kaya puro acads lang ako. Lalabas lang ako sa kuwarto para kumain at pumunta ng banyo. Tuesday at Wednesday, I preoccupied myself with the things that I had to do. Sa sobrang busy, I barely opened any notification.

Isa pa, ilang araw na ring naka-deactivate ang main sim card ko. Mas ginagamit ko 'yung kakabili ko lang for the sake na hindi ako mawala sa focus. Kung may bubuksan man ako, email lang. Nagme-message rin naman si Desiree doon kung may ganap sa org.

Uwian ng Thursday, nag-cancel 'yung pagtu-tutor-an ko dahil may school project daw sila. Okay, go lang. Pero dahil ayoko pang umuwi, pumunta na lang ako sa isang café malapit lang sa university. Do'n ko na lang itutuloy 'yung isa kong art commission.

Habang nag-o-order ako, nakita ko si Eliza na papaalis, pero may kasama siyang ibang tao. Kunwari na lang na di ko siya napansin, kaya nag-earphones na lang ako. Mukha rin namang di niya ako napansin.

Tuloy ang buhay.

Sa kalagitnaan ng ginagawa ko, biglang may dumating na email from Desiree. For sure, iko-coordinate lang niya sa 'kin ang minutes para sa general assembly ng org sa Friday. Pero laking gulat ko nang nabasa ko 'yung naka-all caps niyang subject sa email.


BABAE NASAAN KA NA BA?

Desiree Cristina Bale • 45 minutes ago

to Aelle Minerva Malaya

GHORL?! Wru?! Dami na naming messages and everywhere. Ano bang tsaa? Kahapon ka pa hinahanap nitong si Harvey. Ayaw sabihin kung bakit! As in, girl, pagdating niya, ikaw hanap. Sabay upo tapos hihintayin ka lang. Naawa nga kami kaya sinamahan namin kahapon e di ka dumating. Di ka rin sumasagot sa calls namin.

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon