Four years ago . . .
Pinatong ni Harvey ang kamay niya sa may balikat ko. Pagtingin ko, 'yung mata niya, parang naiinis at nakatitig sa kausap ko.
"Yes, San Jose?" banggit pa niya sa apelyido ni Tristan. Although normal naman yata ang pagtawag ng apelyido sa school nila, ang condescending pa rin ng tunog ng pagkakasabi niya. Siniko ko na lang siya para mawala ang tension. Pero itong si Tristan, hindi makaramdam.
"I'm just talking to your friend." At talagang in-emphasize pa niya ang salitang friend.
Nagkaro'n ako ng feeling na lalala ang conversation nila. Either na-misunderstand ni Harvey na napilitan akong makipag-usap kay Tristan, or si Tristan ang naka-misunderstand sa pagka-protective ni Harvey. E, between them, si Harvey ang kaya kong pakiusapan.
"Don't worry," sabi ko sa kanya sabay tap sa may dibdib niya. "I don't mind talking with Tristan, really."
Na parang may sinabi akong masakit, tinanggal niya ang kamay niya sa may balikat ko. Ewan, pero pagkaharap niya sa 'kin, nakakunot na 'yung noo niya. Na parang may gusto siyang sabihin, but he chose not to. Tumingin ulit siya kay Tristan.
"'Ge, enjoy muna kayo." Tapos nag-walk out na siya.
Naguluhan ako sa nangyari. Bakit siya nag-walk out? Did he not want me talking around other guys? E, bakit niya ako pinapunta rito? Or . . . was he . . . jealous, perhaps?
"He clearly likes you," sabi pa ni Tristan bago niya ibinangga ang bote ng beer sa baso ko. "Habulin mo na bago mabaliw."
Kahit na hindi pa tapos ni Tristan ang sinasabi niya, sumunod na ako kay Harvey sa labas. Nakita ko siyang nando'n sa may malapit sa corner ng street, naglalakad ng pabalik-balik. 'Yung isang kamay nasa bewang niya, 'yung isa nasa noo. Tinawag ko pa nga siya twice bago niya mapansing tumatakbo na ako papunta sa kanya.
Nahinto lang ako sa paglalakad nang bigla niya akong tinigil, buong palad e nakaharap sa 'kin.
"I-I'm sorry for my actions a while ago," umpisa niya. Naglakad ako nang dahan-dahan papunta sa kanya. "Ewan. Nalilito ako."
"About what?"
"I . . . never mind." Napaupo siya may sidewalk. Ngayon, takip-takip na niya ang buong mukha niya. "Hindi ko alam. I am mad about . . . basta. You won't understand."
"Hindi ko talaga maiintindihan if you won't tell me about it." Umupo ako sa tabi niya, at kahit papa'no, relieved akong hindi niya ako tinaboy. "Kasi no'ng nag-walk out ka, hindi ko alam kung ano'ng gagawin. We've been friends for months now and—"
"Exactly, Aelle," pagpigil niya. Naghintay ako sa mga susunod niyang sasabihin, pero lalo lang niyang idiniin ang mga palad niya sa mukha niya. May narinig akong bulong, pero di ko masyadong maintindihan dahil nga sa posisyon niya. But I knew the word like was there. Kung tama ako, ito ang mga salita na gusto kong marinig sa kanya, pero nagsabi na kami sa isa't isa na hindi kami handa at i-keep na lang ang friendship.
"Harvey, di kita marinig."
"Hindi naman kailangan."
"O, narinig ko 'yon," sabi ko, mas malapit na ang ulo ko sa kanya para mas maintindihan ko ang sinasabi niya. "Ano 'yung binulong mo kanina? Please let me know so I could confirm if . . ."
Nilipad na lang ng hangin ang mga salitang gusto kong sabihin nang bigla niyang inangat ang ulo niya at tumingin sa 'kin. Doon ko lang namalayan na hindi na pala niya suot 'yung fake fangs niya. At . . . ewan. Napipe na lang ako. Pa'no ba naman . . . for the first time in four months ng pagkakaibigan namin, sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)
RomanceAng sabi ng mga tala, incompatible daw ang mga Scorpios at Aquarians. Pero kung mahal mo na, may magagawa ka pa ba? Si Aelle Malaya -- independent, matalino, spontaneous, at weird AF. Ang mga katangian niyang 'to ang napagpasiyahan niyang mangibabaw...