Four years ago . . .
After ng moment namin ni Harvey no'ng birthday niya, akala ko mararanasan ko na ang feeling ng magka-boyfriend. Nag-text pa nga ako sa kanya na sobrang saya ko, that I can't wait to see him the next days. But guess what . . .
Hindi na siya nagparamdam.
Pinalagpas ko ang isang araw. Baka pagod. Baka nagkasakit. Nagse-send pa ako ng selfies—naririnig ko lang kasi kay Cassy na nawawala raw ang pagod ni Adam pag nagse-send siya ng selfie. E di, ginawa ko rin. Pero walang effect. Walang tawag, walang text. Nagbu-blue naman ang Messenger, kaya online siya. Tumatawag ako, pero hindi siya sumasagot.
'Tapos, the next day, nag-deactivate na siya ng account.
May . . . may nagawa ba akong mali?
Tinawagan ko siya sa cell phone niya, pero tuloy-tuloy ang ring. Hindi siya sumasagot. Gano'n din ang ginawa ko for the next three days, hoping he would answer, pero wala. On the fourth day, naka-receive na ako ng recorded voice mula sa operator na out of coverage siya. Out of coverage, e, nasa Metro Manila kami? Nasa'ng lupalop ba siya?
Pumupunta rin ako sa coffee shop kung sa'n kami laging nagkikita, but to no avail. Gusto ko na siyang ipatanong kay Adam, pero hindi ko pa kayang sabihin sa friends ko na . . . na gano'n ang nangyari.
No'ng mga araw na 'to, hindi ako makapag-focus, kaya naapektuhan ang grades ko, to the point na naging concerned ang mga teachers. Tumawag sila kina Ma at Dad at nakipag-meeting. Tinanong nila kung may nangyayari ba sa 'kin sa bahay at kung may problema ba raw ako, kesyo sayang naman at nasa honor roll ako pero bumaba ako ng standing. Pagdating sa bahay, halata sa mukha nila ang disappointment.
"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, Aelle?" tanong ni Ma. "Are you studying? Ano, pupulutin ka na sa kangkungan niyan?"
Napairap ako dahil sa comment ni Ma. "May pinagdadaanan lang po."
"Ano ang pinagdadaanan mo?" tanong ni Dad. "Mag-open ka, 'Nak. Hindi 'yung ganyan. Kami ng mama mo, ginagawa namin lahat to give you excellent education. Don't waste it."
Kinagat ko ang labi ko. Pinipigilan kong umiyak. Gusto ko sanang sabihin na "Hindi ko naman po choice ang mabuhay, so bakit parang utang na loob ko ang mabuhay nang maayos?" pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.
"O, ngayon, bakit ayaw mo magsalita?"
Nagbuntonghininga ako. Bahala na.
"I . . . met a guy and . . . I'm heartbroken." Ang totoo, I was ready to open up about Harvey ghosting me. Ready na ang mga luha ko. Pero nang tumaas ang boses ni Dad, napalitan ang luha ng galit.
"Nag-boyfriend ka na? Ang bata-bata mo pa?"
"I'm sixteen?!"
"Aba, sumasagot ka na?"
Pinigilan ni Ma si Dad, at siya naman ang nanermon. "Ano bang sabi naman sa 'yo tungkol sa pagbo-boyfriend, ha? It will only disrupt your studies, and tingnan mo! You never listen to us!"
"Never?" bulong ko, pero narinig ni Ma.
"Ano'ng binulong mo?" galit na tanong nila.
"Ma, Dad, I always listen to you! I'm trying to fill all your expectations nga, e!"
"Nakinig ka ba sa 'min no'ng sinabi naming focus on your studies and 'wag muna mag-boyfriend?"
"He's even not my boyfriend! I'm just heartbroken and—"
"E di, kontrolin mo 'yang emotions mo, Aelle! Di ka na bata to not know your priorities. Ang akala namin, matalino ka. Sayang ipinambabayad namin ng tuition kung lalandi ka rin lang!"
![](https://img.wattpad.com/cover/330751098-288-k513491.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)
RomanceAng sabi ng mga tala, incompatible daw ang mga Scorpios at Aquarians. Pero kung mahal mo na, may magagawa ka pa ba? Si Aelle Malaya -- independent, matalino, spontaneous, at weird AF. Ang mga katangian niyang 'to ang napagpasiyahan niyang mangibabaw...