Chapter 10: Turn-On

292 29 22
                                    

"Excuse me? Saan ninyo ako ni-register?"

Nagtinginan sina Desiree, Vicka, at Tiffany. Buti at alam nila na sa tono pa lang ng boses ko, alam nilang may ginawa na sila na hindi ko gusto.

"E, e . . . ikaw lang kasi 'tong brainy."

"I told you it wasn't a good idea."

"Grabe naman kasi 'yung marketing skills ni Harvey, hindi tayo nakahindi."

Nag-uusap silang tatlo without even looking at me, halatang guilty sa ginawa nila. After all the papers I finished yesterday para sa mga minor na nagfi-feeling major, ang madadatnan kong balita pagkadating na pagkadating ko sa tambayan ay inilista ako ng tatlo 'to sa isang quiz bee contest . . . at with Harvey pa talaga!

"Nagkaro'n lang tayo ng discussion the other day na hindi compatible kami kuno, and now you're pairing me up with him?"

Tumingin sina Vicka at Tiffany kay Desiree, na mukhang may pasimuno ng lahat. Knowing her, alam kong napa-oo siya nang wala sa oras. Magaling pa naman sa conversation si Harvey—well, at least kung pa'no ko siya nakilala.

"Sana nag-message man lang kayo kung payag ako," sabi ko sabay buntonghininga. "Hindi na ba mababawi ang registration?"

"Nagbayad na kami ng three hundred—"

"Three hundred? From the org fund?"

Tumango silang tatlo. "Ms. President," umpisa ko kay Desiree. "You know this is an org matter, right?"

"Pinagalitan na nga po ng secretary ang—"

"At ikaw, Ms. Vice Pres?" tanong ko kay Tiffany, nakapamewang. "Di ba dapat may pagpipigil na nagaganap?"

"I swear, Aelle, kung nando'n ka," sabat ni Vicka, "hindi ka rin makakatanggi."

"Kung nando'n ako, sinungitan ko lang siya at humindi. Sino siya para pumunta na lang sa tambayan to ask us a favor?"

"Ten thousand kasi ang price, girl. And totoo naman 'yung sinabi ni Harvey. You know a lot. You're an offspring of art and science. You can win that!"

"I know a lot, e, pa'no kung trivial questions? Alam ko ba kung ilang beads ang nasa rosary?"

Pinigilan nilang tumawa. That one just came out of my mouth suddenly na pati ako, natawa sa sarili kong sinabi.

"Ano, may nakakatawa?" tanong ko habang nakikitawa rin. Nakakainis. "E, pa'no kung may klase ako niyan?"

"We checked your sched," proud pang sabi ni Desiree. "Wala kang klase today at four—"

Nang napakagat ako sa labi at napahawak sa noo ko dahil sa sobrang frustration, siniko nina Vicka at Tiffany si Desiree. Do'n niya na-realize ang mga sinabi niya. Napatalikod ako nang mga ilang segundo saka humarap ulit. "You checked my sched, pero hindi ninyo na-check kung payag ako. Wala rin akong na-receive na text. At today talaga 'yung quiz bee? Ng four p.m.?!"

Lumuhod si Desiree sa harap ko. Saktong bumukas ang pinto ng classroom kung sa'n nasa tapat kami. Wrong timing. Klase pa 'yon ng mga freshmen. Ang ending? Habang nakaluhod si Desiree sa harap ko at humihingi ng sorry, nagtitinginan ang mga students.

"Beg later, act decent now," demanda ko. "Or else lalo akong magagalit."

Tumayo naman si Desiree dahil sa ultimatum ko. "E, kasi naman, Aelle! As in talaga! Nakiusap siya na ikaw dahil eighty percent, kayang manalo!"

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon