Four years ago . . .
Ilang linggo na ba after that fateful date? I can't remember anymore, but here we are, obviously flirting kapag nagcha-chat. Or considered flirting na ba kapag naggu-"good morning" at "stay safe" at ako raw ang una niyang kakausapin after school?
We talk about a lot of things. Kung ano'ng pinanapanood niya, kung ano'ng ginagawa ko. His past, my past. His parents, my parents. How is it to be in a broken family, how is it to have authoritarian parents. When my parents are out, I sneak to play Valorant with him.
He's just . . . very dreamy.
Nagyaya naman siya ng next date, pero dahil nga nagpapabango pa ako kina Ma, nagsabi muna akong hindi muna. Chat-chat lang muna, sendan ng memes . . . kasi nga bawal pa lumabas. Ako na lang mismo nagpabawal sa sarili ko. I just needed time.
"Ano na ba talaga ang score?" pagkulit sa 'kin ni Quinn. "Kayo na ba?"
"H-hindi pa. Tsaka bawal pa nga, di ba?"
Umikot na naman ang mga mata ni Brianne. "Okay lang mag-take your time, Aelle. Pero sana pinagbabawalan mo sarili mo dahil sa priorities mo mismo, hindi dahil sa ibang tao."
Tumango na lang ako. Alam ko namang parents ko ang tinutukoy niya.
"By the way, did you guys hear?" tanong ni Cassy kaya nag-iba ang usapan. "May battle of the bands daw sa school nila. Sayang nga kasi Adam's a drummer, kaso he's a member of the club that facilitates the event. Special performance na lang daw sila ng banda nila."
"Di ba, Aelle, na-mention mong naggigitara si Harvey?"
Napatingin ako kay Quinn. "Yep, pero wala siyang sinasabi so baka hindi."
"Sayang naman. I heard him once," pagpapatuloy ni Cassy. "He has this warm voice, and he's good at playing the guitar."
Na-curious tuloy si Brianne. "Mukha naman siyang friendly, a? Bakit hindi siya maghanap ng mga kabanda niya?"
"Hindi niya actually ino-open up ang tungkol sa battle of the bands nila. Pero oo . . ." Napakagat ako sa labi nang maalala ko ang boses niya. "Magaling siyang kumanta."
"Ay! Si Aelle, kinikilig, o!"
"May pagkagat pa nga ng labi!"
"Oh my gosh, you guys! Aelle's blushing!"
Sabay-sabay akong tinukso nina Brianne, Quinn, at Cassy, at hindi talaga nila ako tinigilan hanggang sa kanya-kanya na ring dumating ang mga service namin.
Do'n naman ako sa may driver's seat ng van nakaupo. Usually, ang mga umuupo do'n e 'yung pinakamatanda sa service. At dahil ako 'yung oldest, I had the power. Masaya kasi solo ko ang aircon. Pero minsan, nagre-request ang mga chikiting na huwag na mag-aircon at magbukas na lang ng bintana—tulad ngayon.
It's first time this year na narinig ko from the chikitings: "Kuya, windows tayo!"
Tapos pilosopong sasagot si kuya, "Tao tayo, hindi windows."
Tapos nagtawanan sa loob ng van. Dalawa kaming Grade 11, apat sa junior high, tapos the rest ay elementary students na. Kaya kung botohan lang, siyempre, mananalo ang mga chikiting.
"Oo na, sige na, basta walang maglalabas ng kamay."
Binuksan na ng mga ka-service ko ang mga bintana habang nirolyo ko naman 'yung akin. As usual, aalis sa parking 'yung service namin and then iikot. Ayoko pa buksan ang bintana nang buo kasi ma-traffic pa naman hangga't di kami nakakaalis sa area na 'yon.
BINABASA MO ANG
Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)
RomantizmAng sabi ng mga tala, incompatible daw ang mga Scorpios at Aquarians. Pero kung mahal mo na, may magagawa ka pa ba? Si Aelle Malaya -- independent, matalino, spontaneous, at weird AF. Ang mga katangian niyang 'to ang napagpasiyahan niyang mangibabaw...