Chapter 13: First Move

237 19 5
                                    

As much as possible, ginawa kong busy ang sarili ko at ginawa ang parte ko sa outreach activity, which was mag-document at magbantay ng attendance booth. Kami ni Eliza ang in charge sa attendance area, pero may kailangan siyang sagutin na importanteng org-related call kung kailan napupuno na ang mga tao sa venue. Nakita ko na lang ang sarili ko na nire-request ang bawat taong nakapila na maging patient lang habang naghihintay ng pagkakataon nila para makakuha ng food stub. Ako rin ang nagsusulat ng mga pangalan ng mga bata sa mga sticker paper at nagdidikit din ng mga 'yon sa mga damit nila. Pinakiusapan ko muna 'yung isa kong orgmate na mag-picture. Sa sobrang overwhelming, may time na ang binigay ko ay sticker paper instead na food stub sa isang adult.

"Need help?" tanong ni Harvey.

Nagpanggap akong bingi at tinuloy lang ang ginagawa ko. Pero nagdesisyon din siyang tulungan na lang ako at kinuha 'yung mga food stub mula sa table. Siya na rin ang nagsabi sa mga tao na pumila nang maayos. Hinayaan ko na lang siya at lumayo na lang ako for my own peach.

"Di ba dapat tinutulungan mo si Vicka mag-set up ng audio system?" tanong ni Eliza pagkabalik niya.

"E, nag-uumpisang mag-crowd ang mga tao rito," sagot ni Harvey. "Tinutulungan ko lang si Aelle."

"Bumalik ka na sa assignment mo. Pa-impress ka lang, e," biro niya habang tinutulak si Harvey palayo sa attendance booth.

"Huwag kasi magbebe time habang may org event."

"Sponsors 'yon for our next event."

"Fine, fine," patawang sagot ni Harvey bago sumaludo kay Eliza.

Nang di na namin makita si Harvey, saka tumingin sa 'kin si Eliza. "He obviously likes you, ano?" sabi niya sa 'kin bago siya kumindat. "Kailangan mo ba ng number niya? Sabihin mo lang."

So mukhang wala ngang alam si Eliza tungkol sa nakaraan namin. Akala ko meron dahil sa pahiwatig niya no'ng nasa van kami. Isa pa, nando'n din siya sa meeting kung sa'n nagsimulang maungkat ang nakaraan namin. Pero naa-appreciate ko 'yung unassuming at inosente niyang approach. Siguro to be considerate na rin with me.

Nasa may gilid lang ako ng venue habang pinagmamasdan mangyari ang event at nagpi-picture for documentation. Si Vicka ang nag-host, si Desiree ang nagbigay ng mga lecture tungkol sa community development, at mga members ng AES at LALS ang nag-facilitate ng mga activity para sa mga matatanda at bata. Kami ni Eliza ang nagbantay sa attendance booth pati sa mga relief goods na ibibigay mamaya.

No'ng magla-lunchtime na, nagkasundo kami ni Eliza na siya muna ang magbabantay sa booth para makatulong ako sa paghanda ng lunch. Ako kasi ang nag-propose na mag-hire na lang ng food-catering service pero walang silverware, tapos gagamit na lang kami ng mga paper plate na nakalagay sa matitigas na plastic at lalagyan ng isa pang mas malambot na plastic para iyon na lang ang itatapon. Since nag-okay ang mga tao, feeling ko e responsable rin ako sa paniniguradong okay ang flow during lunch. Medyo inconvenient nga lang on our part, pero at least mas kaunti ang basura.

Habang naglalagay ako ng shanghai sa plato, nakita ko si Harvey na nag-a-assist at naglalagay ng kanin. Tumingin siya sa 'kin saka sinabing, "Natikman mo ba 'yung food?"

Matagal ako bago sumagot, "Hindi," tapos bumalik ako sa pages-serve nang tahimik. Hindi ko talaga trip ang mga small talk kahit pa sa kakilala ko. Ayokong magtunog naiinis, pero mukhang iyon na nga ang naging tono ko.

Nang patapos na ako, biglang may matandang lalaki na umubo nang sobrang lakas. 'Yung anak niya, I assume, na katabi niya e biglang tinapik-tapik siya sa may likod at dinala sa may isang parte ng multipurpose hall. Siyempre, pumunta ako kaagad sa may water station, pinuno ang isang paper cup ng tubig, saka ako pumunta sa kanila para ibigay 'yon. Pagkatapos, bumalik na ulit ako sa food preparation area, just in time para sa lunch announcement.

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon