Chapter 6: Caramel Frappe (Flashback)

292 30 11
                                    

Four years ago . . .


Kababalik lang ng exams at nalaman kong ako ang highest sa philosophy—59 over 60. Nabawasan ako ng points do'n sa isang identification dahil mukha raw A 'yung B ko. Tinanggap ko na lang kasi kahit ako mismo, naguluhan kung A nga ba ang sinulat ko o B. Sa ibang subjects din, nasa top 3 ako lagi.

At ewan ko ba sa sarili ko kung bakit sa lahat ng tao na puwedeng una kong pagsasabihan right after ma-receive ko lahat ng exam results ko, si Harvey pa ang napili ko.


Aelle

Highest ako sa philo!!!


Pero dahil hindi siya nag-reply kaagad, naisip ko na baka akalain niya e feeling close kaagad ako. E, nag-blue naman. Wala pang two minutes, nag-chat ulit ako.


Aelle

Sorry ang fc and yabang hehe

Just wanted to say that since the questions you asked showed in the exam

I'm grateful 😊

Worth it sana ang samgyup gastos mo sa kin 😊

Tysm


Nalungkot ako nang di siya nag-reply agad, at napa-overthink ako kung tapos na ba 'yung mini-landian namin dahil na-invite na niya ako sa isang samgyup date. Nainis tuloy ako sa sarili ko dahil pumayag ako tapos kinilig ako tapos aasa ako bigla. Baka plano niya na amuhin ako at kapag nagpakita ako ng kahit kaunting interest e iiwasan niya na ako?

Overthink malala.

Huminga ako nang malalim at binulong sa sarili ko, "Let it go, let it go." Pero sa kalagitnaan ng iniisip ko, biglang nag-vibrate ang phone ko. For a moment, napadasal akong si Harvey.

At si Harvey nga.


Harvey

CONGRATS!!!

Well, you're smart. I don't doubt you!

Samgyup na ba ulit? Hahah


Aelle

Nah, di sulit samgyup sa kin

Tingnan mo nga, parang isang round lang ako

You on the other hand...

Hahaha


Harvey

What? Hahaha 🙂


"Someone's smiling over there na naman, o. Kairita," biro ni Cassy nang makita niya akong hawak ang phone ko. Nakangiti rin siya, nanunukso 'yung mga mata. "Ano, kayo na ba ni Harvey? What's the score?"

"Friends lang kami."

Inakbayan ni Quinn si Brianne. "Ito. Ito ang friends. 'Yang ngiti-ngiti at biglang pagdakot sa phone and expecting someone to message? Not friends-friends."

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon